Pagdating Nang panahon

Ice (formerly Aiza) Seguerra (born 17 September 1983) is a Filipino actor, singer-songwriter and guitarist. Seguera started his career as a child comedian. After a colorful TV stint, he penned one of the country's most memorable ditties, 'Pagdating ng Panahon.' Pagdating ng panahon Pagdating ng panahon Refrain Naalala mo pa ba ang 'yong kahapon Hinahanap mo ang landas Mga pangarap gusto mong maabot Ngunit ikaw ay natatakot Malalaman mo kung papaano Liligaya sa buhay Pagdating ng panahon Masdan mo ang mga ulap Balikan mo ang 'yong alaala Mga araw na lumipas Sa iyong buhay Malalaman mo kung papaano ... Pagdating ng Panahon Alam kong hindi mo alam Narito lang ako Maghihintay kahit kailan Nangangarap kahit di man ngayon Mamahalin mo rin Mamahalin mo rin Pagdating ng panahon Baka ikaw rin at ako Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon Sana ay mahalin mo rin Pagdating ng Panahon Di pa siguro ... je m'adresse à vous mesdames par ce site, car la relation humaine Pagdating Ng Panahon Movie Sharon Cuneta Latest a beaucoup changé, je n'ose dire évoluer ! Je suis un Pagdating Ng Panahon Movie Sharon Cuneta Latest retraité confortable, en très bonne santé et au physique svelte et sportif, 1. 76 m pour 75kgs. Je suis un sportif réel aux ... pagdating ng panahon makakapunta din ako sa New Zealand. English. when the time comes. Last Update: 2020-06-10 Usage Frequency: 1 Quality: Reference: Anonymous. Add a translation. Get a better translation with 4,401,923,520 human contributions ... Pagdating Ng Panahon Chords by Aiza Seguerra. Learn to play guitar by chord / tabs using chord diagrams, transpose the key, watch video lessons and much more. Choose and determine which version of Pagdating Ng Panahon chords and tabs by Aiza Seguerra you can play. Last updated on 05.27.2015 Pagdating ng panahon Baka ikaw rin at ako Baka tibok ng puso ko'y Maging tibok ng puso mo Sana nga'y mangyari 'yon Kahit di pa lang ngayon Sana ay mahalin mo rin Pagdating ng panahon Submit Corrections. Writer(s): Gallardo Edith M, Ortiz Vadim. AZLyrics. A. Aiza Seguerra Lyrics. album: 'Pagdating Ng Panahon' (2001) Directed by Joyce Bernal. With Sharon Cuneta, Robin Padilla, Rufa Mae Quinto, Amy Austria. Lynette (Sharon Cuneta) is a conservative and religious lady who leads a boring life. So when she gets a marriage proposal from Manuel (Robin Padilla), whose family is known to be a brood of chauvinists, she was ecstatic.

Pahayag ni VP Leni Robredo: Ulat, Mungkahi Ukol sa Pandemya, at Mensahe ng Pag-asa

2020.07.29 11:03 itachi_04 Pahayag ni VP Leni Robredo: Ulat, Mungkahi Ukol sa Pandemya, at Mensahe ng Pag-asa

Pahayag ni VP Leni Robredo: Ulat, Mungkahi Ukol sa Pandemya, at Mensahe ng Pag-asa
Sa puntong ito, halos isang buwan na na mahigit isang libo bawat araw ang dagdag sa mga COVID positive cases ng bansa. Halos magdadalawang libo na rin ang pumanaw, bukod pa sa napakaraming naospital, naubusan ng ipon, nawalan ng trabaho, o nakakaranas ng paghihirap at pangamba sa mga panahong ito. Mahigit limang buwan na ang lumilipas mula nang naiulat ang unang kaso ng COVID-19 sa ating bansa.
Sa malaking bahagi ng panahong ito, minabuti ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo na gawin ang makakaya upang tumugon sa kahit anong paraan basta may maitulong, gaano man kalimitado ang aming budget o mandato.
Humaharap ako sa inyo ngayon upang iulat ang mga natutuhan namin sa panahong iyon: Ang feedback mula sa mga eksperto, mula sa mga doktor, at mula sa mga pinakaapektado—ang hinaing ng mga nasa komunidad, ng mga frontliners, ng mga napipilitang sumugod sa panganib dahil kailangang magtrabaho, ng mga drivers, ng mga locally-stranded individuals na napipilitang matulog sa hagdan o bangketa.
Sa harap ng ganitong kalaking krisis, lalo lang tayong malalagay sa panganib kung matitibag ang mga institusyon nating pampamahalaan. Ituring sanang karagdagang ambag ang pahayag na ito—mga rekomendasyon at aral mula sa halos limang buwan na naming pakikipag-ugnayan sa ating mga kababayan para labanan ang COVID.
Hindi mapipigil ang pandemya kung basta mag-aabang na lang tayo ng bakuna. Kailangang maampat ang pagkalat nito sa lalong madaling panahon. Nagsisimula ang lahat sa tamang datos, na pundasyon ng tamang desisyon. Mula dito, matutukoy ang kung sino at aling mga lugar ang dapat tutukan pagdating sa mass testing, contact tracing, at suporta sa mga komunidad at ospital. Kung magiging tama ang tugon sa aspekto ng healthcare, mako-control ang community transmission, magiging mas mabilis, ligtas, at strategic ang pagbubukas ng ekonomiya, maiiwasan ang pagkawala ng trabaho, at hindi na dadami pa ang dadanas ng kahirapan. Mababawasan ang pangamba ng pagsasara, at hindi na kakailanganing umabot sa punto ng pagle-layoff sa mga empleyado, o mas malala, sa pagtiklop ng mga negosyo.
Ito ang broad strokes ng plano. Wala akong duda na mulat ang pamahalaan dito. Pero malaki ang krisis, at maraming dapat gawin, kaya kailangan nating lahat maging mas maliksi sa pagtukoy sa mga puwang, at maging mabilis at malikhain sa pagpuno nito. Heto ang ilang mungkahi:
Una, linisin at pabilisin ang pagkalap ng datos ukol sa COVID-19. Kung magagawa ito, magiging mas matibay ang pinagmumulan ng mga desisyon, polisiya, at programa para mapigilan ang paglaganap ng virus.
Marami nang mga eksperto ang naglabas ng iba’t ibang platform para maging repository ng datos. Ang kailangang gawin, piliin ang pinakamainam dito, at gumawa ng isang ecosystem ng pagtugon kung saan standard ang pagka-sentralisado.
Isa pa: Kung mali at buhol-buhol ang pag-input ng data, babagal ang validation; babagal din ang proseso ng decision-making. Halimbawa: Sa data na nakakalap, may discrepancy sa mga nagpositive at confirmed cases. May mahigit 113,000 cases ang nagpositive sa testing, ngunit nasa 80,000 pa lang nito ang confirmed cases. Ibig sabihin, kailangan talagang humabol ang verification, dahil maraming positive ang hindi agad naisasama sa opisyal na data.
Dapat magkaroon ng communications campaign para ang mga nagpapagamot mismo ang tumiyak na wastong impormasyon ang naitatala tungkol sa kanila. Malawak ang kakayahan ng pamahalaang magpalaganap ng impormasyon, kaya umaasa tayong magagawa ito sa lalong madaling panahon.
Ikalawa, at karugtong nito: Isama ang mga pamantasan at academic institutions para tumulong sa validation process ng DOH. Maraming gustong tumulong, pero may mga pagkukulang sa volunteer management process. Ilista ang mga handang tumulong at ang kanilang kakayahan, at agad na silang iugnay sa mga unit na nangangailangan ng tulong upang ma-maximize ang kakayahang ito.
Maraming paraan para ma-maximize ang mga gustong tumulong. Halimbawa na lang, puwede nilang pag-aralan ang surveillance at pooled testing: Igugrupo ang mga tao at itetest nang minsanan ang grupong ito. Kung nag-negative na, hindi na sila kailangang isa-isahin pa. Sa ganitong paraan, mas marami ang matetest, pero mas makakatipid sa mga testing kit.
Ikatlo, siguruhing mabilis ang turnover time ng mga COVID-19 tests. Alamin kung bakit nagkakabacklog, kung saang mga laboratoryo ito nagaganap, at tulungan silang makahabol. Sa ganitong paraan, on-time ding mahahabol ng mga contact tracers ang mga dapat pang i-test. Sa contact tracing, alam nating may mga model at teknolohiya nang gumagana, tulad na lang ng sa Baguio. Para wala nang kanya-kanya, tumukoy na tayo agad ng iisang platform at technology, iisang standard na proseso, at imungkahi sa mga LGU na ito ang gamitin kaysa magkanya-kanyang diskarte.
Ikaapat, ukol naman sa mga locally-stranded individuals: Nagpadala na tayo ng rekomendasyon sa kinauukulan na bigyan sila ng libreng swab test bago bumiyahe. Hinahanap din ang mas organisadong pagpo-proseso ng mga LSI—at hindi ‘yong napipilitan silang matulog sa semento o sa ilalim ng tulay, o nagsisiksikan at nalalagay sa mas matinding peligro ng exposure sa COVID. Kailangang maglaan ng maayos na lugar kung saan puwede silang maghintay ng biyahe nang may sapat na espasyo at kung saan din ine-enforce na minimum health standards. Dagdag pa rito, kailangan ding tutukan at bigyang-lakas ang mga LGU para pag-uwi ng mga LSI, magkakaroon sila ng maayos na pagkakakitaan. Puwede itong gawin through cash-for-work programs na partikular para sa mga LSI.
Ikalima: Sang-ayon tayo sa pagkakaroon ng isang “whole of nation approach.” Maisagawa sana ito higit pa sa pagkakaroon ng mga bagong posisyon, bansag, o titulo ng mga tauhan. Ang totoong whole of nation approach, maayos ang pangangasiwa at kumukumpas sa iisang direksyon. Aling direksyon, at sino ang kukumpas? Dapat public health professional na tunay na nakakaintindi ng problema: Pandemya ang ugat ng lahat ng suliranin ngayon. Kapag napigil ang pandemya, isa-isa na ring malulutas ang iba pang hamon, kasama na ang sa ekonomiya.
Ikaanim: Siguruhin ding iisa ang kumpas ng pampubliko at pribadong sektor. Bukod pa sa usapin ng data, pagdating din sa ayuda at sa procurement ng mga kagamitan, marami ang pagkakanya-kanya na kung maiiwasan ay magdudulot ng mas maliksing overall response mula sa lahat. Dapat nang bumuo ng risonableng consensus ayon sa iisang stratehiya, at gumalaw ang lahat nang walang pag-aatubili, pangingimi, o hadlang.
Ikapito: Pangunahin sa isang matibay na healthcare system ang pagpapalakas sa mga ospital. Siguruhin na equitable at sistematiko ang pagbubuhos ng resources sa mga ospital para makasabay sila sa demands ng pandemya. Kung sisilipin ang national data, mukhang hindi pa overburdened ang healthcare system. Pero iba ang sinasabi ng mga ospital na nakakasalamuha namin. Marami na silang kinakailangang tanggihan dahil wala nang espasyo. Natural lang na dapat isaayos ang sistema para makarating ang suporta sa mga lugar na pinaka nangangailangan nito.
At ikawalo, para sa ating mga healthcare workers: Sila ang nasa pinaka mapanganib na situwasyon, at sila rin ang pinakamahalagang sundalo sa laban kontra COVID-19. Natural dapat na pagtuonan ng ibayong pansin ang lahat ng pag-aaruga, lahat ng tulong, lahat ng kasangkapan at serbisyong magagamit nila. Kabilang na dito ang access sa counseling para sa mga healthcare workers sa mga COVID ward. Magpatupad din dapat ng sistema para hindi sila maburn-out, tulad ng maayos na proseso ng pagrelyebo. Sang-ayon din tayo na dapat maging mas makatarungan ang pasahod sa kanila lalo na sa panahong ganito.
Ididiin ko lang: Pandemya ang ugat ng mga suliranin; kapag mabisa itong matugunan, matutugunan din ang iba pang hamon. Conversely: Habang dumadami ang nagkaka-COVID 19, lalo rin nating pinapatagal ang paghihirap ng Pilipino. Marami ang namamatay, at hindi sila statistics lang. Bawat isa sa kanila, may kuwento, may pangarap; may pamilya sila, may nagluluksa para sa kanila. At habang dumadami sila, lalo lang tayong mahihirapang umusad tungo sa isang better normal—dadami ang mga dadanas ng kahirapan, dadami ang hindi makakaambag sa nation-building, tatagal ang biyahe patungo sa katuparan ng mga pangarap natin. Magkakaugnay ang kapalaran ng bawat Pilipino.
Sa ngayon, habang pinagsisikapan nating maampat ang pagkalat ng pandemya, kailangang siguruhin na may sapat na safety nets para sa pinakanangangailangan, habang sinisiguro ding hindi na dadami pa ang mawawalan ng kabuhayan.
Una sa mga hakbang na maaaring gawin para dito ang pagsasabatas ng stimulus package sa lalong madaling panahon. Minumungkahi ng Pamahalaan na ipasa ang CREATE Bill para ibaba ang buwis ng iba’t ibang kumpanya, para maengganyo ang investors na pumasok sa Pilipinas. Magandang layunin ito, pero hindi ito sapat.
Nailatag na naman ng mga ekspertong ekonomista sa Kamara sa anyo ng ARISE Bill. Kung maisasabatas ito, magkakaroon ng dagdag at tiyak na pondo para sa mga mga programa tulad ng wage subsidies ng DOLE at cash-for-work ng TUPAD. Malinaw na mas nakatuon sa pinaka nangangailangan ang ARISE; mas inclusive ito, at mas pro-poor. Gamitin sana ang puwersa ng mayorya upang ipasa ang batas sa lalong madaling panahon.
Ikalawa: Puwede ring magbigay ng tax incentives para sa mga kumpanyang magbibigay ng ayuda sa mga apektado ng pandemya. Mabisang paraan ito para mailahok ang pribadong sekto sa pambansang pagbabayanihan.
Ikatlo: Gamitin ang buong puwersa ng economic cluster, kasama ng akademya at iba pa mula sa pribadong sektor, hindi lang para magpanday ng mga risk assessment study, pero para tiyakin na nakabatay ang mga desisyon sa pag-aaral na ito. Sayang ang kaalaman kung isasantabi lang din natin. Kung alam na natin kung alin ang mataas ang peligro, tiyakin nang ieenforce ang mga karagdagang patakaran sa kanila, kung hindi man isususpinde ang pagbubukas. Malalaman din natin, mula sa mga industriyang mababa ang peligro, kung anong klaseng skills ang puwedeng pagsanayan ng mga empleyadong hindi kayang mag-work-from-home. Pag ma-upgrade ang kanilang kaalaman, mabibigayan sila ng ibang trabaho sa mga industriyang low risk.
Ikaapat: Gumawa na ng buffer stock ng lahat ng mga materyales na kailangan ng bawat pamilya sa panahon ng pandemya: Bitamina, sabon, alcohol, face masks, at iba pa. Siguruhing hindi maaantala ang supply chain. Tutukan ang mga local producers: Suportahan sila ng teknolohiya para mas marami pa silang magawa, at mas maraming makabili na gawang lokal.
Ikalima: Atasan ang buong pamahalaan— ahat ng unit at ahensya, mula taas hanggang baba ng burukrasya—na i-patronize ang mga local businesses. I-prioritize ang mga gamit na dito mismo ginagawa sa Pilipinas, kahit pansamantala lang. Hangga’t maaari rin, i-prioritize ang pagtangkilik sa mga Micro, Small, and Medium Enterprises. Malaking ambag ang mga ito sa pagsigurong dadaloy ang enerhiya ng ekonomiya sa mga negosyo at komunidad.
Ikaanim, ukol sa Social Amelioration Program. Noong una itong inilunsad, binigyan ng slots ang bawat munisipiyo at lungsod. Maraming mga LGU ang namroblema dahil kulang ang binigay sa kanilang slots. Kailangang gawing mas sistematiko ito; linisin ang government data, at patalasin ang isang central database para sa poverty statistics. Sa ngayon, may iba-ibang registry para sa mga basic sectors, para sa talaan ng maralita, para sa targeting ng mga social protection at social welfare services. Pag-isahin ito, i-validate, at ibangga sa talaan ukol sa COVID-19, upang matukoy kung sino ang dapat i-prioritize sa SAP. Sa ganitong paraan, walang palakasan, at mapa-prioritize natin ang mga tunay na nangangailangan.
Sa mga susunod na panahon, kailangang harapin ang mga suliranin sa ekonomiya. Siguruhing matutulungang makabangon muli ang mga nagsarang negosyo, o di kaya mag-engganyo ng pagbubukas ng bago; palakasin ang mga ito, para makalikha ng trabaho. Tiyak kong alam ng mga economic managers ang mga hakbang para magawa ito: I-empower ang mga MSMEs. Tutukan ang mga key industries tulad ng agriculture. Sang-ayon ako sa Plant, Plant, Plant. Ngunit hindi ito sapat. Kailangang buhusan ng pondo ang sektor ng agrikultura para sa makabagong kagamitan tulad ng cold storage facilities at drying facilities, at para sa imprastruktura tulad ng farm-to-market roads. Mas mainam, mas pangmatagalan, at mas marami ang matutulungan kung nagmumula ang anumang proyekto sa batayang pilosopiya: Empowerment ng Pilipino para panghawakan ang sarili nilang kapalaran. Ang pinakamahalaga: siguruhin na ipapatupad ang mga batas nang patas para sa lahat—nang walang pinapaboran o ginigipit, at nang laging nakatuon sa karaniwang Pilipinong makikinabang sa trabaho at kabuhayang malilikha.
Gaya ng sa ekonomiya at ayudang panlipunan, susunod din ang tugon sa mga hamon sa edukasyon kung maiaayos ang tugon sa mga problemang pangkalusugan. Kung maayos ang datos, matutukoy natin nang may kumpiyansa kung saan ligtas magbukas ng mga pampublikong paaralan. Para sa mga private schools: Now is not the time to burden them with unreasonable restrictions and requirements. Ang kailangan nila, tulong at empowerment—hindi patung-patong na papeles para payagan silang magsimula ng distance learning. Bukod dito, inihahain din natin ang ilang mungkahi:
Una, siguruhing mayroong internet hub ang bawat barangay upang magkaroon ng access ang mga estudyanteng walang sariling gadgets sa mga resources na mahahanap online. Dito rin sila puwedeng magkaroon ng mga tutor na magiging isa pang antas ng suporta, lalo na kung may puwang sa kaalaman o may ibang kailangang tutukan ang mga magulang.
Ikalawa, mag-target ng mga pinaka nangangailangang estudyante upang mabigyan ng gadget o device para hindi maantala ang kanilang pag-aaral.
Ikatlo, capacity building para sa mga teachers. Maraming guro ang may malalim na karanasan sa subject matter nila, pero nahihirapang makahabol sa demands ng distance learning. Kailangan silang tulungan; kailangang ilapit ang pagsasanay sa kanila, para hindi na ito manganak ng mga puwang sa kaalaman ng mga estudyante.
Ikaapat: Gumawa ng modules na magtuturo sa mga magulang kung paano magsagawa ng home schooling. Kasama na dito ang paghahanda ng weekly or monthly curriculum na puwedeng ang magulang mismo ang magturo sa kanilang anak.
Ikalima: Gumawa ng pag-aaral at tukuyin na agad ang mga lugar kung saan walang community transmission ng COVID. Sa mga lugar na ito, lalo na sa mga mahirap ang internet access, pahintulutan ang limitadong pagtuturo sa mga classroom.
Ikaanim, para sa mga namatayan: Bukod sa karaniwang ayuda tulad ng pagamot at SAP, kailangang intindihin ang malawakang epekto sa mga naiwan. Dagdag sa pagluluksa, nawalan sila ng breadwinner o nabaon sa utang. Kapag pinabayaan natin ang mga naiwan, lalo na ang mga anak na nag-aaral, tatawid sa susunod na henerasyon ang pinsalang dulot ng pandemya.
Isang paraan para tugunan ito: Palawakin ang mga scholarship program para matulungan ang mga tinamaan ng COVID: Silang napilitang simutin ang ipon, mga nabaon sa utang dahil sa gastos sa ospital, o mga nawalan ng trabaho at kabuhayan. Bigyan ng scholarships ang mga namatayan. Kailangang tukuyin ang mga dependent ng mga pumanaw, at magbukas ng scholarship fund para sa kanila.
Malinaw ang pangambang bumabalot sa lahat. Kita ito sa mukha ng mga nakasalamuha namin sa ating COVID response efforts. Binibigkis tayo ngayon ng pangambang ito—pero binibigkis din tayo ng panindigang maalpasan ang ating mga suliranin.
Idinidiin ng pandemya ang aral: Magkakarugtong ang diwa nating lahat. Magkakarugtong ang kalusugan at kaligtasan natin, at karugtong naman nito ang bawat aspekto ng buhay natin, mula ekonomiya hanggang edukasyon. Nakatahi ang laylayan sa alinmang sentro, mula Batanes hanggang Jolo.
Nasa iisang panig tayong lahat, at ang pagkamulat sa katotohanang ito ang susi sa pagharap sa hamon ng COVID. Nakikita natin ito sa halimbawa ng mga bansang nagkaroon ng mabisang tugon sa pandemya. Hindi kalabisang mangarap na kaya rin natin ang ginawa ng Taiwan, ng South Korea, Vietnam, ng New Zealand—mga bansang gumawa ng malinaw at tiyak na hakbang, itinuon ang resources sa tunay na kailangan, at nagtulungan. Kaya din natin iyon. May sapat tayong kakayahan, sapat dapat na resources, at sapat na kaalaman.
Malikhain tayo. Maabilidad tayo. At sa dinami-dami ng pagsubok na pinagdaanan natin—sa lahat ng sakuna, sa digmaan at diktadurya, sa pananakop—may isang bagay na tiyak: Nakaalpas lang tayo dahil hindi tayo nagkanya-kanya; dahil pinalawak natin ang saklaw ng malasakit natin; dahil itinuring nating kakampi ang bawat Pilipino, ipinaglaban natin sila, minahal natin sila.
Nakita ko ito mismo sa napakarami nating mga kababayan na lumapit sa aming Tanggapan para magbigay ng donasyon, para mag volunteer na magdala ng PPE at pagkain sa ating mga frontliner, para mag-ambag ng kanilang panahon at talino para makatulong sa gitna ng krisis ng COVID. Malinaw sa akin, hindi pasaway ang Pilipino, kundi laging handang tumulong sa kapwa. Hindi inutil ang Pilipino, kundi may tapang at talino na humarap sa anumang hamon. Hindi talunan ang Pilipino. At tiyak na magtatagumpay tayo laban sa pandemyang ito.
Uulitin ko: Kinaya na natin ang marami pang ibang hamon, at kakayanin natin ito.
submitted by itachi_04 to Philippines [link] [comments]


2020.07.11 14:02 revberces Getting sick and tired of the virtue-signalling against GMA 7 (Rant)

I commented on a video on another thread, particularly the Saksi episode paying tribute to ABS-CBN, saying walang masyadong mag-a-upvote ng post na 'yon dahil sa mga petty ABS fan boys.
I may have put it bluntly, but I stand by it. Marami akong nakikitang posts at comments recently. In their anger towards the unjust closure of ABS CBN, they started to act like petty fan boys.
Of course I got downvoted to hell, but I think what I would've replied to those people deserves its own post, so here I go.
First and foremost, disclaimer. Kailangan yan sa panahon ngayon, where everything and everyone forces you on either a black or white stance. I'm not a fan of ABS or GMA, although I would say I like GMA better for their documentaries. But I would not be fighting tooth and nail for them, just because I like the organization itself.
I too am pissed off with the unjust franchise denial of ABS CBN. First, because of the employees that will be affected, but more importantly, because of its implications. It means the government can do whatever it wants towards people and organizations standing in its way. And one could not help but feel martial law vibes with this event. However, with that said, I am not a fan of ABS CBN. They have a bias as well. They, too, have a hidden agenda. But does that warrant their forced closure? NO, IT DOES NOT. I hate the DU30 admin, and I don't like ABS either, so I'd rather have them checking on each other.
Is ABS CBN to blame for its closure? No. Andami nang office ng gobyerno ang nagsabi na malinis sila pagdating sa requirements, at politicized talaga to kahit pag bali-baligtarin mo.
But, does GMA7 deserve the backlash for being silent? NO. I have watched 24 Oras several times and I have not seen any blatant bias in their reporting. Well, if what you mean by "bias" is that they're not reporting things the way you want it to be reported other than being neutral, then I don't know what to say. To bash them, just because they're playing safe is just plain PETTY. Of course they have to protect their employees. Of course they have to protect their standing. ABS CBN does the same thing by protesting the decision of the congress, because they do not want their employees to lose their jobs, and they want to be able to continue their business.
Dumako naman tayo sa radyo. I know that fat guy you're talking about, saying na andaming pasaway, and hindi ka dapat matakot if hindi ka terorista, and I hate that guy as well. But dude, have you heard Mike Enriquez on DZBB? That guy's spitting truth bombs man. Alam mo kung bakit? Kasi The views and opinions expressed on this show does not reflect that of the management and the network. Ever heard of that? That's democracy. The journalists can say whatever they want, even if it differs from one journalist to another. Kaya nga nakapagtribute ang Saksi, because it's their choice. Tapos may magrereklamo pa na bakit sa Saksi lang daw, hindi sa 24Oras, kasi daw tulog na yung management nun, sus.
Now, if the GMA management compelled its journalists to report the news and state their opinions on their programs in such an anti-DU30 manner, would you still call it freedom, just because it is convenient to your POV?
To sum it up, it's also business at the end of the day. You can't take that away, no matter how you shout or flail. Yes, it's fun to live in an idealistic world. I, too, want a slice of that utopia. But the world isn't perfect. It's full of disappointing compromises and making the best of what little you have.
Magalit ka sa gobyerno sa closure ng ABS CBN dahil mali talaga. Pero to virtue-signal sa GMA for playing it safe? Well, what do you expect?? For them to throw shade at the government every single minute on their programs? What if they get nerfed as well? Ah okay lang at least ginawa ko kung ano yung tama para sa bayan, they would say, as they pat themselves on the back while another thousand employees lose their jobs and all we have is PTV and TV5 so now we're gonna bash TV5 just so we could feel better about ourselves?
They're a business entity at the end of the day, they're supposed to be neutral on the issue. I don't even blame them for putting out the AffordaBox. I would've taken advantage of the situation if I were in their position.
Outrage is the new fad, now more than ever. Be careful where you direct your anger. Remember that the anger of the masses is what led to the stupid decision of making DU30 president in the first place.
EDIT: It's weird how the parent comments in this post remain upvoted, while the child comments where I agreed with their opinion are being downvoted. Just shows you how much of a pathetic circlejerk this sub is.
submitted by revberces to Philippines [link] [comments]


2020.03.08 04:46 shairamars Master of Arts in Housewifing

Last year pinag iisipan ko na kung kukuha ako ng Master's. Kasi kung napapansin mo, mapurol na ang lapis ko - hindi na ako bida bida na katulad noong college days ko, hindi na ako tulad nung dati na bibo-bibo magsulat sa blog at sa work. Ngayon ako na yung pabigat sa lahat hahahahaha malayong-malayo sa image ko noon na ako ang lumalakad, nagpoproseso, ako ang tagabuhat sa grupo (yes ilang taon ko nang frustration to pero wala pa rin akong nagagawa para baguhin ang sarili ko). Yun nga, magmula nung nagtrabaho ako, tapos yung nature of work ko eh paulit-ulit na routine, kaya ayan, naging bobo na ako kinalaunan haha.
So iniisip ko, baka pag nagmasters ako bumalik yung eagerness ko to learn, discover, mabuhay ulit yung curious self ko at yung passion ko. Pinangarap ko noon na maging dalubhasa pagdating sa kasaysayan ng Pilipinas so baka naman this time, pwede ko na mai-push. Kasi syempre mahirap lang kami so kailangan ang kuhanin ko sa kolehiyo eh yung makapag-aangat sa amin sa laylayan. Kaya maski noon pa man ay tutol sila na AB Communication ang kunin ko kasi, "Hindi ka naman yayaman dyan." Panigurado pag pinursue ko to maririnig ko na naman itong linya na to ngayon.
So humingi ako ng second opinion about dito. Mula sa mga nag-aaral din at nagmamasters sa UP (eto lang kasi yung nag ooffer ng MA History). Una tinanong ko kung papayagan ba ako kumuha ng ganong kurso kung iba ang tinapos ko? O kailangan ko muna kumuha ng prerequisite/undergrad subjects bago tumuloy?Ayoko mag-MA Communication (kahit yun naman talaga ang dapat na para sa akin) kasi greatest regret ko na kumuha ako ng kursong eto nung kolehiyo kahit na hindi naman talaga ako magaling pagdating sa pagsasalita. Kung naaalala mo, nung nag-eenroll ako sa STI, IT dapat ang kukunin ko pero nagbago ang isip ko nung nakapila na ako sa cashier at nakita ko ang tarpaulin ng ABCOMM. Sabi ko lang non eh, ay palagi ako nagsusulat ng mga eme nung high school kaya eto na lang ang kukunin ko. And that's a wrong move sa totoo lang hahahaha. Kaya hanggang ngayon ay hindi ko magampanan ang pagiging Information Officer ko. Hirap pa rin ako makipagcommunicate sa mga tao. Tapos ngayon ay nahihirapan na rin akong magsulat. Isa lang akong malaking patapon sa communication industry hahahahaha kaya hindi ko mapanindigan ang MA Comm.
Pag kasi related sa course at work ko ang kinuha ko eh baka tamarin din ako, kung hindi naman yun ang line of interest ko. Sana nga pala talaga nag math course na lang ako nung college. Statistics ganern. Accountancy. But if it wasn't for ABCOMM you wouldn't be able to be in this place where you are now. Char.Balik tayo sa tanong. Okay pinayagan ka ng school. Pero papayagan ka ba kaya ng opisina? Naririnig ko sa ibang division may mga nagmamasters. Knowing na nagtatrabaho ako sa ahensyang ito, dapat ang kuhanin kong kurso ay dapat na relate sa trabaho ko (Environmental Science, Development Communication) Which is uhm. No. Malayo. Sabi ko magmamasters ako para pagdating ng araw pwede ako mag-apply for higher position. Pero ang tanong, paano kung MA History ako? Lilipat ba ako ng office balang araw? Yung related na sa pinag aaralan ko?
So okay pinayagan ka na ng school at office. Ang tanong, mapaninindigan mo ba? Makakapagtapos ka ba? Kung makikita mo ako eh mukhang ako yung tatamarin in the middle. Natatakot ako. Ayoko yung magaling lang sa umpisa tapos hindi ko na natapos. Paano kung dumami yung labahin mo sa trabaho? Paano kung maoverwhelmed ka sa demands ng UP "being UP"? Paano kung hindi mo masabayan yung standards na yun? Paano kung na-in love ka na naman at nasaktan at mawalan ka na naman ng ganang mabuhay? O kaya paano kung bigla kang mag-asawa? Paano kung nagsasayang ka lang ng panahon at pera? Tingin mo, matatapos ko ba to? Makakapagtapos ba ako?
So ang sabi sa akin eh baka naman daw pwede ko ma enhance ko yung skills ko na hindi na kakailanganin pang kumuha ng masters. Pwedeng gumawa ng bagong hobby, or magvolunteer, or sumali sa mga ganitong pa docu fest, etc. Iniisip ko din. Hindi ko alam paano mag uumpisa mag aral at matuto on my own. Bored lang ba ako masyado sa buhay ko kaya gusto ko magmasters?
Okay so pinayagan ka na ng lahat. Pero hindi gusto ng pamilya mo. Haha. Alam mo nung sinabi ko na magmamasters ako, bukod sa sinabi ko kanina eh, ang sabi, "Bat ka pa magmamasters, mag-aasawa ka lang din naman. Magiging housewife ka lang din naman? Masasayang lang yung pera at panahon mo. Mag-aral ka na lang ng cooking, baking, o housekeeping." So syempre yung pride ko ay triggered hahahaha. Parang after ko magkamali ng isang beses pagdating sa lovelife, yun na agad yung judgment sakin na, wala ka naman nang patutunguhan, mag-aasawa ka na lang ganern. Matagal ko nang sinasabi to, hindi ako pangbahay lang huhu. I aim for higher things kahit na alam kong hindi kaya ng kapasidad ko. Kahit panghousewife lang yung skills ko eh pinipilit ko lumaban sa buhay haha kasi ayoko magsettle sa ganon. That doesnt mean na hindi ako mag-aasawa ah pero lam mo yun, ayokong umaasa ako sa lalaki hahahaha (lol char). I have to make my own career path but at the same time, a loving and supporting wife wahaha hindi ba pwede makuha ko yon pareho? Ayun so kung nababasa man to ng future husband ko hahahahaha sana maintindihan mo ako, tsaka sana suportahan mo ako sa pagmamasters at sa career choices ko, di naman kita babalewalain eh hahaha. I could still cook for you bago ako pumasok o kaya pag-uwi ko tas ikaw naman ang papasok, makakapaglaba pa rin naman ako, maglilinis, mga ganung bagay haha. Sabay pa tayo magja-Japan. #goals
So ayun pumunta na ako ng UP para mag inquire. Sabi wala naman entrance exam chuchu, nakasalalay lang sa interview kung tatanggapin ka o hindi. Tsaka kinakabahan ako kasi kailangan ng recommendation letter mula sa mga dating profs. Eh matagal nang nagsialisan sa STI yung mga nagtuturo sa amin dati haha. Tsaka ayun nga, mapaninindigan ko ba ang pagiging Iska?
Tapos after 5 years no babalikan ko tong post na to. Tapos. Housewife na pala ako nung time na yon HAHAHAHAHA
submitted by shairamars to u/shairamars [link] [comments]


2019.12.22 17:11 shairamars THE 2019 YEAR END ACCOMPLISHMENT REPORT

See original post here: https://shairamaec.wordpress.com/2020/01/01/the-2019-year-end-accomplishment-report/
https://youtu.be/L8VyAzDA5so
It was the end of a decade, but the start of an age.
Yung unang plano ko dyan dapat powerpoint presentation eh HAHAHAHAHAHA tsaka pang-malakasan na yung mga title natin ngayon mumsh. So ayun po ano, welcome to my first ever vlog! De joke nga lang, collage lang kasi yan. Pero ipupush ko sa 2020 na thru videos na ako magpopost (waht). Hindi talaga kasi ako makuda sa harap ng camera so buhay na buhay pa rin itong blog na to. Pero anyway, mas mabuti kung panonoorin mo muna yung video bago magproceed sa entry na ito.
Accomplishments
Are we out of the woods yet? Last year puro iyak lang ang ginawa ko. O ngayon medyo nagkaroon na ng kwenta ang buhay ko (finally, I'm free!) Kung nakita mo naman yung video ko haha ayun, ang biggest accomplishment ko na siguro yung trabaho ko ngayon, at yung mga lugar na napuntahan ko. Kung babalikan mo yung mga posts ko dati, sinasabi ko lang na hala sana balang araw makapagtravel ako bla bla, it was a dream come true. Buong buhay ko nasa Cavite lang ako tapos hindi naman ako pinapayagan lumabas at magpunta sa mga ganitong lugar. Ganon pala ata pag may trabaho ka na haha hindi ka na pagbabawalan no.
Ang daming nasayang na panahon nitong mga nakaraang taon, kung nagset lang ako ng tama eh di sana mas okay yung kinalalagyan ko ngayon. Ayan kasi, wala namang kwenta yung mga pinaggagagagawa ko at mga pangyayari noon.
Naalala mo itong dream board na pinost ko noon? Naging katotohanan siya omg ngayon ko lang din narealize. Well, yung Sakura trees sana ma-achieve ko yan next year.
Character Development
Looking back to my previous years, masasabi kong walang kwenta pa rin yung buhay ko hahahahaha charot. Kung makikita mo naman, major shift sa buhay ko yung paglipat ko ng trabaho. Napalaban ng bongga yung kakayahan ko. Kinukuwestiyon ko araw-araw yung sarili ko kung talaga bang writer ako? Kasi hindi eh. Kahit patapos na ang taon na to, nangangapa pa rin ako sa mundong ginagalawan ko ngayon. Hala ang bobo ko, hindi pala talaga ako marunong magsulat. Ang blog na to ang dahilan kaya ako natanggap sa trabahong ito, nag-expect sila sakin na I'm good at this pero hindi pala talaga. Ilang beses ko nang iniyakan to kasi blanko ang utak ko, walang pumapasok sa isip ko. Paano ko tatapusin ito. Isa lang yon sa major struggles ko this year, na hindi lang pala ako sa climate change dapat nag-aadapt.
Ayun, iyakin pa rin ako. Minsan may mga sadboi moments posts pa rin ako. Ilang beses ko na rin sinabing napapagod na ako. Pagod na akong mapagod para sa iba. Hanggang ngayon nakakaramdam pa rin ako ng anxiety pag gumigising ako sa umaga.
Pero alam mo, at least hindi na katulad dati na konting kibot lang, iiyakan ko agad. I have a friend na nasa ganong sitwasyon ngayon and nakikita ko yung sarili ko sa kanya a year ago. Sinabi ko sa kanya na sana maibalik yung ngiting nawala sa kanya. Ang hirap kasi hanggang ngayon yung ngiting ninakaw na yon sakin, hanggang ngayon hindi pa rin naibabalik. Kaya lagi kong sinasabi sa lahat ng posts ko na - whatever happens to me, hinding-hindi na ako magiging masaya.
Toxic Trait
Last year naalala mo, na-diagnosed ako na may Hyperthyroidism. Buti nga ngayon, hindi na gaano, pero ganon pa rin, may mga araw na ang lakas ko kumain, pero nilalabas ko rin agad. May mga araw pa rin na pag sobrang lugmok ako eh hindi na naman ako nagugutom. Pero ngayon, sobra ko pa ring tinitipid yung sarili ko. Hindi ako kumakain pag alam kong mapapagastos ako para sa iba.
At, sa lahat ng mga nangyaring magaganda ngayong taon sa buhay ko, ay hindi ako masaya.
Satisfaction
Naalala mo nung pinost ko nung taong 2016 ito: The Philosophy of Contentment. Eto yung proposal ko sa Philosophy class namin. Walang taong nakukuntento. Lahat tayo may desires para ma-develop yung well-being natin. Hindi yung ok ka nang hindi umalis sa loophole ng paulit-ulit na routine ng buhay. Eh ako? Ano bang problema ko?
Hindi ako pinanganak para lang mag-aral > magtrabaho > magpamilya > at mamamatay. I want to do/achieve something na makabuluhan, hindi yung nag exist ka lang para sa wala. O e ano ngang problema ko?
Hindi ko na kayang maging masaya. Opo. Kaya lagi ako nagpopost dito sa blog ng mga achievements ko hindi para magyabang, kundi ipamukha sa sarili ko na eto na, eto na yung mga pinangarap mo noon, nasa harap mo na, bakit hindi ka pa rin masaya?
Self-actualization. Alam mo yung Maslow's Hierarchy of Needs?
I-incorporate ko na rin siya sa post ko para magets mo. Meron tayong basic needs na sa kabutihang-palad ay napupunan ko na. Yung psychological needs ay ok naman din, pero alam mo kung ano yung nakakapagpa-bother sakin lagi? Yung pinakatuktok ng triangulong ito. Hindi ko ma-achieve yung full potential ko, kasi, di ko alam. Parang may kulang.
Ito yung void na hindi mapupunan ng kahit ano. Nagkajowa ako, nakunsumi lang ako, hindi masaya. Nagkapera ako, hindi ako masaya. Nakapaggala ako, nung umuwi ako hindi na ako masaya. Napunta na ako sa iba’t-ibang church kasi baka kulang lang ako sa faith, pero hindi, hindi pa rin ako masaya.
Hindi ako marunong makuntento. Hindi sa 'gahaman' or naghahangad pa ako ng mas higit sa pangangailangan ko. Pero hindi ko na kayang maging masaya sa kung anong meron ako ngayon. Wait lang pang-ilang beses ko na to sinabi?
2017 nung grumaduate ako, punung-puno ng pangarap. 2 years after, wala na akong motivation. You mean goals? Yung sana after a certain period of time gusto ko makapagpundar na ako ng ganito ganun, magtatayo na ako ng ganitong business, nawala yung long-term goals ko. Asan na? Bumabangon ako na walang ganap. Hala sana ma-gets mo ko, yung fuel ng passion? Nasaan na? Tinamad na akong mag-aim pa ng mas mataas. Parang ako na yung tipikal na manggagawa na magtatrabaho na lang para sumahod, tas bigay kay ganito, kay ganun, tapos ako wala naman akong nafufulfill sa sarili ko. Hindi nila kasalanan. Ako mismo ang may problema. Wala akong balak para sa sarili ko at sa future ko. Pero joke lang, nagpost ako nung nakaraan na pag nagkajowa na ako, gusto ko pakasalan na ako agad (pero hindi mag-aanak), wala lang, baka sakali lang magkaroon ulit ako ng life goals. O di ba, alam mo di ba sinabi ko noon, hindi ako pinanganak para maging housewife. Eh ano to?
I started becoming the person I never wanted to be. Ang normie ko na. Kaya minumulto ako ng old self ko na hindi na daw ako honest sa sarili ko. May mga bagay akong nagawa at ginagawa beyond my moral values (playing with fire, dancing with a stranger). I become reckless. Ang sama na ng ugali ko na tipong when something inconvenient happens to her, ang masasabi ko lang, "Karma mo yan." Di ako to. Anong nangyari sayo Shaira?
I don't make plans. I am spontaneous. Kasi nga lahat ng pinlano ko para sa sarili ko, para sa amin char, naging drawing na lang. So ngayon, go with the flow na lang. Come what may. Kasi buti pa yung mga biglaang ganap nangyayari. Biglaang pagreresign, biglaang gastos. Ganun. Kaya tama na ang pagtatanong mo sakin kung anong plano ko. Kasi wala talagang pumapasok sa utak ko ngayon.
"Hindi ka tumanggap ng pension mula sa SSS for more than 10 years para lang maging walang kwenta sa lipunan. Hindi ka nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo para lang maging low life peasant. You made this on your own. We've come this far. Wag ka nang bumaba doon sa level nila."
Eto ba yung tinatawag nilang existential crisis? So ano, dapat nga bang makuntento ako at maging masaya or wag makuntento and strive for more?
Lessons Learned
"We got distracted and caught up in unnecessary things sometimes and we forget that we are in a process and having things not working out is also a part of it."
Dati lagi natin sinasabi na "Pagdating ng bagong taon, magbabago na ako bla bla", pero isa lang din yan sa mga pangakong laging napapako haha. I've learned that kung gusto mo magbago, don't wait for a specific time at moment, kasi lagi lang nauurong at nauurong yan. Gusto mo nga magbago pero you keep doing the same old shit, what's the sense? You can't expect new beginnings if you keep holding on to old habits. Sabi nga, "If you want something, go get it now. Right now is the start of the rest of your future."
You get what you tolerate. Biggest blessing ko this year is I got people who loved me even at my most unlovable chapter. Kita mo naman last year napaka-patapon ko. Pero na-redempt ko yung sarili ko and now I'm here where I belong, thanks to you 💕. Magrereflect pala talaga sayo kapag positive yung impact ng isang tao. You'll glow differently. Kaya always surround yourself with positive at masisipag na tao, para hindi ka na mahila pa pababa. Tsaka ikaw na rin mismo mahihiya na yung mga tao sa paligid mo ganon tas ikaw tatamad tamad pa rin, kusa ka na lang magsstep up.
Strategic directions for 2020.
A whole new decade is starting. This is the decade that most of us are going to get married or have kids, etc. We're about to enter the very beginning of a whole new chunk of our lives.
Imagine how many people we will meet and how much we're going to mature and how many people we may lose and how much the world is going to change everything we think about daily, like career or love, it will be probably be settled by then.
Nung nakaraang dekada ay marami ang nawala sa aming pamilya (my parents, grandparents). Ngayong dekada ay nagkahiwa-hiwalay na ang pamilya namin. Ano kaya ang hatid sa amin ng panibagong dekada? Bubuo na ba ako ng sariling pamilya? Abangan. Char.
2020 vision.
Anong plano ko for next year? Again. WALA. Kung matutuloy na ba yung printing shop business ko? Kung makakapag enroll na ako for grad school? Kung lilipat na naman ako ng trabaho? Kung matutuloy yung #Japan2020 sa April? Kung mag-aasawa na ba ako? Who knows? Again, as I said earlier, nothing excites me anymore.
7 years. 400+ posts. 20,000+ views. 521 followers. Salamat :)
Sa nakalipas na pitong taon ay naging saksi ang blog na to sa lahat ng aking pakikibaka sa buhay, lahat ng mga pinagdaanan ko, lahat ng mga pagbabagong nangyari, mga rason ng pagngiti at pag-iyak ko, at progress and development. Salamat sa patuloy na pagsubaybay. Ilang beses na rin akong nademotivate na magsulat, ilang buwan din akong nagla-lie low.
But still here we are. Sa loob ng isang taon ay napakarami na ring nagbago sa buhay ko, yung ibang kaganapan ay hindi pa rin at hindi ko na naisulat dito.
Pasensya na kung medyo mayabang ang dating ko lately, kailangan ko iboost yung ego ko kasi palagi akong nadadown sa sarili ko, at heto ang defense mechanism ko.
If ever this will be my last year, though lagi ko sinasabi na makakalimutan nyo rin naman ako/eto eventually, sana may maiwan akong magandang alaala.
Thank you for staying with me this 2019.
Look how far we've come.
Let's make more memories ngayong 2020.
submitted by shairamars to u/shairamars [link] [comments]


2019.07.30 11:35 shairamars Sulat

I can barely recall but it's all coming back to me now -
Wala akong magawa. Kaya babasahin ko na lang itong mga sulat na andito. Apat din to lahat.
"Kahit panget ang ugali ko, minahal mo pa rin ako ng buo."
"Gusto ko ituloy yung mga pangarap mo kasama ko. Sabay nating tutuparin one step at a time."
"Di rin ako mananawa sayo na mahalin ka at iparamdam ang pagmamahal na ipinagkait sayo."
Oh. Shit. Tears are running down again.
Na-aappreciate ko lahat ng sulat na ito, pati mga natuyong bulaklak andun sa garapon, hindi ko pa rin maitapon. Yung mga pinagbalutan ng tsokolate, nakatabi pa rin. Yung singsing, nakabaon sa buhangin. Di ko maisangla.
Kaya lang ayoko nang maniwala sa mga salitang ito. At sa mga salitang ipapangako pa sa akin ng ibang tao pagdating ng araw, ayoko nang maniwala.
Binibilang ko kung ilang sulat ang ginawa ko noon. Wala daw eh. Nasa blog na kasi lahat. Never akong gumawa ng hand written letter. Pero alam mo kung anong maganda doon? Di mo siya maitatapon. Di mo siya maitatago sa kung saan at aalikabukin na lang pagdating ng panahon. Immortal na yang mga sulat ko, na kahit na pumanaw na ako, andyan pa rin yan, hindi na mabubura pa. At alam mo, padagdag pa ng padagdag etong mga isinusulat ko sa iyo.
Pero katulad ng mga salita mo, wala na rin palang saysay lahat ng mga sulat ko. Balewala na lang iyon sa iyo. Wag mo na basahin at balikan. Malulungkot ka lang din katulad ko.
Unti-unti nang nauubos ang oras ko. Hindi ko na yata masisilayan pang matupad yung kahilingan ko sayo.
submitted by shairamars to u/shairamars [link] [comments]


2019.03.11 14:47 deliriicious Sungay

Bakit nga ba umaakyat tayo sa matataas na lugar pag broken-hearted? Yung kakulangan ba sa oxygen sa high altitude area ang nagbibigay ng temporary high?
Buti na lang, may AirBNB na kahit dito sa Tagaytay. Madali nang kalimutan ang sakit pag kita mo na ang sea of clouds sa taas ng condos dito. Hindi mo na rin ramdam ang pag-iisa kasi mas malamig na yung klima dito kesa sa puso mo.
Pero patapos na ang weekend, kailangan ko na ring bumalik sa tunay na mundo. 7 pm na rin, ayokong abutin ng hating gabi sa daan lalo na maraming drunk drivers to and from Tagaytay sa panahon ngayon.
 
"Sungay." Ito yung tawag nila sa paliku-likong daan pababa ng Tagaytay pag papunta kang south. Siguro sungay kasi matutulis yung mga liko dito, o sungay kasi marami na ring naaksidente rito. Ang mahalaga, ito ang pinakamabilis na daan lalo na pag rush hour. Dito rin -
RRRUMP... RRRUuuu TANGING INA. Tumirik pa yung kotse ko sa kalagitnaan ng sungay. Yung magaling kong phone, papostpaid postpaid plan pa, walang signal. Lahat na lang ba iiwan ako? Ayan, iiyak na naman ako.
TOK! TOK! May narinig akong kumakatok sa salamin. Hindi ko alam kung saang side o bintana pero sure akong katok yun at hindi yung engine ko. Wala naman akong makita sa lahat ng mirror.
INABELS. Dito na ba matatapos ang buhay ko? Makacarnap ba ako? Nakaimbento na ba ang mga carnappers ng device na biglang magpapapatay ng makina in an instant-
"Ate, ate, laro tayo!"
"INAAA!!!" Napasigaw ako ng biglang may batang kumakatok sa bintana ko. PUSANG GALA. Bakit may bata ng ganitong oras.
Ibababa ko na sana ang bintana ko ng maisip kong baka modus nga to ng mga carnappers. Gagamit ng inosenteng bata para maawa ang driver at magbukas ng kotse sabay hijack.
"Bata, san ka naka-" Pucha. Bago ko pa matapos tanong ko nawala yung bata sa side ko. Dun naman sya kumakatok sa passenger side.
Kinakabog na ang dibdib ko. Kakakape sa Bag of Beans siguro to. Kalma lang, kalma. Nahagip ng mata ko yung Birhen ng Manaoag Figurine na binili namin ni boyfie ex... Ex na nga pala ngayon. So ano. Ganun na ba ako kanega kaya hihigupin ko lahat ng kamalasan sa mundo?
BAM! Yung bata hinampas na yung hood ko kasi napansin nya sigurong zoning out ako sa kadramahan ko. Nako baby girl. Kung plano mo mang magpanggap na nabangga kita, huwag ka nang umasa. Recorded lahat ng ginagawa mo sa dash cam ko. Nahagip ma naman ng mata ko ang birhen.
"Lord, have mercy. Our Lady of Manaoag, Blessed Virgin Mary, please, please, pray for us." Taimtim kong dasal. YOLO na to. Di ako bababa, patigasan tayo. Pag may dumaan, saka ako magsisisigaw hihingi ng tulong.
Vvvv... VROOOM! PUCHA. Napatalbog ako sa upuan ko nung biglang sumipa ulit yung makina. Hindi 'matic yung kotse ko kaya muntik na akong mapaihi sa kaba nung nagstart sya mag-isa.
Humarurot na ako paalis sa lugar na yun. Pagdating sa bayan, dumaan muna ako sa police station para ireport ang anumalya nung bata. Binigay ko rin yung card nung dashcam ko.
Kaso, wala kaming nakitang kahit ano.
"Ma'am, mukhang nabiktima kayo nung bata sa sungay." Sabi nung isang pulis. "Madalas yang magpakita sa gabi, sa mga nagdadrive mag-isa. Buti na lang, di kayo bumaba. Yung mga naaksidente dyan, minsan sinasabi nakipaghabulan sila sa bata hanggang bangin, o di kaya tinulak sila nung bata pagbaba nila sa sasakyan."
 
Umuwi akong tulala hindi dahil masakit ang puso ko sa break-up. Umuwi akong tulala sa takot kung ano mang pwedeng mangyari if bumaba ako.
Pero higit sa lahat, umuwi akong nagpapasalamat sa langit at sa Birhen ng Manaoag. Hindi ko sasayangin ang tila bang pangalawang buhay kong 'to makalabas ng Sungay.
If your heart is bleeding and you feel empty, call out to our Father in Heaven, and He shall fill you with love, peace and mercy.
Our Lady of Manaoag is known as the Patroness of the Sick, Helpless and Needy. New cars are also commonly brought to Her shrine for blessing.
submitted by deliriicious to ManilaEncounters [link] [comments]


2018.08.04 14:07 cereseluna Ika - 2 ng Agosto, 2018

Ika - 2 ng Agosto, 2018
Dear Future Spouse,
Hindi ako naiiyak dahil malungkot ako. Naiiyak lamang ako kasi miss na miss na kita. Antagal tagal naman ng pagdating mo.
Pinapakinggan ko nga pala itong Kailan Pa Ma'y Ikaw ni Christian Bautista. Tagal na ng kanta na ito. Ito pa rin sana gusto kong theme song natin kahit cheesy or corny siguro para sayo.
Beh, may balak pa ba tayo mag-anak? Alam mo sinusubukan kong maging healthy para pwede pa kahit sumampa na ako ng trenta anyos. Basta wag madami, ah. Pareho tayong nagtatrabaho, alam mo yan.
Alam mo, habang wala ka, sinusubukan ko na lang na i-maximize ang opportunities na mayroon ako. Oo, hindi nga ako nag masters or sobrang travel goals galore, pero nakapag solo trip naman ako locally. Saka nakapagtrabaho na ako sa ibang bansa. Nabibili ko naman mga kailangan ko. Naibibigay ko naman yung pangangailangan ng pamilya ko. Siguro may mga kapilyahan ako nagawa, pero nakaraan na iyon. Kung anuman na mga ginawa mo, depende naman eh tatanggapin ko rin naman.
Lumalaki na mga pamangkin natin, pero still, sana isa o dalawa lang sana maging anak natin ah. Pero syempre alam ko na nag enjoy ka rin in your 20s. Nagkaroon ka rin ng girlfriend noon, or marami kang nakilalang babae. May mga napuntahan, mga adventure, tumaas or or gumaling sa trabaho. Alam ko, habang hindi pa tayo nagtagpo ay naging ayos naman buhay mo.
Siguro lang talaga, sumusulat na ako sayo kasi, oo, tanggap ko na yung mga bagay bagay sa buhay ko, at ineenjoy ko na lang, pero may kulang pa rin kasi: IKAW.
Antagal mo promise. Abang na abang na ako sayo.
Oo, promise, di na ako sobrang nalululong sa crush at infatuation sa bawat lalaki na akala ko eh ikaw, subalit talagang palalim na ng palalim na yung nararamdaman ko para sayo. Lalong makirot sa bawat pagdaan ng oras, araw, linggo, buwan, taon. TAON. Aba, mahal, kung kinasal na tayo noon, malapit na 10th anniversary natin, o baka magsampung taon na yung panganay natin. Akalain mo yun? Ganoon na katagal kitang hinintay. Ewan ko ba sayo mukhang nag-eenjoy ka pa yata sa pagiging bachelor mo.
Sana nasa maayos kang kalagayan. Siguro, siguro lang naman, nakakaramdam ka rin minsan ng lungkot, o pag-aasam. Siguro minsan naitatanong mo kung asan na ba ako? O kung darating ba ako? Ito, sumusulat ako sayo, parang sabihing OO ANDITO AKO. Kung alam ko lang din kung nasaan ka o kung paano kita makikita ay matagal ko nang ginawa. Hintayin kita. Hintayin mo ako. Basta ito malaman mo na sabik na kita makita at mayakap.
Sana dumating na ang tamang panahon.
Hanggang sa ating pagkikita.
submitted by cereseluna to AlasFeels [link] [comments]


2018.06.21 11:22 cerberusjin Incompetent and unprofessional FEU Institute of Technology Registrar's Office Staffs PART 2

First Part: https://www.reddit.com/Philippines/comments/8nzxgk/incompetent_and_unprofessional_feu_institute_of/
May 21, 2018
- Di ako kaagad nakapunta ng RTU dahil pumapasok ako sa Experts at may OJT pa ako
- Hapon na ako nakapunta ng RTU at inabot ko sa staff ng registrar(Lalaking bakla na medyo may katandaan na at medyo napapanot na) ang sealed white envelope. Tatawagin na lang daw nya ako.
(Makalipas ang isang oras)
- Pinuntahan ko sya sa window. Pasensya na daw kung di nya ako maaasikaso pero nakalagay daw sa status ko na di pa ako nagpapaclearance
- Pinaliwanag ko na nakapagpaclearance na ako noong 2005 at nakakuha na ng requirements. Tinanong nya ako kung nasa akin pa ba ang resibo ko. Sinabi ko naman na wala na dahil sobrang tagal na nito. Pwede daw ako magrequest nito sa Cashier
- Pumunta kagad ako sa Cashier kaso sarado na ito
- Bago umalis, humingi ako ng advice sa babaeng staff ng Registrar kung mas okay ba na ipahanap ko ang resibo ko o magpaclearance ako dahil naghahabol ako sa enrollment sa lilipatan ko. Sabi nya matagal daw bago mahanap ang resibo, lalo na 2005 pa ito. Mas mabuti daw na magpaclearance na lang uli ako. Nagpasalamat ako at umuwi na
May 22, 2018
- Nagpasama ako sa girlfriend ko para mag asikaso ng clearance sa RTU. Sinama ko sya para sya ang pumila sa mahahabang pila habang inaasikaso ko ang iba.
- Madali naman naming natapos ang pagpapaclearance, wala pa ata itong isang oras. Di na kasi ako hiningian ng School ID at Library Card dahil sinabi ko na nasurrender ko na ito dati noong nagpaclearance ako noong 2005 at sinabi ko na nagpapaclearance lang uli ako dahil nawala lang ng FEU ang requirements ko.
- Dahil maaga kaming natapos. Naisip naming pumunta muna sa TIP at baka sakaling payagang mag-exam kapag pinaliwanag namin ang nangyari sa FEU Institute of Technology. Mukhang matatagalan kasi ako sa pagkuha sa kanila ng requirements dahil June 5 pa ang binigay sakin na releasing date sa RTU
📷
- Pinaliwanag nga namin sa Admission at nakiusap na payagan mag-exam kahit Informative Copy of Transcript of Records at Good Moral pa lang ang meron ako
- Pumayag naman si Maam sa Admission pero di daw ako papayagan mag-enroll hanggat di kumpleto ang requirements ko
- Nag-exam na nga ako at naipasa ko ang Entrance Exam
- Pinapunta din ako sa Office ng Guard para mainterview, tinanong ako kung may frat daw ba ako o may kaso o kung may tattoo sa katawan. Pinahubad ang tshirt ko para malaman kung may tattoo nga ako. Tiningnan din ako mga kamay ko. Pumasa naman ako sa interview
- Ininterview na din ako sa Guidance at tinanong kung bakit ako lilipat. Sinabi ko naman na dahil ito sa kalusugan ko at may problema din ako sa financial
- Kahit pwede na nila akong tanggapin sa TIP, di ako pinayagan mag-enroll dahil nga kulang pa ako sa requirements
- Binigyan ako ng advice ni Maam sa Admission na pakiusapan ang registrar ng FEU Tech na baka pwedeng i-release kaagad ang mga requirements ko dahil baka di na ako umabot sa enrollment kung June 5, 2018 pa ako mag- eenroll at kung makapag-enroll man daw ako baka halos wala na akong makukuhang subjects at lalo akong matatagalan sa College. Pinaliwanag nya din na ang kailangan lang naman daw nila ay ang records ko from FEU, hindi RTU
- Pinaliwanag na sakin na sakin dati na ito na ang last chance ko na makagraduate ng mas maaga dahil magpapalit na din sila ng curriculum at isasabay lang nila ako sa last batch nila ng BSCpE. Di ko na masyado matandaan ang paliwanag pero sa pagkakaintindi ko, baka mabawasan uli ang mga subjects na make-credit sakin
May 31, 2018
- Pumunta kami ng girlfriend ko sa FEU Institute of Technology para makiusap na i-release na ang requirements ko dahil baka di ako umabot sa enrollment sa TIP
- Sinabi ko na sa June 5 pa kasi ire-release ng RTU ang hinihingi nilang requirements. Pinakita ko din sa Receiving and Releasing Staff ang Releasing Form galling sa RTU
- Ayaw pumayag ng staff sa Receiving and Releasing kaya sabi ko baka pwedeng ang Head na lang makusap ko dahil kami magkausap sa meeting. (Si Maam sa R&R kasi ang nagsimula ng gulong ito)
- Ayaw nyang pumayag na makausap ko ang Head nila pero sya na lumapit sa kanya para kausapin ang Head nila
- Bumalik sya para kausapin ako at payag daw ang Head nila na i-release ang Copy of Grades at tatanggapin o papayagan na daw ako na makapag-enroll kapag pinasa ko yun. Tinanong ko pa ang staff ng R&R kung okay ba talaga na kahit yun lang meron ako. Oo daw sabi ng staff nya. Nagtiwala naman ako dahil nga Head dati ng TIP ang bagong Head ngayon ng Registrar ng FEU Tech
- Naglakad kagad kami at dumiretso kaagad sa TIP para makapag-enroll na pero pagdating doon sinabihan kami na di ako makaka-enroll gamit ang requirement na binigay sa amin
- Kahit madali akong mapagod at bawal mapagod dahil nga sa kalusugan ko. Bumalik kami kaagad sa FEU Tech para ipaalam sa kanya ang sinabi ng staff sa Admission office sa TIP
- Kinausap naming ang staff sa Receiving and Releasing
Me: Maam, sabi nyo papayagan na ako mag-enroll sa TIP gamit ang requirement na binigay nyo?
R&R: Hala, wala akong sinasabi. Kayo nagsabi nyan.
(Tumatawa sya habang kinakausap na akala mo nakikipaglokohan)
Me: Maam, kayo nagsabi nyan at bakit namin sasabihin yun?
(ito na ang pangatlong beses na pagsisinungalin nya)
(Biglang may sumingit sa pag uusap naming. Masama syang makatingin at galit na nagpakilala)
Unknown guy: Ako in charge talaga dito sa Receiving and Releasing! Anong usapan nyo dito?
Me: Kasi sir.. (Di nya ako pinatapos magsalita)
Unknown: Hindi! Hindi! Hindi! Andito ako noong nag-usap usap kayo dito(Meeting with the head)
Anong kasunduan natin?!
Me: Sir, di kasi ako aabot sa enrollment..
Unknown: Anong kasunduan para makuha mo requirements?!
Me: Magpasa ng requirements.. Pero nagpasa naman na ako dati! Bakit ba hino-hold nyo ko dito?!
Unknown: Di ka namin hino-hold dito at wag kang sumigaw
(Sya itong aggressive na lumapit sa akin at sumingit habang nakikipag-usap ako sa Receiving and Releasing Staff. Sinabayan ko lang pagtataas nya ng boses)
Me: Sir di nga kasi ako aabot sa enrollment..
Unknown: Kelan daw ba last enrollment sa lilipatan mo?
Me: Walang sinabing date pero sabi baka daw di na ako umabot kung June 5 ako mag-eenroll..
Unknown: Wala na kami dun.
Me: At kung umabot man daw ako, baka daw wala na ako masyadong makuhang subjects
Unknown: Wala na din kami dun
- Di okay ang mga sagot nya, mukhang wala syang puso kaya nainis ako. Sila na nga may mali, sila pa ganito
Me: Nagpasa naman na ako dati ng requirements. Bakit ba hini-hold nyo ko dito?
Unknown: Di ka nga namin hinohold. Papakita ko sayo files mo.
- Dahil nga paulit ulit kong sinasabi na nagpasa na ako ng requirements dati at may ibang taong nakakarinig sa pag-uusap namin dahil sa labas ng Registrar’s Office kami nag-uusap napilitan syang ipakita sakin ang mga files ko.
- Pinakuha nya sa babae na staff sa R&R ang mga files ko
- Pinakita nya sakin ang laman ng foldeenvelope
Me: Sir, sabi nyo dito wala akong pinasa!
Unknown: Ito lang mga pinasa mo: Good moral at Copy of grades(di ko alam saktong tawag). For evaluation pa nga ito. Kaya ka pinayagan makapag-exam.
Me: Pero sir may pinasa ako. At sabi nyo pa dito di ako nagpaclearance. Di ako makakapagpasa nyan ng di nagpapa-clearance. Saka yan lang ba talaga files ko? Pwede ko pang makita yung iba?
(Nakita ang Honorable Dismissal)
Me: Yan sir katibayan na nagpa-clearance ako. Di ka makakakuha nyan ng di nagpapa-clearance
Unknown: Wag mo ng intindihin yan. Basta magpasa ka ng kailangan namin sayo. Ano ba pinapapasa sayo?
(Tiningnan ko ang releasing form, “TOR”
Me: TOR? Baka naman sir pwedeng i-release nyo ng maaga yung requirements ko kasi nga di ako aabot sa enrollment?
Unknown: Magpasa ka muna ng requirements mo.
Me: Bakit ba hinohold nyo ko dito? Nagpasa naman ako ng requirements?!
Unknown: Sa loob nga tayo mag-usap.
(May mga ibang tao na kasing nakakarinig samin sa labas)
-Pumasok na kami sa loob ng Registrars Office. At sa loob maayos na nya akong kinausap
-Sinabi nya na yun lang daw talaga mga files ko hanggang sa nakita ko ang letter from RTU tungkol sa Transfer Credential na may date na July 22, 2005
📷 Me: Eh sir, ano to?
Unknown: Ilang beses na nga kami nag-request pero di sila nagbibigay
- Pero sila gumawa ng maraming issues kung wala naman pala saking problema at sa RTU sila may problema?
Me: Ilang beses na po ba kayong nag-request?
Unknown: Maraming beses na
Me: Kelan po kayo nagrequest?
Unknown: Ewan ko. Wala pa ako noon dito. Nag-aaral pa ako ng mga panahon na yan..
(Sinungalin din si Sir.. Maraming beses na daw sila nagrequest tapos sasabihin nya wala syang alam at wala pa sya ng panahon na yan)
Unknown: Makiusap na lang kayo sa RTU na i-release ng maaga. Saka kunan nyo ng picture yan para mapakita nyo sa RTU
Staff-Beside-Head-Office: Wag ka kasing mag-away kaya di nire-release files mo! (Inaamin nya ba na hino-hold lang talaga nila ako?)
Me: Kayo kaya nang-aaway dito!
Unknown: Kontakin nyo na lang ako kung anong nangyari dito sa number ko
📷
- Umuwi na kami ng kasama ko dahil di na kami aabot kahit dumiretso pa kami sa RTU
June 1, 2018
- Maaga kaming pumunta ng girlfriend ko sa RTU para kapag pumayag sila na i-release kagad ang requirements ko, makakapag-enroll ako kagad sa TIP
- Kaso puro Student Assistant lang ang naandoon at sarado ang ibang Windows
- Pinakita ko sa Student Assistant ang picture ng letter na galing sa RTU noon at sinabi ko na matagal na akong nakapagpaclearance at yan nga ang katibayan. Sabi ko yan na lang ang kulang sa FEU Institute of Technology. Sinabi ko din na sabi saakin ng Registrar ng FEU Tech, maraming beses na daw sila nagrequest pero di pa din nire-release ng RTU yung TOR. Nakita nya ang clearance form ko, bakit daw uli ako nagpaclearance eh nakapagpaclearance naman na daw ako dati. Kaya nga sabi ko paki-follow up na lang tong TOR request kasi 2005 pa to. Tinanong ko din kung pwede bang malaman kung ilang beses na nagrequest ang FEU Tech, pwede daw pero wala pa daw ang encoder. Balik na lang daw kami ng 1PM. Saka tinanong nya ako kung asan ang request na galling sa FEU Tech. Sabi ko naipasa ko na yun noong May 21 sa isa sa mga staff sa Registrar. Tinanong nya din kung asan ang requirements ko para makakuha ng Transcript Credential pero sabi ko matagal ko na napasa yun noong 2005 pa. TOR na nga lang hinihintay. Wala daw ang letter from FEU Tech at kailangan ko daw magpasa uli ng panibagong requirements sa kanila kung kukuha uli ako pero sabi ko di ako kukuha uli. Pinapa-follow up ko nga lang itong TOR dahil ito na lang di nyo nire-release. Di ako kukuha ng bago, di ko pa sya nakukuha.
- Bumalik na lang kami ng 1PM pero di pa din dumarating ang encoder na sinasabi nya. 4PM na ng makausap ko ang in charge sa Receiving and Releasing at pinakita ko nga kay Maam yung letter from RTU noong 2005. Pinaliwanag ko sa kanya na sabi ng FEU Tech Receiving and Releasing maraming beses na daw sila nagrerequest pero di daw nila nire-release yung TOR ko. Sabi nya wala daw silang kahit isang natanggap na request pero sinabi nya na baka di lang nakakarating sa kanila ang Mails ng FEU Tech, nangyayari nga daw yun minsan. Tapos tinanong nya ako kung bakit daw ako ang nag-aasikaso ng TOR ko eh dapat daw nakikipag-coordinate sa kanila ang registrar ng FEU Tech. Sinabi ko naman sa kanya na sabi ng Head ng Registrar ng FEU Tech na tumawag sya at sinabihan daw sya na di pa ako nagpapa-clearance sa RTU. Pero sabi ko naman diba Maam di kayo nagre-release ng requirements ng di nagpapa-clearance? Sagot naman ni Maam, baka inassume lang nila na di ka pa nagpapa-clearance. Hinanap nya saakin ang request letter na galing sa FEU Tech registrar, sinabi ko na naibigay ko na yun sa staff nyo noong May 21, doon sa bakla na medyo matanda na, na medyo panot na ang buhok. Sabi nya naman wala ngayon yung staff nya na yun kaya mas mabuti kung kumuha ako ng bago dahil baka matagalan bago nya ito makuha. Tinanong nya din kung may Xerox copy ako, sabi ko naman wala dahil Sealed ang white envelope at di ko nga din alam laman ng letter. Pumayag si Maam na i-release kagad ang TOR at di nya na daw ako sisingilin ng panibago (kaso nagbayad na uli ako) kaso wala daw silang official paper ng school kaya sa bond paper nya lang ito mapi-print. Sinabi ko na okay lang naman siguro yun lalo na di ko na mahihintay na maging available ang paper ng school ng RTU dahil nga naghahabol ako sa enrollment. Pumunta daw ako ng maaga sa Lunes dala ang request letter galing sa registrar ng FEU Tech at ire-release nya na daw ang TOR ko.
June 4, 2018
- Napagdesisyunan namin na ireklamo na sa HR Department ang naranasan ko sa FEU Institute of Technology Registrar’s Office:
· Pang-aaway at pagiging unprofessional ng in-charge sa Computer Studies
· Di maayos na pakikipag-usap ng Head
  1. Pagsasabi na di pa ako nakakapagpa-clearance dati sa RTU
  2. Pagsisinungalin. Sinabing di pa ako nakakapagpasa ng requirements sa FEU East Asia College para makapag-exam at enroll
  3. Pagsasabi na tatanggapin na daw ang Copy of Grades para tanggapin ako sa TIP
· Pagsisinungalin at di pakikipag-usap ng maayos ng babaeng staff na nasa Receiving and Releasing
  1. Sinabing nawawala ang Records ko at nakita na nya kahit di nya hinanap
  2. Sinabi nya na sabi ng Head tatanggapin na daw ang Copy of Grades para makapag enroll sa TIP at nagsinungalin na di nya daw ito sinabi habang tumatawa
· Pagiging aggressive at walang puso ng isa pang staff na lalaki sa Receiving and Releasing at pagsisinungalin
  1. Biglang pagsingit habang nag-uusap kami ng babaeng staff nya
  2. Pagtingin ng masama at pagtataas ng boses
  3. Pagsisinungalin tungkol sa mga requirements na pinasa ko
  4. Pagsisinungalin na nagrequest o nakipagcoordinate sila sa Registrar ng RTU
- Pumunta ako ng maaga sa HR Department ng FEU Tech para nga ireklamo ang staffs ng Registrar at nakausap ko si Maam Mitz, pinasulat ako ng Complaint Letter at kwento ng buong pangyayari kahit daw di ganun kaayos na sulat basta factual. Humingi pa ako ng request sa kanya na baka pwedeng samahan nya ako sa Registrar pagkatapos ko gawin ang complaint letter dahil nang-aaway ang mga tao sa Registrar dahil nga kailangan kong kumuha uli ng request letter para sa TOR
- Inabot na ako ng lunch break at ang sakit na ng kamay ko sa pagsusulat pero di ko pa din ito natapos kaya tinuloy ko ang pagsusulat sa canteen ng school dahil isasara daw ang HR Dept. Di na lang muna ako kumain para tapusin ito.
- Bumalik ako sa HR Dept para tapusin ang Complaint Letter at kwento ng nangyari. Natapos ko ito ng hapon na, total pages of 15. Sabi ni Maam Mitz tatawagan na lang daw ako para sa update. Bago umalis pinaalaa ko kay Maam yung request ko pero marami syang applicant na inaasikaso kaya di nya daw ako masasamahan. Nagpasalamat ako sa mga staffs ng HR Dept bago umalis. Sinabi ko na kay Sir Dave na lang siguro ako papatulong
- Pumunta nga ako sa 2nd floor para humingi ng tulong kay Sir Dave pero nagkwentuhan muna kami bago pumunta sa Registrar. Nakwento ko sa kanya ang narasanan ko noong 31 at namention ko din na nireklamo ko na sila sa HR Dept.
- Tinulungan nya nga akong kumuha uli ng panibagong Request Letter sa Head. Sya na lang ang nakipag usap dahil daw ayaw akong makausap ng Head ng Registrar
- Sinamahan ako ni Sir Dave sa HR Dept para kunin ang pangalan ng pinag-abutan ko ng Complaint Letter at pagkatapos nito ay humingi ako ng pagsensya sa pag-abala ko sa kanya at nagpasalamat. Umuwi na ako pagkatapos nito
June 5, 2018
- 7AM pa lang nasa RTU na ako para makuha kagad ang TOR ko na hinahanap sa FEU Institute of Technology
- 8:30 or 9AM na ng nagbukas ang Registrar ng RTU at ibang student assistant naman ang nakausap ko
- Kahit ang usapan namin ni Maam sa Receiving and Releasing ay magbigay lang uli ng request letter, at ire-release na nya ang TOR ko, since wala daw sa mga files ko ang form 137 ko, di ko daw pwedeng makuha ang TOR ko. Nakiusap na ko na baka pwedeng ihabol ko na lang ito dahil naghahabol ako sa enrollment sa lilipatan ko at ito na ang last chance kong makabalik at makapagtapos ng college. 11AM ko na nakuha ang TOR ko at ang kasunduan namin ni Maam sa Receiving and Releasing, magpapasa uli ako ng form 137 dahil wala nga daw ito sa mga files ko. Sinabihan ko naman sya na di ako makakapagpromise na mabibigay ko ito kaagad (dahil nga pumapasok ako sa training school, may OJT at nag-aasikaso ng requirements)
- Mag aalas dos na ng makarating ako sa FEU Institute of Technology at dumiretso ako kaagad sa Registrar’s Office Receiving and Releasing
- Naghello ako kay maam na nakangiti. Pinasa ko kaagad ang TOR na hinahanap nila at ang releasing form ko, tiningnan ito ni Maam pero binalik nya ito saakin. Tinanong nya ako kung nakusap ko na daw ba si Sir Dave. Sabi ko naman, hindi pa.
- Napaisip ako, mukhang ayaw talaga nila makipag-transact sakin, mukhang si Sir Dave lang gusto nilang kausap
- Bumaba ako kaagad sa 2nd floor at pumunta sa Discipline Unit Office
- Sinabi ni Sir Dave na kakausapin ako ni Sir Idan, ang School Coordinator
- Pinaupo muna nya ako malapit sa kanya dahil may ginagawa pa sya
- Habang may ginagawa sya naisipan ko syang kausapin, tinanong ko sya kung sino ang gumagawa ng policy ng school, kada department daw iba ang gumagawa
- Pagkatapos nyang gawin ang ginagawa nya, kinausap na nya ko. Mukha syang seryoso at disappointed. Sabi nya didiretsuhin nya daw ako, tinulungan daw nila ako at kahapon nga si Sir Dave ang humingi ng request letter para sa akin at pinagbigyan daw ako ng Head ng Registrar na makakuha uli ako panibagong letter kaya bakit daw naisipan ko pang ireklamo sa HR Department ang mga Staffs ng Registrar. Tinanong nya ako kung dahil daw ba ito sa gusto kong manalo? Pinaliwanag ko na dahil gumagawa sila ng kalokohan sa Registrar, yung ginagawan nila ako ng issue para mahirapan akong makuha ang requirements ko kahit alam nilang naghahabol ako sa enrollment. Sinabi nya din ang favorite quote nya na screensaver nya sa PC nya:
“PRIDE IS CONCERNED WITH WHO IS RIGHT
HUMILITY IS CONCERNED WITH WHAT IS RIGHT”
-Ezra T. Benson
Tinanong nya ako kung ano ba yung ginagawa nila? Sinagot ko naman, yung pagsisinungalin, na di pa daw ako nakakapagpasa ng requirements, yung pinalabas nila na di pa ako nagpapaclearance sa RTU para palabasin na di pa talaga ako nagpapasa ng requirements, inaway nila ako, yung pagiging walang puso ni Sir Polo. Saka sinabi ko na tumawag kami sa CHED at kinuwento yung nangyari sakin ang sinabi ng nakausap namin na bawal ang ginagawa nila kaya dapat ko talaga silang report. Na pinapatawag ako sa CHED NCR para dun iparating ang nangyari kaso di pa nga kami nakakatawag uli. Tinanong nya naman ako kung ready daw ba ako kung ipatawag ako sa mga hearing, sabi ko naman mukhang di naman na ako makakaenroll kaya marami akong oras para umattend ng hearing. Sabi nya isipin ko naman daw mga pamilya nila dun(Staffs ng Registrar), marami daw sila dun na maaapektuhan. Sinabi ko naman na willing naman ako makipag ayos basta sabihin nila na di na nila uulitin yung kalokohan o irregularities na ginawa nila. Yung pagsisinungalin nila, paggawa ng issue para mahirapan makakuha ng requirements ang estudyante, at yung pang-aaway nila, pagiging unprofessional. Sinabi ko na ayaw ko ng maulit yun sa iba. Nagbigay pa ako ng suggestion na dapat magbigay na sila ng parang resibo o kasulatan na nakatanggap sila ng documents sa student para maiwasan na ginawa nila at maglagay din ng papel para sa “How’s our service?” para sa mga staffs ng registrar at ihuhulog ito sa box na walang access ang mga staffs doon. Sinabi naman ng School Coordinator na si Sir Idan na ipaparating nya ito sa kanila at sya na lang muna makikipag-usap sa kanila sa Registrar. Pagkatapos ko daw makuha ang requirements ko ay iatras ko na ang reklamo ko. Mas okay daw na walang sama ng loob at peaceful at walang stress
- Bumalik na nga sya dala dala ang mga requirements ko para makapagtransfer sa TIP at may inabot na sealed letter. Paliwanag nya letter yun para sa registrar na sinasabi na ipapadala nila ang TOR ko sa TIP once na nagpadala na ang TIP ng request letter sa kanila
- Pinagawa ako ni Sir Idan ng letter para sabihing inaatras ko na ang reklamo tinuro nya sa akin kung ano ang isusulat ko.
- Pagkatapos nito, pinasamahan nya ako kay Sir Dave para magpaxerox nito para daw may copy sila, sila na daw sasagot sa Xerox fee
- Habang nakasakay sa elevator, nakasakay naming si Sir Polo, tumingin sya sa mata ko pero umiwas din kagad ng tingin
- Pumunta na nga kami sa HR Department at inabot ni Sir Dave ang letter na ginawa ko kay Maam Mitz at ipinaliwanag na sa akin daw mapupunta ang original at kinausap ako kung pwede daw ba sila makahingi ng copy, sabi ko naman oo. Wala naman masama kung magkaroon sila ng copy
- Bumalik kami sa Discipline Unit Office dahil nga hapon na, naisip ko na magpaalam na muna at saka na kausapin ang mga staffs sa Registrar para marinig sa kanila na di na nila uulitin ang mga ginawa nila tulad ng usapan naming para iatras ang reklamo
- Pumunta ako kagad sa TIP para humabol sa enrollment kaso di na ako umabot
Pero pwede pa daw naman ako mag-enroll kinabukasan
June 6, 2018
- Inasikaso na nga namin ang pag eenroll ko sa TIP. Kumuha ng subjects, kaso di ko na nakuha ang ibang subjects na kailangan ko. Umabot naman sya sa 16 units dahil pinadagdagan na lang naming ng subject na pang higher year
- Pagkatapos nito ay nagbayad na kami sa Cashier ng downpayment
- Pagdating sa Clinic, tinanong ako tungkol sa kalusugan ko at pinaliwanag na mayroon daw silang Drug Test. Ito ang mga sinabi ko na mayroon ako
  1. Mula pa noong Grade 2 ako hanggang ngayon, Stroke like symptoms or paralysis like symptoms pero di pa din talaga diagnosed dahil nga marami pang test ang kailangan para daw malaman kung anong sakit ito
  2. Asthma
  3. 2015, baka may Lung Tumor ako base sa X-ray kaya kailangan ng CTSCAN sabi ng Doctor
  4. 2016, Heart Attack
- Pagkatapos nito ay nagpadrugtest ako at pinabalik uli sa clinic
- Inadvice sakin ng Doctor ng TIP na magpacheck up uli ASAP sa Pulmonologist para malaman kung ano na kondisyon talaga ng kalusugan ko at di naman daw ako pagbabawalang makapag-aral, para lang daw alam nila kung anong gagawin kapag may nangyari sakin habang nasa school
- Bumili na din kami ng uniform ko pero walang available na pants
- Officially Enrolled na ako sa TIP. Umuwi na kami pagkatapos nito para makapagpahinga at di na muna ako nagpunta ng FEU Institute of Technology para kausapin ang mga staffs sa Registrar dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako at ang bilis ng tibok ng puso ko
June 7, 2018
- Pumunta ako ng maaga sa Makati dahil naghahanap ng blood donor ang officemate ni ate pero ng malaman na naming ang blood type ko, di pala compatible ang dugo ko kaya di na ako kinunan ng dugo
- Dumiretso ako sa Makati Med para mag inquire kung pwede ko bang ituloy ang pagpapaCT scan ko dahil nga nawala ng nanay ko ang resibo kaya di ako nakapagpaCT scan dati. Kaso sabi sa system nila sabi daw cancelled na daw sya at baka daw kaya ganun status ay dahil di pa bayad, mas okay daw kung mahanap naming ang resibo
- Dumiretso na ako sa FEU Institute of Technology para nga makausap na ang mga staffs ng Registar’s Office at duman muna ako sa Discipline Unit Office kasi sabi nila Sir Dave at Idan, mas okay daw na bago ako may gawin, humingi muna ko ng payo sa kanila.
- Sinabi ko na andun ako para nga makausap na ang mga staffs pero sabi nya nakuha ko naman na daw ang mga requirements ko. Wag ko na daw sila kausapin, baka daw kapag kinausap ko uli sila, baka magkaroon na naman ng problema at TOR ko naman daw ang di nila i-release. Pinaliwanag ko naman na di kasi masaya ang girlfriend ko at isang kapatid ko na bunso dahil inatras ko kagad ang reklamo ko kahit di pa sila nakakausap o di pa sila humihingi ng pasensya sa ginawa nila. Sinabi ko na di lang kasi ako ang naapektuhan, sila din. Pinaliwanag ko na di masaya ang girlfriend ko dahil masama ang loob nya sa kung paano ako trinato ng staffs ng Registrar, kasama ko na kasi sya noong nakausap ko si Sir Polo. Sabi nya dapat daw ako nagdedesisyon para sa sarili ko. Paliwanag ko naman, may sakit kasi ako Sir. Paano daw kung inatake na naman ako sa puso? Paano kung naospital ako? Paano kung di lang naospital, natuluyan ako? Papagamot daw ba nila ako o mababalik daw ba nila buhay ko? Nasa sakin na daw kung gusto ko ituloy pagreeklamo sa CHED pero sabi nya handa daw ba ako? Paano daw kung magcounter ang lawyer ng FEU Institute of Technology? Mapapatunayan ko daw ba ang mga pagkakamali na nagawa ng Registrar? Di daw ganun kadali kapag nagkakasuhan baka daw nadisillusioned ako at di ko nakikita ang bigger picture. Mas okay daw na magfocus na lang ako sa pag-aaral at ayun nga, dahil nga daw may problema din ako sa kalusugan.
- Inasikaso nya muna ang mga students dahil marami na sila at mag-uusap pa sana kami kaso naisip ko na umuwi na lang ng marealize ko na di pala nya naparating ang pinapasabi ko sa staffs ng Registrar, na sabihin nilang di nila uulitin mga ginawa nila
- Nagpaalam na ako kay Sir Idan. Sinabihan nya akong good luck sa journey ko

-Pasensya na kung ngayon ko lang na-post yung buong story. Pagkatapos nito inupate ko na lang ang CHED via email. Kung ano yung update na binigay ko sa CHED, ito na din yun, halos same lang din nito yung binigay ko sa HR Dept ng FEU Insitute of Technology.
UPDATE:
-Di na din ako nakatanggap ng update galing sa HR Dept dahil nga siguro inatras ko na yung reklamo.
-Plan kong magfocus na lang sa check ups at pag-aaral. At hayaan na yung mga staffs sa FEU Tech.
Advice:
-Kung makakaranas din kayo ng ganito o close sa ganito, mas okay nga na idaan nyo na lang sa HR Dept at CHED. At magsama din kayo para may ibang witness sa ginagawa nila. At pansin ko kapag may magulang na kasama, mas maayos sila makipag usap pero kapag students, kinakaya kaya nila.
Request:
-Kung dun kayo nag-aaral sa FEU Tech, update nyo ko kung na-implement nila suggestions ko sa kanila na maglalagay sila ng "How's our service?" sa may Registrar's Office at kung nagbibigay na sila ng parang Receipt ng natanggap nilang documents sa inyo, btw, pwede daw kayo magrequest nyan sabi ni Sir Idan(not sure kung tama spelling) ng Discipline unit.
submitted by cerberusjin to Philippines [link] [comments]


2017.09.14 05:32 jonigivy Paalam

Paalam
Ang mundo ko ay di malungkot, hindi nga rin lang masaya, mundo na walang dusa, ngunit mundo din na walang sigla. Subalit Ikaw ay dumating at kaligayan ay iyong pinakilala, Kaligayan na di magtatagal sapagkat panandalian lang pala.
Di kita pinangarap at siguradong di ako humiling Hindi ko rin alam kung paano at bakit ka dumating. Ako’y lubusang humahanga sa iyong pagkamagaling Sapagkat nahanap mo ang daan na mahirap tuntunin.
Ang iyong pagdating sa aking mundo, Ay naghatid sa aking buhay ng kakaibang gulo. Di ko pa naranasan ang pakiramdam na ganito, Pakiramdam ng may isang taong sumusuyo.
Kaya lalo kitang pinayagan na pasukin ang aking mundo Sapagkat ang kakaibang pakiramdam na dinudulot mo, Ang nagturo sa aking kung ano ang kaligayahan na totoo. Kaya di kalaunan ikaw ay akin nang ginusto
Subalit nakalimutan mo lang sa akin ipabatid. Na ang iyong panahon pala ay iilan lang saglit, At ang iyong pagsuyo ay sigurado ring mawawaglit Kapag ikaw ay nakakita ng ibang daang marikit
Paano na ngayon, ano ng gagawin ko? Ang mundo ko ay iyo ng binago. Inaasam – asam na ang presensya mo Ngunit paano? Ikaw ay biglang naglaho.
Bakit nga ba kailangan pa na sa buhay ko ay dumating ka? Di man lang nagpasabi na ikaw ay makikidaan lang pala. Sa mundong ito na napakadaming kalsada, Bakit ang daan papunta sa akin ang iyo pang inasinta.
Maraming tanong ang nasa aking isipan, Mga tanong na di na mabibigyan ng kasagutan Ngayon ay isa lamang ang aking kahilingan Na sana dumating na ang araw ng aking kagalingan.
submitted by jonigivy to Kwaderno [link] [comments]


2017.07.11 08:31 Yotats #BBMnotmyVP

Atty. Jesus Falcis:
Ngayon ang unang araw ng Preliminary Hearing ng electoral protest na isinampa ng talunang si Bongbong Marcos. Ating ipaalala sa kaniya at sa buong Korte Suprema kung bakit siya natalo noong nakaraang eleksyon.
Ang pamilya Marcos ay mga magnanakaw at mamamatay tao. Tatlong dekada na mula noong pinatalsik ang diktador, ngunit ang kanilang mga utang ay binabayaran pa rin natin, ng ating mga magulang, at babayaran ng ating mga anak pagdating ng panahon.
Nais ng mga Marcos na mabura ang kanilang sala sa kamalayan ng bansa. Ito ang dahilan kung bakit tumakbo si Bongbong – upang mabaluktot ang kasaysayan at makabalik ang kaniyang pamilya sa Malacanang.
Hindi sila nagtagumpay nang tumakbo si VP Leni Robredo. Alam ng mga Pilipino ang malinis na track record niya at ng kaniyang pamilya sa paglilingkod sa bansa. Mas lalong alam ng mga Pilipino na hindi na dapat maibalik sa puwesto ang mga mandarambong na gaya ni Bongbong.
Kailangan ngayon ni VP Leni ng ating suporta. Ating i-trend ang #BBMnotmyVP ngayon. Lunurin natin ang social media ng ating galit laban sa kaniya at kaniyang pamilya. Gamitin natin ang ating mga boses upang hindi malimutan ni Bongbong ang mga dahilan kung bakit siya natalo. Patunayan natin sa Korte Suprema na hindi tayo papayag na manakaw ni Bongbong ang puwesto ni VP Leni Robredo.
Si Leni ang ating inihalal, si Bongbong ang ating tinalo, at lalaban ang bayan upang protektahan ang kaniyang mga boto.
#LeniIsOurVP #BBMnotmyVP #BBMnotOurVP
submitted by Yotats to Philippines [link] [comments]


2017.02.14 10:51 hiraryakun Kanin Kronicles! - Chapter 5

Kanin Kronicles!

Kwentong Kanin uKol sa Kapamilya, Kaibigan, at Kung anu-ano pang KaloKohan!

CHAPTER 5

“Ilang siglo na ang nagraan, Bea? Ilang mga isla naang nabuo, at naglaho? Ilang mga sibilasyon na ang nagawa, at napabagsak? Ang alon ay dumadating, at nawala rin. Ang araw ay aangat ng isang segundo, at lulubog sa susunod. Hindi ko na alam kung ano ang konsepto ng oras, Bea. Kaya, sabhin mo saakin, pwede na ba tayo bumalik sa karinderia?”
“Dalawang araw pa, dong.”
…Bad trip.
Sa mga nakalipas na araw, nahanap ko ang sarili ko na nakikisama kay Bea. Dahil mga mabubuting kaibigan talaga ang mga aking kasama, iniiwanan nila ako sa mga nakaraang araw para maghanap ng sariling kakainan. Dahil naghahanap rin si Bea ng mga kainan, nag-pasya na lang kami na mag-sanib pwersa muna sa madidilim na araw na ito. Ngayong gabi ay nakahanap kami ng isang maliit na tindahan hindi may kalayuan sa call center. Nag bebenta sila ng samu’t saring mga inihaw, at siyempre barbecue rin. Nakatayo kami sa labas habang inuubos ang natitira naming stick ng barbecue.
Habang ngumunguya, nagsalita sa akin si Bea. “Alam mo ba kung ano na lang ang kulang dito?”
“Hindi ba obvious? Siyempre, masarap at mainit na kanin!”
“…Sasabihin ko sana sukang maanghang, pero sige, kanin rin.”
Napatingala si Bea sa langit, at tila ba binubulungan ang sarili. “Haay…kung meron lang sana akong tutong ngayon…”
“…Ang weirdo mo talaga, Bea.”
“Galing yun sayo?” sabi ni Bea, sabay kagat sa barbecue. “Pero, hindi mo maitatanggi na ang tutong ang llamado pag-dating sa barbeque.”
“Ha?! Kalapastangan. Laging panalo ang kanin, at kahit pag-dating sa barbecue ay ganoon din ang resulta.”
“Hay nako, eto nanaman tayo eh…” Humarap saakin si Bea at itinuro ang kaniyang barbecue stick sa akin. “Ipapakita ko sa iyo kung bakit panalo ang tutuong pag-dating sa barbecue!
“Una, dahil matigas ito, pwede mo siyang buhatin sa isang kamay, at ang barbecue stick sa kabila, kaya pwede mong kainin ito habang nakatayo! Ang tunay na street food!
“Pangalawa, ang barbecue, depende sa iyong pagbibilhan, ay magaan sa tiyan. Ang tutong ay mas mabigat sa normal na kanin, kaya mas llamado ka talaga.
“Pangatlo, ang tutong ay may kakaibang lasa na nagdadagdag ng bagong dimension sa barbecue pagdating sa lasa! At yun ang mga dahilan kung bakit mas masarap ang tutong pagdating sa barbecue.”
Pagkatapos ng kaniyang argumento ay yumuko siya, tila ba isang musikero nakakatapos lang ipresenta ang paborito niyang kanta.
Ang problema lang ang kanta na ginawa ng musikero na ito ay mali-mali.
“Hay nako…muli, Bea, ay nagkakamali ka!
“Una sa lahat, kung ang argumento mo ay tungkol sa pagkain ng nakatayo, gusto ko lang ipaalala sa iyo na may mga tindero na nagbebenta ng kanin na naka-balot sa dahon ng saging! Hindi lang ito pwede kainin ng nakatayo, mas masarap pa ito sa kahit pa anong tutong na pwede mong gawin.
“Pangalawa, kung mas mabigat nga ang tutong, ang kanin naman ay mas mainit. Pag hindi ka maingat masusunog mo ang iyong dila. Pero, pag ito na ay naluok mo at napunta sa tiyan, ang kaniyang init ay lalawak sa buo mong katawan! Hindi lang nabusog ang tiyan mo, kung hindi ang iyong diwa!
“At pangatlo! Hindi ko alam kung anong dimension yang pinagsasabi mo. Ang dimension lang na nararamdaman ko pag kumakain ng tutong ay di ko na mine-mention yung pangit ng lasa, dahil makikita mo na sa mukha ko pa lang.”
“Dapat talagang hindi i-mention yang mukha mo. Kahit sinong tao makarinig non mawawalan ng gana kumain.”
“Anong—“
Pero bago pa ako maka-patuloy sa sasabihin ko, biglang tumunog ang aking cellphone.
“Ah, saglit lang ah.”
Kinuha ko to at tinignan kung sino ang tumatawag.
Hmm, kakaiba. Si Kuya Rene ang tumatawag.
“Hello?”
“Ah, Jason, ikaw ba yan?”
“Oo, Kuya Rene. Bakit ka napatawag? At sino nagbigay sayo ng karapatan na tumawag sa akin? Pinatawad na ba kita sa pagtataksil na ginawa ninyo saakin?”
“Pagtataksil?” tumahimik ang kabilang linya ng saglit, bago ako may narinig na ‘aha!’ at mahinang pagtawa. “Pasensya na, Jason, pero usapan ay usapan. At isa pa wala ako ngayon sa karinderia.”
“Hmm?” bihira lang wala si Kuya Rene sa isang lugar, lalo na kung may pagkain na kasama sa usapan. “Edi nasaan kayo ngayon?”
“Nasa bahay ko. Birthday kasi ng nakababatang kapatid ko kasi eh.”
“Ah, pasabi ng happy birthday, ah!”
“Ano, Jason, tumawag ako kasi kailangan ko ng tulong dito sa birthday ni Nina.”
Si Nina yata ang nakababatang kapatid ni Kuya Rene.
“O sige, ano bang nangyari?”
“Nag-pasya kasi kami na maghawak ng potluck bilang selebrasyon. Yung nanay at tatay ko yung nagdala nung mga spaghetti at chicken, at yung iba naman dating gawi.”
“Teka, kung dating gawi…”
“Mukhang alam mo na nga kung saan papunta to. Dala ni Omar yung mga imported niya na tsitsirya, si Nestor nagdala ng gulay, tapos si Arthur nagdala ng ice cream…”
“…at dapat ako magdadala ng kanin.”
“Yun na nga ang problema. Di namin na pansin na hindi ka nga namin kasama hanggang kanina lang.”
Mga tunay na kaibigan.
“Ayaw niyo bumili na lang kala Mylene?”
“Sarado ang karinderia ngayon.”
“Ha? Ano nangyari?”
“Huling balita ko may sakit si Mylene eh. Dahil walang makaka-bantay ng ganong oras bukod siya, sinarado na lang muna. Hindi rin naman kami dapat pupunta ngayong araw.”
“Hmm…” problema nga ito. “Hindi pa ba sapat yung spaghetti para doon sa kapatid mo?”
“Mapili din kasi yung kapatid ko eh. Kailangan may kanin talaga.”
…!
Hindi kaya…! Ito’y isang magandang pagkakataon! Kung ako ay makakaluto ng pinaka-masarap na kanin na natikman niya, pwede ko siya maging disipulo! Isang napakagandang pagkakataon!
“Sige, Kuya Rene, hayaan mo na saakin, ako na bahala diyan sa problema niyo!”
At bago pa man makasagot si Kuya Rene, binaba ko na ang telepono.
Tatakbo na sana ako pa-uwi ng napigilan ako ng isang boses. “Huy, saan ka pupunta?”
Sa sobrang pagmamadali ko, nakalimutan ko na kasama ko nga pala si Bea.
“Pasensya na, Bea, pero—“
Teka…
Napangiti ako. Isang plano ang unti-unting nabubuo sa utak ko.
“Bea…paano kaya kung magkaroon tayo ng kaunting…paligsahan?”
“Paligsahan? Ano pinagsasabi mo diyan?”
“Kaarawan ngayon ng kapatid ng kaibigan ko, at naghanda sila ng maliit na handaan. Pero, may isang malalang aksidente na nangyari! Nakalimutan nila ang kanin! Isang napakalaking trahedya! Isang kasalanan sa mata ng Diyos!”
“Oo na, oo na, diretso na sa punto.”
“Ang punto ko, ay papunta na ako doon ngayon para mag-luto ng kanin. Kaya ito ang hamon ko sa iyo.” Itinuro ko ang daliri ko sa kaniya. “Tayong dalawa ay gagawa ng kanin para sa party na ito. At ang pinaka-nagustuhan ng birthday celebrant, ang masasabi natin ang mas nakakalamang sa dalawa. Ayos ba yun sa iyo?”
Tahimik si Bea habang iniisip ang aking proposal. Sa wakas ay ngumiti siya at tinignan ako, ang mga mata puno ng apoy.
“Alam mo namang hindi ako basta basta mag-papatalo, diba?”
“Yan ang gusto ko marinig!”
Nilabas ko ang aking kamao, at ganoon din naman ang ginawa ni Bea. At, nang walang oras na masayang, tumakbo na kami papunta sa tindahan para bumili ng bigas, at masimulan ang paligsahan.
Pagdating naming ni Bea, ang sumalubong saamin ay ang nanay ni Kuya Rene. Nang nagkaharap kami, ang unang pumasok ang sariling nanay ko. Pareho silang may kunot sa may bandang mata sa kakangiti, at pareho silang may amoy ng sabong panlaba.
Bigla ko tuloy na-miss ang sarili kong tahanan…
“Ah, kamusta. Kayo ba ang mga kaibigan ni Rene?”
“Opo.” sagot ko sa kaniya.
“Ay, pasensya na talaga kayo, di pa nga sumisikat ang araw eh nandito na kayo…maraming salamat talaga…”
“Ay, hindi po, ok lang, ok lang,” agad kong sabi, dahil mukhang talagang nag-aalala si nanay na naabala kami. “Mabuting kaibigan lang talaga naming si Kuya Rene, kaya wala to saamin.”
“Ah, ganoon ba? Maraming salamat sa inyo.” Humarap naman siya kay Bea. “Kasama mo rin ba si Rene sa trabaho niya?”
“Ah, hindi po,” agad linaw ni Bea, “Hindi nga po kami masyado magkakilala eh. Pero gusto ko rin pong tumulong.”
“Ganoon ba? Grabe naman, ang swerte talaga ng anak ko ang dami niyang kakilalang napakababait na tao!”
Ngumiti siya ng napakalaki, at pati ako naramdaman ang pagmamahal na nanggagaling sa kaniya. Pati si Bea napangiti dito.
“Halika, pasok kayo, pasok kayo. Tahimik lang, ah, tulog pa si Nina eh. Nandoon sila sa may kusina ngayon.”
Agad kaming nagtungo sa may kusina, kung saan ang buong kuwarto ay punong puno ng buhay. Si Kuya Nestor ay naghuhugas ng plato habang si Kuya Arthur naman ang nagtutuyo nito. Sa kabilang dulo ng kusina nakikita ko si Kuya Omar na nag-lalagay ng mga palamuti sa may bintana. Si Kuya Rene naman ay nakaupo sa may la mesa at nagtutusok ng mga hotdog.
“Ah, Jason, buti nakarating k—“
Nagtataka ako kung bakit naputol ang sinasabi niya ng mapansin ko na nakatingin siya sa aking katabi.
H-H-H-Ha?!
Muntik na manginig ang buong gusali sa lakas ng sigaw ni Kuya Rene. Agad akong tumalon at tinakpan ang bunganga ni Kuya Rene.
“Baliw ka ba brad?! Magigising mo kapatid mo niyan!”
Mukhang andaming sinasabi si Kuya Rene, pero wala akong maintindihan. Malamang dahil sa kamay ko.
Ng mapansin niya wala sa sinasabi niya ang nakakarating saakin, tumahimik din siya at tinignan na lang ako ng masama.
“So, Jason, mag-kabati na pala kayo?” si Kuya Nestor din ay mukhang intersado na nandito si Bea.
“Sinong gustong makipag-bati sa isang pagano?”
“Tawagin mo pa ako ng ganiyan ng isang beses at susunugin na kita sa isang tukod.”
Si Kuya Arthur naman ay tinignan ako ng may pag-hanga, “Grabe pala itong si Jason…matinik…hindi lang tayo nakasama ng ilang araw nakikipaglapit na sa isang magandang binibini…”
“Guys may narinig akong sumigaw, anong nangyar—h-h-ha?!”
Bumaba na si Kuya Omar mula sa may upuan niya, at mukha pati siya nagulantang ng makita si Bea. Narinig ko si Bea na nagpakawala ng tahimik na ‘Haaay’ habang minamasahe ang noo.
“Ganoon ba talaga nakakagulat na nandito ako…?”
“Pag-pasensiyahan mo na sila, hindi sila masyado nakakakita ng mga babae.”
“B-Bastos ka Jason!” sigaw ni Kuya Omar.
“O-Oo nga!” habol ni Kuya Rene. “Lagi kaya naming nakikita si Miss Mylene!”
“Miss Mylene? Yung babae sa karinderia?” tumawa si Bea. “Grabe, Jason, tama ka nga.”
Ito ba ang paghihiganti na nilalasap ko? Sa wakas, sinagot rin ng Panginoon ang mga panalangin ko! Maraming salamat Bea!
Pero, kung tutuusin, ang dalawang babae rin naman na kilala ko ay si Bea at Mylene lang din. Dapat ba talaga akong maging mapag-pasalamat…?
“Di bale na,” Humarap si Bea sa kanila, “Nandito ako dahil rinig ko mayroong kayong problema, at nandito ako para tumulong, hindi tanungin ng mga walang kwentang bagay. Comprende?”
Tumango ang lahat. Pati si Kuya Arthur, na doble yata ang laki kay Bea, ay mukhang natatakot.
“Mahusay,” bulong ko sa kaniya.
Ngumiti naman si Bea, “Kailangan mo talaga maging mapamilit, lalo na sa mga makukulit na kustomer.”
Pwede mong sigawan yung kustomer sa call center…?
Nagtungo kaming dalawa sa may lababo. Mukhang naalog naman ang mga iba sa kanilang gulat at bumalik na kaagad sa trabaho nila. Nakangiti lang naman ang nanay ni Kuya Rene habang nangyayari ang lahat ng ito.
Nilabas ko ang aking mga kasangkapan sa maliit na grocery bag na dala ko. Isang kilong bigas, dahon ng pandan, at konting mga herbs. Simple lang, pero itong mga kasangkapan na ito lang ang kailangan ko para gumawa ng mahika.
Tumingin ako sa mga binili ni Bea na mga gamit. Napatawa ako sa nakita ko.
“…Ano problema mo?” tingin saakin ni Bea, naiinis sa aking tawa.
“Wala, wala naman…pero yoghurt? Mantikilya?! Sa kanin?! Nako, Bea, lahat yata ng panahon mo sa call center naprito na yang utak mo.” Ngumiti lamang si Bea sa mga sinabi ko. “Manood ka lang.”
At mula doon ay nagsimula na kami.
Nagtakal ako ng mga tatlong tasa ng kanin mula sa aking bigas. Dahil magluluto din si Bea ng kanin, hindi ko na kailangan gumawa ng ganoon ka rami. Dinala ko ang aking caldero sa may lababo at sinimulan banlawan ang bigas. Pinaga ko lamang ito ng dahan dahan. Gusto ko lamang matanggal ang mga dumi sa bigas. Pag masyado kasi nilinis ang bigas, mawawala ang lasa at nutrisyon nito. Ang gusto kong marating na punto ay yung kung saan ang tubig ay kasing linaw na ng isang batis.
Sinilip ko muna ang ginagawa ni Bea habang nililinis ko ang kanin ko. Kinuha niya ang mantikilya at ipinahid ito sa may loob ng kaldero. Ganoon din ang yoghurt. Tsaka niya nilagay ang bigas sa may loob ng kaldero. Kasabay ng tubig ay naglagay siya ng asin at paminta.
Parang medyo alam ko na ang gustong gawin ni Bea.
Ang mantikilya at yoghurt ay paraan upang madaling matangal ang tutong sa may kaldero. Isa din siyang paraan para hindi masunog kaagad ang kanin. Ang asin at paminta ay siyempre kaunting pampalasa. Ang gusto sigurong abutin na lasa ni Bea ay isang halo sa matamis, may konting lasa ng mani, at malasa na tipo na kanin.
Isang marangal na subok, Bea, pero ikaw ay papalya pa rin. Dahil mali ang pagkakita mo sa kanin.
Ang kanin ay hindi ang bida ng pelikula. Hindi siya ang lead na actor sa entablado. Hindi umiikot ang mundo sa kaniya.
Hindi, ang kanin ay parang ang sidekick na tumutulong sa may bayani upang mag-tagumpay laban sa kasamaan. Siya ang lalaking nasa likod ng kamera para makita ng lahat ang ginagawa ng artista. Hindi umiikot ang mundo sa kaniya, ang mundo umiikot dahil sa kaniya.
Magiging matamis ang pag-bagsak mo, Bea.
Sa wakas malinis na rin ang tubig ng bigas na ginagawa ko. Pagkatapos ko tanggalin ang madumi na tubig at palitan ng bagong malinis at malamig na tubig, nilagay ang pandan, inilagay ko ang kaldero sa may kalan, at binuksan ang apoy sa pinakamalakas na lebel.
Ang maganda sa kanin ay hindi mo siya kailangan bantayan basta tama ang pagkagawa niya. Kaya, habang hinihintay na kumulo ang sinasaing, pinuntahan ko si Bea.
“Musta naman pagluluto mo? Pwede na ba itapon?”
“Kung meron mang kanin na itatapon sa ating dalawa, yun ay yung sayo!”
“Hindi pwede yun, dahil malalaman na ng mga anghel na ako ang kumuha ng recipe nila!”
“Ang anghel lang na pupunta sa yo ay ang anghel ng kadiliman.”
“Anak?” rinig ko tinanong ng nanay ni Kuya Rene sa kaniya, “Lagi ba talagang nagaaway yang dalawang yan?”
“Hayaan niyo na sila, ma,” sabi ni Kuya Rene ng di man lang tumitingala, “Pareho lang talaga silang baliw.”
Sa wakas ay kumulo rin ang aking kanin. Tinangal ko ang takip at tinignan ang laman. Ah, naayon sa plano! Napaka-puti ng kanin, parang gatas, o kaya nama’y ulap. Tinakpan ko ito ulit at binabaan ang lakas ng apoy.
Naka-salang na rin ang kaldero ni Bea, at matiyaga niya itong inoobserbahan. Isa nanamang malalang kahinaan ng tutong. Mahirap din siyang gawin. Pag-mali ang oras ng pagluto, masusunog ang buong kanin at masisira ang lahat ng bigas na sinaing mo. Kaya mas maganda kung ang tutong ay aksidente lamang, para bang sorpresa na makikita mo sa dulo ng kaldero. At tulad ng lahat ng aksidente, dapat ito ay kinakalimutan na lamang.
Dahan-dahang napuno ang kuwarto ng amoy ng kanin. Tila ba lahat ng tao sa loob ng kusina ay napatigil sa ginagawa nila, at nilanghap ito ng isang saglit. Ito, mga kaibigan ang amoy ng langit!
…Na may halong amoy ng sunog na kanin. Ano ba naman yan kasi, Bea.
Pinatay ko ang apoy at binuksan ang kaldero. Nakatambad ang nakaputi at puro na kanin, na perpektong perpekto ang pagkaluto. Meron din siyang mga butas butas sa gitna, ang senyales ng napakagandang kalidad ng pagluto ng kanin. Kumuha ako ng plato para paglalagyan ng kanin. Tinanggal ko ang dahon ng pandan, at dahan dahang binuhos ang kanin sa plato. Sa inaasaan, walang kadiri na tutong na namuo, puro lamang na kanin.
Pagkabuhos ko ng lahat ng kanin, kinuha ko ang mga herbs at inilagay ito sa ibabaw. Ito’y hindi lamang pampadagdag ng lasa kung hindi pati ng kulay.
Sa mga oras kung saan tapos na ako mag disenyo ng plato ko, natapos rin ang pagkaluto ni Bea. Kumuha siya ng isang plato, at dahan dang binuhos ang kanin sa may isang banda. Sa kabilang banda naman, nilagay niya ang mga tostadong parte ng kanin. Ang amoy ay sobrang sarap, para bang amoy ng latin America. Kailangan ko bigyan ng konting parangal si Bea, napakagaling ang pagkakagawa ng kanin niya.
Ng makita ng mga kasama naming ang nagawa naming mga obra maestra, sila ay napa-‘wow’ at pumalakpak. Lumapit si Kuya Nestor at tinignan ang kanin naming dalawa.
“Seryoso, Jason,” sabi ni Kuya Nestor, “Ayaw mo talaga mag-kulinarya?”
“Naku, magiging sobrang tuwa ni Nina pagnakita niya ito!” sabi naman ng nanay ni Kuya Rene.
“Ito ang magiging best party na mararanasan niya!” sabi ni Kuya Rene, “At hindi ito magiging possible kung wala kayo, guys!”
“Tigil na drama, Rene,” sabi ni Kuya Omar, “Tawagin mo na lang at makakain na tayo!”
Pinosisiyon naming ang mga ulam at kanin sa may salas. Tumaas naman si Kuya Rene at ang nanay ng dahan dahan, at nag-hintay kami sa dilim.
Sa may bintana, unti-unting pumapasok ang liwanag ng araw na ngayon pa lang bumabangon. Sa ere ang amoy ng samu’t saring aroma ng mga pagkain. Lahat kaming natira ay nagtago sa likod ng supa. Nag-gitgitan ang mga katawan namin, para magkasya kami.
Sa kanan ko ay si Kuya Arthur, na ang mga kalamnan sa braso ay para bang mga bato. Agad kong naalala ang sarili kong mga braso na para bang walis tingting.
“Huy, usog, hindi ako kasya,” bulong ni Bea. Umusog naman ako, at gumitgit si Bea saakin. Kabaligtaran ng braso ni Kuya Arthur ang braso ni Bea. Sobrang lambot nito at sobrang kinis.
Pero bago pa ako maka-iling, narinig naming ang dahan dahang pagbaba ng hagdanan ng tatlong pares ng mga paa.
“Ang aga masyado kuya…ano meron…” isang boses na di pamilyar ang narinig kong bumababa. Ito na ang birthday celebrant.
Pag-kababa niya ay binuksan niya ang ilaw. Ito na ang hudyat!
Pag-kabukas na pagka-bukas, tumalon kami mula sa likod ng supa. “Happy Birthday!”
Si Nina, na mukhang pito o walong taong gulang pa lamang ay nagulat sa amin. “Wah! Birthday ko na ba?!”
Tinignan niya ang relos para i-konpirma. “Oo nga, oo nga, birthday ko na talaga! Yehey!”
“Anak,” sabi ng nanay ni Kuya Rene, “Ito ang mga kaibigan ni Kuya Rene. Alam mo ba, sila ang naghanda ng lahat ng ito?”
“Wow!” sabi ni Nina. “Ang dami naman!”
“Alam mo ba? Nagising sila ng sobrang aga para lang maluto lahat ng yan para sa yo!”
“Maraming, maraming, maraming salamat! Kuya! Ate!”
Napangiti na lang kaming lahat at napatawa. Mukhang lahat ng pagpapagod naming ay nagkahalaga rin sa huli.
At mula doon ay nagsimula na ang kainan.
Nagpasahan pasahan ng mga plato, at pumila na ang lahat. Siyempre si Nina ay agn birthday girl, kaya siya ang pinaka-una.
“Nanay,” tanong ni Nina, mukhang nagtataka, “Bakit dalawa ang kanin natin?”
“Ah, si Kuya Jason at Ate Bea mo nagluto niyan. Rinig kasi nila na mahilig ka sa kanin, kaya nag-luto sila ng dalawang klase.”
“Wow! Oo nga, oo nga, sobrang hilig ko sa kanin!” Tumingin siya sa akin at ngumiti.
…Cute…
“So, Nina, anong gusto mong kunin na kanin? Itong malambot, luto yan ni Kuya Jason mo, at yung matutong naman ay yung kay Ate Bea.”
…!
Ito na ba ang panahon para sa desisyon? Tinignan ko si Bea, at mukhang parehas rin ang iniisip namin. Tumango kami, at hinintay ang sagot ni Nina.
“Hmm…” nag-isip ng malalim si Nina, “Gusto ko silang tikman pareho! Luto kasi ni Kuya Jason at Ate Bea ito para sa akin!”
Nakita kong ngumiti si Bea. “Ang bait mo namang bata…”
Dahan dahan ding umusog ang pila, at sa wakas na puno ko rin ang plato ko ng samu’t saring ulam. Spagheti, hotdog, at siyempre, ang bida ng gabi, ang luto kong kanin! Kahit na pagod na pagod na ako, di ko mapipigilang tikman itong luto ko! Ngayon, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-hanap ng upuan…
“Psst…” may narinig akong tumawag saakin, pag-ka talikod ko, nakita kong sumesenyas saakin si Bea. Nakaupo siya sa may supa, katabi si Nina.
Pag-lapit ko naman ay pinakilala ako ni Bea. “Ah, Nina? Ito naman si Kuya Jason mo, siya yung nagluto nitong kanin na to, na mabasa basa at mukhang hilaw pa.”
Ah, Bea? Yan ang talagang itsura ng kanin. Ang delikado ay yung mukhang sunog, tila ba yung niluto mo?
“Hello, Kuya Jason! At hindi po yan hilaw Ate Bea, ganyan lang po talaga itsura niya.”
Tumingin ako kay Bea at bumelat. Kala mo ah.
Umupo ako sa tabi ni Nina at nilapag ang plato sa may la mesa. “Nasorpresa ka naman sa ginawa namin, Nina?”
“Opo! Nakalimutan ko nga po na birthday ko po ngayon eh!”
“Ilang taon ka na ba, Nina?”
“Six po!”
“Six? Grabe ang bata mo pa pala…” Ano nga ba ginagawa ko ng six ako?
Naalala ko tuloy ang itsura ni mama at papa, at di ko alam kung bakit, pero bigla ko nagustuhang umuwi...
“Natikman mo na baa ng mga luto namin?” naalis ako sa mga iniisip ko ng tinanong ni Bea si Nina.
“Hindi pa eh…”
Nagka-tinginan kami ni Bea. Ito na talaga ang pagtatapos. Kung ano man ang sagot, siya ang panalo ng gabing ito. Kaya sige na, Nina, ano ang mas masarap na kanin?!
“Kung sabagay, yun naman talaga ang sasabihin ng isang bata eh…” sabi ni Bea. Kailangan ko sumangayon sa kaniyang sinabi.
Nasa labas kaming pareho ni Bea, umiinom ng soft drinks, at pinakikinabangan ang malamig na simoy ng hangin ngayong umaga.
Kanina ay pinatikim naming kay Nina upang sino Manalo. Ang resulta ay…
“Grabe! Ang sarap nilang pareho, Kuya Jason, Ate Bea! Ito na siguro ang mga pinaka­-masarap na kanin na natikman ko! Ito na nga ata ang best birthday ever!”
“Alam mo naman Bea na sinabi lang ni Nina yun kanina para di ka mapahiya, diba?”
“Edi bakit niya dinura yung kanin mo nung hindi ka nakatingin?”
“Tumahimik ka na nga lang diyan.”
Tinignan ko ang araw habang umaangat sa malayo. At nung panahon na iyon, nakita ko nanaman ang dalampasigan sa may bayan namin…at paano ko pinapanood ang pag-angat ng araw kasama si—
“Hoy,” nawala nanaman ako sa iniisip ko, dahil kay Bea. “Yan nanaman yung mukha mo eh.”
“Wala na tayong mag-gagawa, pinanganak na guwapo, mananatiling gwapo.”
“Hindi yun, loko,” sinabi niya at siya’y umupo sa aking tabi.
“Ang lapit mo…”
“Paki ko?”
Putik naman, Bea, kahit na demonyita ka, babae ka pa rin! Alamin mo mga hangganan mo!
“So,” sabi ni Bea bago pa man ako makasalita, “Ano naalala mo?”
Paano…
“W-Wala akong inaalala.”
“Hmm? Ang mga sinungaling pumupunta sa impyerno. Kung sabagay, didiretso ka naman talaga doon eh, kaya wah mo na lang alahanin sinabi ko. Mag sinungaling ka lang ng magsinungaling.”
Nakasulat na talagang pupunta ako sa impyerno…?
“Pero,” sabi ko, “Paano mo nalaman may inaalala ako?”
“Gumagawa ka ng kadiring mukha eh. Parang pag tinitikman mo yung sarili mong kanin?”
“Hindi ako gumagawa ng mukha pag-kumakain ng kanin, dahil nag-hihiwalay ang aking espiritu at lumipad ito sa ere sa sobrang galak.”
“…Weirdo.”
“Bayaan mo na. Wala ka namang kinalaman sa inaalala ko eh.”
“Kung sabagay…”
Nanatili kaming naka-upo doon, tahimik lamang, habang inuubos an gaming mga soft drinks.
“Mauuna na ba tayo?” tanong ni Bea. Tumango ako at sabay kaming pumasok sa loob.
Nagpaalam kami sa mga Kuya at kay Nina. Ang huli akong nag-paalam ay sa nanay ni Kuya Rene.
“Mag-ingat kayo sa biyahe, ah?”
“Opo, wala pong problema.”
“Atsaka, iho?”
“Po?”
“Wag mo na siyang pakawalan ah?” sabi niya, sabay kindat.
…Anong ibig-sabihin non?
“Hoy, lika na, gusto mo ba ma-iwanan?” rinig kong sigaw ni Bea mula sa pintuan.
“Teka, saglit lang,” sagot ko. Nagpasalamat ako muli sa nanay nila Kuya Rene, at tumakbo papunta sa may kusina. Kinuha ko ang natitirang bigas at ang mga iba kong pamilihin mula sa lababo, at tumungo na sa may pintuan para samahan si Bea.
Sabay kaming nag-lakad, walang sinasabi. Sobrang antok ko na rin, kaya di ko alam kung may masasagot pa ba ako pag-nag usap kami.
“Ah,” humarap ako kay Bea ng makita ko ang pamilyar na berdeng sign post. “Hanggang dito na lang ako.”
“Diyan ka ba nakatira?”
“Hindi, hindi, may bibistahin pa ako bago ako umuwi. Kaya mo na ba mag-isa?”
Tumango si Bea, kaya tumalikod na ako at kumaway.
“Sige…kita na lang tayo bukas.”
“Teka…”
Pinigilan ako ni Bea bago pa ako makalayo. Humarap ako muli sa kaniya. “Bakit? May problema ba?”
Ng una ay wala siyang sinasabi, at nakatingin lamang sa lupa, habang niyayakap ang sarili. Sa wakas ay huminga siya ng malalim. Tinaas niya ang ulo niya at tinignan ako diretso sa mga mata.
“Pag meron mang umaabala diyan sa isip mo, wag mong kalimutan na may mga kaibigan ka na nakapaligid sayo. Tandaan mo yan.”
“Ha? Pinagsasabi mo diyan?”
Wala muling sinabi si Bea. Pero, makalipas ng ilang saglit, sumagot na naman siya. “Wala naman. Baka sakali lang.”
“…Ok? Weirdo…”
At muli akong tumingin pa layo sa kaniya.
Ano meron doon sa babaeng iyon…?
<<<-Previous Chapter Next Chapter->>>
submitted by hiraryakun to Kwaderno [link] [comments]


2017.02.13 11:02 hiraryakun Kanin Kronicles! - Chapter 4

Kanin Kronicles!

Kwentong Kanin uKol sa Kapamilya, Kaibigan, at Kung anu-ano pang KaloKohan!

CHAPTER 4

Ang bayan ng Santelma ay matatagpuan isang oras mula sa dalampasigan. Itong dating maliit na bayan na ito ay dahan dahan na nagiging isang developed na siyudad. At siyempre sa lahat ng lumalaking mga siyudad, kasama na diyan ang malaking demanda sa mga trabahador, tulad ko.
‘Little Manila’. Yan na ang bagong palayaw ng dating maliit na Santelma. At tulad ng kaniyang kapatid, maraming namana ang bayan na ito.
Isa na diyan ang walang hiyang, mala-impiyernong init pag-sapit ng tanghali. Lagi namang mainit ang tanghali sa Pilipinas, pero may ginagawa talaga itong mga nag-lalakihang mga gusali na ginagawang isang piyesta ng pawis ang buong lugar.
Pangalawa, dahan dahang humihirap na ang pag-tingala at pag-tingin sa bitwin. Di pa naman ako nakakapunta sa Maynila, pero ang kwento ay ang buwan na lang ang makikita mo sa langit. Di pa naman ganoon kalala ang sitwasyon dito, pero ang gabing langit ay di na kasing liwanag tulad ng saamin sa aming munting isla.
…Parang napapadalas ang isip ko sa isla kamakailan ah.
Ngunit! Kahit na maraming katangian ang bayan na similar sa kaniyang kuya Maynila, meron pa ring ilang mga bagay na made in Santelma lang.
Tuwing sasapit ng gabi, ang malalakas na simoy ng hangin ay dinadala ang lamig ng dagat mula sa dalampasigan hanggang dito.
Kaya di lang nasusunog na impiyerno sa tanghali ang Santelma; pag dating rin ng gabi nagyeyelo naman siya na impiyerno!
Nangangatog na ang aking ngipin sa lamig ng buong lugar. Parang gusto ko magtatalon at humiyaw, para mainit-initan naman ang diwa ko. Pero ang mga saradong bintana’t ilaw ay sinasabing masamang ideya iyon.
Alas 3 i-medya na, limang gabi bago makabalik muli sa karinderia. O kanin…ikaw lamang ang kayang gawing langit itong nagniyeniyebeng sakim! Maawa ka at bigyan muli ako ng pag-iinit, na biniyaya mo saakin sa loob ng dalawang masasayang taon!
Pero walang sinabi ang kanin. Muling umihip ang hangin, at muntik na ako madapa sa lakas ng alog ng tuhod ko.
Kinagat ko na lamang ang aking ngipin, at tinuloy ang paglalakad.Ang tanging bagay lamang na nagbibigay ng liwanag ay ang buwan sa taas at ang kahel na ilaw ng mga bagong poste ng kuryente. Ang daan ay diretso, at pag-dating sa kaliwa, ang maghihintay saakin ay salbasyon…
O kaya naman, tulad ng tumatambad saakin ngayon, isang malaking kahihiyan.
Dito dapat ang hulihulihang lokasyon, ang huling pag-asa ko! Nabisita ko na ang lahat ng alam kung mga karinderia sa lugar, at ito na lang ang natitira.
Pero, tulad din ng kagabi, isang parehas at mapait na resulta: sarado. Bakit ba kasi di nalang minana ng walang kwentang bayang ito ang 24/7 na mga kainan?! Pero, hindi. Tulad nga ng inaakala ko, ang kainan lang talaga ni Mylene ang kayang manatiling bukas ng ganoon ka tagal.
Edi ano na ngayon? Napaupo ako sa may bangketa at napakamot ng ulo. Kasalanan kasi ito ng demonyitang babaeng yun eh, ano ba ka—
Muling bumigat ang backpack sa aking likuran. Ang huling bagay na gusto kong gawin pag-labas ng construction site ay mag-buhat ng kung ano man, kaya na-pikon ako ng pinaalala saakin nitong bag ang kaniyang presensya.
Oo na, oo na, iisip pa ako ng plano…
Sinubukang kong isipin ang itsura ng demonyita muli. Ponytail, mahabang eyelashes, rosy cheeks…pero ano ang silbi ng ganda kung purong basura--!
Sige na sige na. Pagano siya, alam na natin yan. Ang kailangan natin ay clue kung saan…
Muli akong bumalik sa pag-iisip. High heels, pencil skirt, white long sleeve. Tradisyonal na uniporme ng isang call center agent. Earphones, blazer…blazer? Meron bang ibang naka-blazer nung gabi na iyon?
Hindi, siya lang. Pinili niyang mag-suot ng blazer kasi…baka hindi siya sanay sa lamig. Baka bago lamang siya. Naalala ko pa ang mga una kong gabi dito sa Santelma…teka, focus!
Baka kaya din siya pumunta sa karinderia, para mag-painit. Baka din naghanap rin siya ng ibang karinderia, ngunit walang nahanap. Kaya ngayon…
Kung ako ay isang demonyita, saan ako pupunta?
May isang kainan na pumasok sa klase ng hinahanap ko.
Isang maiksi lang na lakad mula sa may call center, at makakarating ka na sa isang mamihan. Ang lugar ay mas tahimik kaysa doon sa may karinderia, pero madami-dami din ang mga tao na kumakain dito. Ang buong lugar ay naiilawan lamang ng dalawang gasera. Ang nagluluto ng mami ay isang matandang intsik, na paminsan-minsan ay hinahalo ang mangkok na puno ng mami at nilalagyan ng pampalasa.
Humingi ako ng isang bowl ng mami mula sa may matanda. Dahan dahan siya kumuha ng isang lalagyan at nilagyan ito ng mami. Inabot niya ito saakin ng umaalog ang mga kamay. Nang kinuha ko na ang bowl sa kaniyang kamay, muli siyang bumalik sa pag-halo at paglagay ng pampalasa sa timpla.
Kumuha ako ng chopsticks at kutsara. Ang una kong tinikman ay ang sabaw. Tinapat ko pa lamang ang kutsara sa mukha ko ay nararamdaman ko na ang init. Inihipan ko muna ito bago lamunin. Mmm…Agad na uminit ang aking tiyan at looban. Ang lasa niya ay mayaman at maalat, pero may maliit ako na hinala na chicken cube lang ang gamit nila dito.
Sunod ko namang tinikman ang noodles. Mataba naman ito, at dumidikit ang lasa ng sabaw sa bawat tali. Madali siyang higupin, at masarap nguyain.
Hindi rin nagtagal at naubos ko rin ang buong bowl. Masarap na at swak para sa butas ang bulsa, pero siyempre mas gugustuhin ko pa mag-kanin. Pero, masasabi ko lang, nag-init ang aking sikmura na di tulad ng nagagawa ng kanin pa saakin.
Nang maubos ko na ang mami, tinignan ko ang aking mga paligid. Wala ng ibang ilaw na nangagaling sa mga bahay. Ang tangi lamang liwanag ay nanggaling sa mga gasera at sa may poste ng ilaw. Wala rin masyadong ingay. Ang mga kasama kong kumain na mula call center ay tahimik din sa pag-kuwenntuhan nila. Ayaw yata nila masira ang tahimik na paligid.
Dapat nandito na siya banda ngayon.
“B-B-Bakit ka nandito, ha?!”
Ba, magandang timing.
Tumalikod ako at nakaharap ko ang isang pamilyar na mukha. “Bakit parang, ang putla mo Bea? Nakakita k aba ng multo?”
“Putik, wag mo nga ibahin ang usapan! Anong ginagawa mo dito, ha?!”
“Nagugutom ako eh.”
“Paano mo alam na dito ako kakain?! Stalker ka ba?!”
“Hindi ko alam, na tripan ko lang talaga mag-mami.”
Siyempre, hindi naman talaga totoo yun, pero pag nalaman niya talagang sinadya ko ang pagpunta dito, baka mas lalong magka-problema kami.
Mukhang di parin buong nagtitiwala sa akin si Bea, pero nagpatuloy na siya at lumakad papunta sa may matanda. “Isang mami nga ho.”
Inabutan siya ng lolo ng isang bowl, at dahan dahan naman itong kinuha ni Bea. Kumuha siya ng may paminta at nilagyan niya ito. Pagkatapos ng maiksing panalangin ay nag-simula na siyang kumain. Hindi ko mapiglan kung hindi panoorin siya at obserbahan. Nakasuot siya ng itim na palda, at stockings, ang normal na office na uniporme. Ang kaniyang buhok ay naka-tali sa isang ponytail, para hindi makagulo yung buhok sa may mga iba’t ibang mga wire. Ang mukha niya’y puti at makinis pa rin, pero dahil yata sa init ng mami ay nagiging mapula ang pisngi niya.
Dahil sa mga pangyayari noong gabi na iyon, na kalimutan ko na sobrang ganda nga pala nito ni Bea. Pati ang mga pisngi ko namumula na rin.
“Anong tinitignan tignan mo diyan, ha?” Di ko na namalayan na kinakausap na pala ako ni Bea.
“H-Ha?”
Ginulong niya ang kaniyang mga mata at bumalik sa kaniyang kinakain.
“Weirdo.”
Natapos rin siyang kumain makalipas ang ilang minuto. Tinabi niya ang maliit na bowl at humarap siya sa akin. “O, ano na?”
“Ha?”
“Alam naman nating dalawa na sinadya mo yung pagpunta dito. May kailangan ka saakin diba? Bilisan mo na lang at gusto ko na matulog.”
Diretso sa punto, ano?
Tumango ako at inalabas ang gamit na nakuha ko mula sa bahay ni Kuya Omar. Nang makita ni Bea ito, ang una ay napataas siya ng kilay, tapos mukhang nalito.
“Ano yan?”
“Isang cloth bag.”
“Alam ko kung ano yun, engot. Ang tanong ko ay kung ano yung laman ng bag?”
“Edi tignan mo.”
Itinapon ko sa kaniya ang bag at sinalo niya naman ito. Mukha pa rin siyang naghihinala.
“…Baka kung anong laman nito ah. Malakas ako sumigaw, sige ka.”
“Hindi ako ganong klaseng tao. Buksan mo na lang.”
Nang una ay nag-aalangan pa siya. Hinila niya ang cord na nagsasara nito ng dahan dahan. Mga ilang Segundo rin ang nakalipas bago niya ito mabuksan ng tuluyan.
“…Bigas?”
Hawak hawak niya sa kaniyang mga kamay ang mga putting perlas na nilalaman ng bag.
“Galing Thailand yan. Isa sa pinaka-mahal na klase.”
“Mukha nga,” sinabi niya, habang tinitignan niya ang bawat butil. “Medyo mas maputi siya, at may konting halo rin ng bulaklak…”
Napangiti ako sa mga sinabi niya. Tama nga ang hinala ko!
Tinignan ako ni Bea at binigyan ako ng itsurang nandidiri. “Bakit ka ngumingiti ng ganyan? Ang weirdo mo talaga…”
“Nung panahon kasi na nag-away tayo doon sa karinderia, napaisip ako. Kung normal lang kasi na babae, aalis na siguro siya, o tatawag ng pulis. Pero lumaban ka saakin. Hindi ko alam kung bakit, pero ngayon alam ko na.”
Mukhang alam ni Bea kung ano sasabihin ko dahil bigla siya napatigil sa paghinga. Ningitian ko siya, at sinabi, “Paborito mo ring pagkain ang kanin, ano?”
Mga taong nilawanagan sa kung ano ba talaga ang kanin. Ang nakikita ang kagandahan at karangyaan ng palay. Na ang kanin ay buhay, ang kanin ay pag-ibig.
Tahimik lamang si Bea. Hanggang sa tumingin palayo si Bea, namumula ang mga pisngi sa pagka-hiya. “…Di mo na kailangan sabihin saakin.”
Haha! Tama nga ako, tagumpay!
“Pero,” itiniuro muli ni Bea ang cloth bag na binigay ko, “Ano naman to?”
“Bigas.”
“Wag mo kong pinipilosopo, kung hindi talagang makakatikim ka!”
“Oo na, oo na,” mukhang totoo talaga yung banta niya, kaya ipinaliwanag ko na lang. “Nagtratrabaho ka sa call center, diba?”
“Ay, hindiii.”
“Kala ko ba ayaw mo ng pilosopo, ha? Pero, ito kasing bag na ito, may dahilan kung bakit mahal siya. Yang kasing klase ng bigas na yan ay ginagamit bilang panggamot. Kaya, pwede mo siyang gawing stress reliever! Himayin himayin mo na lang na parang stress ball.”
Tinignan lamang ni Bea ang bag sa buong oras na nagpapaliwanag ako. “…Kung gusto ko mag-himay ng bigas, bibili na lang ako ng isang kilo sa may tindahan.”
“Walang anuman, rin.”
“Pero…” hindi pa rin umalis ang titig niya sa may mga bigas, “Bakit?”
“Hindi pa ba halata? Peace offering ko yan.”
Sa wakas ay tumingala na ulit siya at tinignan ako. “Peace offering.”
“Yeah. Pasensya na sa nangyari nung isang araw. Madamdamin talaga ako pagdating sa kanin, pero hindi yun dahilan sa mga aksyon ko. Pasensya.”
Tinignan niya lang ako, at hindi niya inalisa ang titig niya saakin. Para bang hindi ako makahinga, o kaya nama’y makawala. Nalulunod ako sa kaniyang mga mata. Tumingin na ako palayo, ang mukha ko mainit.
Ang gabi ngayon ay malamig, ngunit, bakit ang init ng dibdib ko?
“Ganoon ba…” itinapon tapon niya ang bag sa may ere, bago niya ito itinago sa may handbag niya. “Sige…salamat.”
“Uy, uy, uy, nakakalimutan mo ata may utang ka rin sa aking pasensiya, no?”
“Alam ko, alam ko, ano ba naman tong lalaking ito, nakakainis…”
Di ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko na mas malapit na kaming dalawa ng kaunti, kahit kaunti lang.
“Ah, oo nga pala, Bea…may isa pang bagay na kailangan ako ibigay.”
Inabot ko ulit ang aking knapsack at nilabas ang nilalaman nitong whiteboard at marker. Nakita kong nagtaas ang mga kilay ni Bea. Pinakita ko sa kaniya ang whiteboard, at mula sa pagkalito ay nagpalit ang itsura niya sa galit.
“…Ano nanaman ba ang kalokohan na ito?”
“Anong kalokohan? Purong katotohanan lamang ang nakikita mo!”
“’Limang Paraan Kung Bakit Superiyora Ang Kanin Sa Tutong’?!”
“Ikaw kasi, Bea, ay may maging potensyal! Nakikita mo na ang bigas ang supremo pag dating sa lahat ng pagkain, pero may isa ka lang pag-kukulang! Mahal mo pa rin ang tutong, ang isang nakakababa na uri ng kanin! Kailangan mo magbago kung gusto mo maging kagaya ko!”
“Mas gusto ko lang talaga ang tutong, pwede ba? At isa pa, sinong gusto mo maging katulad mo?!”
“May pinaparating ka ba?!”
“Oo, baliw!”
“Demonyita!”
At sa isang idlap lamang, nabasag ang katahimikan ng gabi, at isa isang nag-bukas ang mga ilaw.
<<<-Previous Chapter Next Chapter->>>
submitted by hiraryakun to Kwaderno [link] [comments]


2016.02.06 19:47 Quadrapolar Wake up!!

Isang umaga na sabik kang makita.. ginising ako ng liwanag na mula sa bintana.. tila kapareho kong nag aabang ng panibagong talata.. para bang naghihintay din sa pag asa..
Bumangon, gumayak at natapos pumorma.. maayus na ba, magugustuhan kaya nya.. bakit ba di mapakali sa aking itsura.. bahala na basta't mahalaga ay masilayan ka..
Sa pagdating sa tagpuan makita ka'y sulit na.. habang ikaw naroon at pansamantalang abala.. pinagmamasdan kita at kung gaanu ka kaligaya.. ang puso ko'y napapanatag sa twing ganyan ka..
Nang natapos ay umupo kana.. ako'y nagulat at natulala.. meron ka palang ibang kasama.. bakit, papaano, at sinu sya? Kay daming tanong kay daming pagdududang nagpahina.. anu na ang susunod kong talata..
Siguro nga ito na ang panahon.. ang pinakamahirap kong desisyon.. ang maging isang kaibigan sa habang panahon.. kahit sa puso ko'y hangad ang higit pa ron.
Simula palang alam ko naman.. na samahan ay hanggang ganito lang.. pero bakit ba puso ay hinayaan.. lumubog sa pag asang di naman pagbibigyan..
Sana di nalang nakilala.. sana di nalang nakaramdam ng kahit konting ligaya.. sana hindi nalang ako pinaasa ng tadhana.. at di naniwala sa pagmamahal na walang kinikilala..
Habambuhay ko nalang bang dadalin ang sakit.. ganito nalang ba at mata ko'y lagyan nalang ng takip.. para kahit kailan ay di nalang umibig.. hihiga na lang at pipikit.. ang buhay ko lang naman ay isang saglit.. at baka sa kabilang buhay ay wala ng pasakit..
submitted by Quadrapolar to Kwaderno [link] [comments]


2015.12.10 02:39 Daisona29 Hikbing Pagsinta

Hikbing Pagsinta ni Daison, Ainah S.
NAKATOON ANg isipan ni Mayra sa puting tela na nakasabit sa geyt ng malaking bahay na katapat ng kanilang bahay, marami ang taong nagsisidatingan. Ang bawat isa ay may iba’t ibang ginagawa. Ang iba ay may siryosong usapan habang may mga nagserserb ng pagkain sa mga bagong dating. Nakita niya sa isang sulok si Mrs. Sauda na umiiyak habang may mga kausap. Biglang sumikip ang kanyang dibdib at parang hindi siya makahinga sa biglang sakit na kanyang naramdaman. Kaya upang maibsan ng panandalian ang biglang pagdating ng hapdi at sakit na kanyang naramdaman pagkakita kay Mrs.Sauda minabuti niyang tumingin sa ibang dako, habang pagtingin niya sa kalsada nahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na sasakyan. Hilux kulay white at nagsiunahang malaglag ang kanyang mga luha. Akala niya wala na siyang iluluha pa sa nagdaang mga araw halos oras-oras siyang umiiyak. Tinitigan niya ang sasakyan at sa wari niya’y nakikita niya ang imahe ng isang taong malapit sa kanyang puso na alam niyang hindi na makikita kailanpaman si Warith “Nakilala ko si Warith habang nasa kolehiyo kami dito sa Paaralang Unibersidad sa Mindanao. Magkatapat pa ang aming bahay kaya’t sa tuwing umuuwi akong galing sa paaralan ay nagkakasabay kami sa kalsada sa tuwing uwian, ngayong kolehiyo lang kami nagkakilala dahil bagong lipat kami sa bahay na katapat ng bahay nila. Mas lalo ko pa siyang nakilala ng masinsinan sapagkat minsan siya’y nagkukuwento tungkol sa buhay niya at sa pamilya niya.” Pagkaraan ng iilang linggo ng kanilang pagkakakilala ay agad-agad magtatapat ng nararamdaman si Warith kay Mayra na may gusto siya sa kanya dahil nakitaan niya ito ng kagandahang loob at siya’y puno ng kaligayahan para kay Warith kung sakaling may pagkakataon siya na sagutin ito. Kaya’t hindi mapakali si Mayra na nagtapat na sa kanya si Warith nang pauwi na sila sa kani-kanilang bahay. Pinag-isipan na ni Mayra ang mga narinig niyang pahapyaw ni Warith sa kanya kung sasagutin ba niya o hindi? dahil natatakot siya baka malaman ng kanyang ama na nakipagrelasyon na siya dahil yan ang inuunang habilin sa kanya ng kanyang ama. Minabuti niyang pag-isipan ito kaya’t nakapagdesisyon na siya na hindi magkakamali na sagutin si Warith na nangagaling sa kanyang puso at kinayanan na ni Mayra ang sagot sa puso niya na sasagutin niya. Nang dahil sa mga pagsasamo sa kanya ni Warith ay napasagot niya si Mayra. Ngunit sila lang mismong dalawa ang nakakaalam na may relasyon sila, ngunit si Warith ay hindi man lang niya nilihim sa ina niya na may pinupusuan siyang babae, datapwa’t hiningi ni Warith sa ina na huwag ipapaalam sa kahit kanino baka malaman ng ama ni Mayra na napaka strikto sa kanya pagdating sa mga ganito. 
“Huwag kang mag-alala hindi ko ito ipapaalam basta ikaw anak ko, para din sa ikakabuti mo, pero ang huwag mong pababayaan ay ang pag-aaral mo.”sabi ni Sauda “Opo ma, hindi ko po kayo bibiguin pagdating po sa aking pag-aaral.” Sabi ni Warith Nag-iisang anak ni Mrs.Sauda si Warith kaya’t lahat na kagustuhan ng anak ay binibigay niya ng matiwasay, siya’y mapagmahal at higit sa lahat matiyaga sa mga gawain at lalong lalo na sa kanyang ina na sumasaludo siya sa kanya dahil pinalaki siya ng maayos na maypagkamaginoo at marespeto. Isang taon lang ay magtatapos na siya sa kolehiyo na kumukuha ng kursong Social Work. Tapos ang kanyang sikretong kasintahan na si Mayra ay parehas din silang magtatapos ngunit sila’y magkaiba ng kursong kinukuha si Mayra ay sa College of Law. Palihim na may relasyon parin ang dalawa, palaging sila ang magkasama sa School. Naging taga hatid sundo ni Mayra si Warith, sa sobrang ipinapakita ni Warith ang tunay na pagmamahal niya kay Mayra. “ kailanman hindi niya pinaramdam saakin ang puwede kong ikagalit minsan, ngunit siya’y mapagmatyag saaking pusong hindi man lang pinaluha kundi palaging pinapasaya sa tuwing magkasama kaming dalawa sa hirap man at ginhawa, ganyan talaga kaalaga saakin si Warith.” Bulong sa sarili ni Mayra Sa kinabukasan ng umaga ay dumating ang kanilang mga kamag-anak na nanggaling sa Maynila upang manatili muna sa tito ni Warith sa kabilang barangay na iyon. Napansin ni Warith ang kanyang 2nd cousin na naging kababata niya noon ngunit sila’y hindi medyong close ngayon dahil marami ng taon ang nakakalipas bago pa nila maalala ang mga nilalaro nila noong bata pa sila. Simula magaapat taong gulang na si Naila ay doon na sila namuhay ng kanyang mga magulang sa Maynila. Ngunit siya’y may konting hiyang nararamdan kay Warith. Sila’y nagkatamaan ng tingin sa di inaakala ni Naila na kakausapin niya ito, kaya’t sila’y nag-usap. Habang silay nag-uusap ay parang hindi masyadong nakakapagsalita ng maayos si Naila sa harap harapan ni Warith, parang nabubulol siya sa pagkakarinig niya sa kanyang mga boses. Nang sila’y matapos nang mag-usap ay inihatid siya ni Warith sa bahay ng tito niya. Parang may kakaibang naramdaman si Naila sa unang pagkikita lamang nila ng kanyang hindi masyadong kababata na si Warith. Sadyang may konting pagtingin na si Naila kay Warith na hindi niya maipaliwanag ng maayos sa kanyang sarili. Ngunit hindi siya nagpatalo sa mga hiya-hiya, nanginginig na boses pag silay nag-uusap ni Warith, kaya’t nang mga ikatatlong lingo na sila sa bayan nila Warith. Kaya’t siyay parating pumupunta sa bahay nila Warith upang kumustahin ito ngunit wala siya sa bahay sa tuwing siya’y pumupunta doon dahil pumapasok sa School si Warith. Pero ang nadadatnan lang niya doon ay ang nanay ni Warith na asawa ng pinsan ng tatay niya. Sila’y nagkakatuwaang nag-uusap tungkol sa maraming taong nakakalipas, subalit hindi na naghinayang pang sabihin ni Naila na siya’y nakapagtapos pala ng kursong BS-Management sa Maynila.“Napagpalanuhan na namin ng aking mga magulang na dito na kami titira para mas malapit na kami sa aming mga kamag-anak na hindi pa namin nakikita tulad ninyo Mrs.Sauda. kaya’t dito na rin ako magtatrabaho.”Nang patapos na ang kanilang pag-uusap ay umuwi na si Naila at paglabas lamang niya sa geyt nina Warith ay nakita niya ito na pa smile smile pa ang mukha at may halong flying kiss pa sa kapitbahay. Dali-dali siyang humanay sa kaliwang bahay nina Warith upang takbuhan ang nakitang may nililigawan na palang babae si Warith. “Ang masaklap pa doon ay kapitbahay lang nila at may posibilidad na palagi silang magkasama sa tuwing sila’y pumapasok sa paaralan, kung sakaling makikipagmabutihan ako kay Warith ay baka ikahiya pa niya ako dahil 2nd cousin ko siya na ako pa yung may gusto sa kanya.” Pabulong sa sarili Nang papauwi na si Naila ay napaisip siya ng malalim upang mapasakanya si Warith na baka pakasalan niya ang babaeng iyon, dahil nasabi sa kanya ni Mrs.Sauda na makapagtapos man ng pag-aaral si Warith ay ibibigay ang lahat sakanya ng ina niya kung ano man ang tamang desisyon niya sa buhay. Sobrang nalungkot si Naila nang malaman niya na may minamahal na pa lang iba ang 2nd cousin na agad niyang pinupusuan, ngunit siya’y hindi parin nawalan ng pag-asa na ipaglaban ang pagtingin niya kay Warith. Muli na siyang pumunta sa bahay nina Warith upang kumuha ng tunay na detalye kay Mrs. Sauda, para tuklasin ang totoong may minamahal siyang babaeng katapat ng bahay nila. Nang siya’y nakarating na sa bahay nina Warith, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa upang itanong ito sa nanay ni Warith. “O, eha bakit napaaga ka yata?” “ Dumaan lang ako dito, papasok na rin po ako ng opisina.” “Ah, ganun ba?, magkape ka muna.” “Salamat na lang po Ante, May itatanong lang po ako sa inyo?” “Anu pala yun eha?” “Ante si Warith po ba eh, may pinupusuan ba siya?” “Eha, bakit mo naman yan naitanong?” “Wala lang po Ante, kasi po nakita ko si Warith na may kinakaway siyang babae na with all smile pa.” “Asan mo siya nakita?” “Diba po pumunta ako dito nung isang araw tapos po paglabas ko nakita ko si Warith sa labas ng bahay na may kinakaway at may kasama pang pa flying kiss sa kapitbahay.” “Eha alam mo kasi na ako lang ang nakakaalam sa relasyon nina Warith at Mayra, kasi baka daw malaman ng magulang ni Mayra na may karelasyon siya sa kahit kaninong lalaki ay papagalitan siya ng kanyang ama. “Ah Ante ganun po ba?” “Oo, ako lang ang pinagsabihan ng aking anak na huwag kung ipaalam sa iba hanggat hindi pa sila nakakapagtapos ng pag-aaral. At Alamo napaka istrikto ang ama ni Mayra sa kanya.” “Oo nga naman Ante, o sige po papasok na ako sa opisina.” “O sige!! baka malate ka pa niyan, dahil nakipag tsekahan ka pa saakin.” “Okey lang po iyon Ante, sige bye po.” Pumasok na si Naila sa kanyang opisina, kaso ang palaging nasa isip niya ay si Warith. Sobra niyang naibsan sa kanyang isipan ang nagtatangis na pusong palagi niyang inaaalintana sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan na may mahal na pa lang iba ang kanyang 2nd cousin na dali-dali niyang minahal ng mahigpit.
Pagkaraan ng isang taon ay nagtapos na ng kolehiyo si Warith bilang Social Work. Magkasabay silang naggraduate ni Mayra. Kaya’t hindi parin nagtatapat si Warith sa pamilya ni Mayra na siya ang gusto niyang mapangasawa. Hanggat sa sila’y nakakuha ng sariling trabaho ay napag-isipan o napagplanuhan na ni Warith na sabihin sa mga magulang ni Mayra na mamanhikan o manoksam sa anak. Nagka-usap sila ng magulang ni Mayra ngunit may konti siyang hindi nila napagkasunduan ng ama ng babae. Ang sabi sakanya ng ama ni Mayra ay “hindi pa sa panahon ngayon ang takdang pagpapakasal ninyo. Makakapaghintay ka ba ng ilan taon bago kayo magpakasal ng anak ko?” nakasang-ayon din naman si Warith sa mga sinabi ng ama ng kanyang sinisintang tapat. “ sabi pa ng magulang ni Mayra ay hindi puwedeng magkita kayo sa loob ng ilang buwan o taon na bago ko ipapaubaya ang anak namin sayo.” Hindi mapakali si Warith sa mga narinig na naman niya galing sa mga magulang ni Mayra. Dahil sobra talagang mahigpit sila sa kanilang anak. Sila’y nagkalayo ng saglit sapagkat si Mayra ay na promote siya sa Maynila na siya ang naatasang bilang Assistant ng Judges of lower court na ayusin ang kaso ng isang tao na wala namang kasalanan sa mga binibintang sa kanya. Natapos na ang kanyang trabaho sa madaling araw. Kaya’t siya’y nakipagkwentuhan mo na sa bagong katrabaho at may isa siyang nakilala na Attorney din, siya ay si Hassim na medyo palabiro sa mga kasama. Sila’y nagkakwentuhan tungkol sa buhay at saan sila nakatira, kaya’t si Hassim pala ay taga Mindanao rin, sinabi na rin ni Mayra kung saan siya nakatira sa Mindanao. “Kaya’t sabi ni Hassim ay malapit lang daw ang kanilang tinitirhan dahil lahat sila taga Del Sur.” Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na si Mayra at ang sabi ni Hassim “ay magkikita rin tayo muli!!” Dumaan ng tatlong araw ay dumating na si Mayra sa Mindanao ngunit ang sumalubong sakanya ay ang kanyang ama at nakita lamang ni Mayra si Warith na sakay-sakay niya ang white Hilux niya pero hindi man niya ito pinansin man lang dahil may kasunduan sila ng kanyang ama, hanggang sa matapos ang kondisyong itinakda ng ama, ngunit gusto na talaga niyang makitang muli si Warith kahit sa durungawan lamang ng kanilang bintana sa bahay dahil magkatapat lang naman sila. Masayang-masaya ang umaga ni Warith dahil malapit nang matapos ang kondisyon ng tatay sa kanya ni Mayra. Kaya’t ang ina ni Warith ay pinaalam na niya sa mga magulang ni Naila ang malapit na kasalan ng anak niyang si Warith kay Mayra, nang marinig ni Naila ang mga katagang lumalabas sa bibig ni Mrs. Sauda ay gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal nilang dalawa. Si Naila rin ay nag-iisang anak ni Mrs at Mr.Salic na hindi rin nilang nakikitang malungkot ang anak nila kaya’t nakipagtulungan si Naila sa kanyang mga magulang na huwag ipapakasal si Warith.” Ang gusto ko lang ay mapasaakin si Warith dahil hindi ko siya bibitawan kailanman kahit anong mangyari.” Sabi ni Naila
“Ngunit anak tinuturing ka lang ni Warith bing 2nd cousin, bakit mo pa sinisiksik ang sarili mo sa kanya?” sabi ng ina ni Naila “Basta Ma, kahit anong sabihin man ng ibang tao dyan wala akong pakialam.” tugon ni Naila “Hindi man yun anak, baka magsisisi ka lang sa huli.” “Basta Ma, tulunagan ninyo akong magsabi sa mga magulang ni Mayra, na huwag nilang ipapakasal sa anak nila kay Warith.” “Paano mo sasabihin eh, mahal na ni Mayra si Warith.” “Ako ang bahala Ma, basta’t nasa likod niyo lang ako ni papa.” “O, sige anak susuportahn ka namin, para sa ikasasaya mo.” “Salamat ma at pa.” Ang mag-anak na Salic ay pumunta silang palihim sa bahay nina Mayra upang sirain sa kanila si Warith. Para hindi na magustuhang muli ng magulang nina Mayra si Warith. Ang nadatnan nila sa bahay ay ang ama ni Mayra ngunit wala si Mayra dahil nasa trabaho. “Ano ang paglilingkod ko sainyo Mr. at Mrs. Salic?” sabi ng ama ni Mayra. “Diba po malapit ninyong ipapakasal ang anak ninyo kay Warith?” sabi ni Naila “Ganun na nga at bakit?” “Parang nag-aalinlangan pa yata kayo? sa ganun po huwag na ninyong ipakasal ang anak ninyo kay Warith dahil hindi niyo lang alam kung ano ang pag-uugali ng Warith na iyon.” sabi ni Naila “Ah, ano pala nag ugali niya, masama bang anak?” “Oo, ganun na nga! Hindi man niyo nakikita sa panlabas ngunit sa panloob ay sobrang napakasama niya.”tugon ni Naila Ang nasabi lang ng ama ni Mayra ay “ hindi pa pala gaganda ang buhay ng aking anak baka maging miserable pa ang buhay ng aking anak sa kamay ni Warith.” Kaya’t ng marinig iyan ni Naila ay sobrang napapalundang sa saya dahil nasigurado nila na hindi talaga papayag ang ama ni Mayra dahil alam nilang napakastrikto ito sa kanyang anak, kailangan siya ang nasusunod sa lahat.
May napapansin si Warith na parang may isang lalaki na bumibisita sa bahay nina Mayra. Ang lalaking iyon ay ang naka-usap ni Mayra sa Maynila na si Attorney Hassim. Kaya’t hindi na niya pinatagal pang kausapin muli ang ama ni Mayra ngunit siya’y parang pinagsabihan ng ama ni Mayra “ sa ngayon hindi ako tutol sa kasalan ninyong dalawa dahil sa pagkakaalam ko ay hindi gaganda ang buhay sayo ng anak ko.” Kaya’t nagdududa si Warith kung bakit ang daling mag-iba ang desisyon ng ama ni Mayra. Nang marinig niya ang mga salitang iyon ay sobrang nadurog ang puso niya dahil naghintay siya at sinunod pa niya ang kondisyon nila tapos wala palang kuwenta iyon. Wala na silang nagawa kundi ang masusunod ay ang kanilang mga magulang lalong lalo na ang ama ni Mayra na dapat niya itong sundin sa lahat na sabihin sa kanya nito. Naging sunud-sunuran siya sa kanyang ama. Patuloy parin ang pagbibisita sa kanila ni Hassim. Hindi parin mapakali si Mayra sa mga narinig sa ama na hindi rin pala maitutuloy ang pinagkasunduang kasalan ng dalawa. “Napagdesisyonan ko na si Hassim na lang ang ipapakasal ko na lang kay Mayra dahil alam ko na gaganda ang buhay ng anak ko sapagkat pareho pa kayong Abogado.” Hindi makapaniwala si Mayra dahil wala rin naman siyang pagtingin kay Hassim kundi kaibigan lamang ang turing niya dito. Palibhasa, ang lalaki din ito ay may palihim pa lang nararamdaman kay Mayra kaya pala siya’y parating pumupunta sa bahay nila upang umakyat din pala ng ligaw kay Mayra na dinadaan pala nito sa ama kaya’t walang kaalam-alam pala si Mayra sa mga usap-usapan nila pag bumibisita si Hassim sa kanila. Makalipas ng ilang araw na kagagaling lang sa mga nakuhang sermon o pagmamaliit ng ama ni Mayra kay Warith ay biglang nabalitaan lamang nila na engage na si Mayra kay Hassim at magpapakasal na sila sa darating ng ikalawang buwan. Nakaramdam ng matinding pagseselos si Warith sa mga nabalitaan gusto niyang mapag-isa man lang sa nangyayari sa pag-ibig nila ni Mayra, siya’y hindi na pumapasok sa trabaho kundi ang inatupag niya ay tumambay doon sa kanto na kasama ang mga nag-iinuman doon at siya’y nakipagsaluhan sa kanila na walang kaalam-alam ang mga magulang nito. Umuuwi siyang hatinggabi na amoy alak ang buong damit niya. Kaya’t hindi siya napapagsabihan ng ina dahil siya’y nagagalit na nagmumura kung bakit hindi siya pinayagan ng ama ni Mayra. Patuloy parin siyang ganyan ang parati niyang ginagawa sa buhay niya na noong nag-aaral siya ay hindi niya ito gawain na mag-inom. Nang sa ganung panyayari ay gumagawa na rin ng paraan ang magulang nina Naila upang makuha ang loob ni Warith na mahalin niya si Naila gaya ng pagmamahal niya kay Mayra ngunit hindi parin ito magbabago ang pagmamahal niya sa una niyang sinisinta. Kaya’t ginagabayan siya ni Naila upang makuha ang pagmamahal niya. Ang sabi sa kanya ni Naila na “kalimutan mo na si Mayra dahil may asawa na siya at sila’y nagsasama ng matiwasay. Kaya’t huwag kang mag-alala nandito lang ako. Huwag mong sirain ang buhay mo sa paraan ng iyong pagbibisyo dahil hindi yan ang magpapawala sayo ng problema.” Kaya’t inaayos na rin ng mga magulang ni Naila ang kasal nilang dalawa dahil nagkausap na silang magkakamag-anak na sila na lang dapat ipakasal upang hindi na tuluyang masira ang buhay ni Warith sabi ng ina ni Naila. Pagkaraan ng ilang buwan ay ikinasal silang dalawa ngunit hidi parin maganda ang kalagayan ni Warith dahil ang naiisip lamang niya ay si Mayra. Kahit kasal na sila ay hindi parin nilang makontrol si Warith dahil hindi siya palaging natutulog sa bahay nina Naila kundi upang daan-daanan ni Warith sa tapat ng bahay nila si Mayra na sakay-sakay niya ang kanyang white Hilux Car na nakaparking sa labas ng bahay nina Mayra. Sapagkat alam niya na wala doon ang asawa ni Mayra na si Hassim dahil na assign na naman siya sa Maynila kaya’t ang tao lang sa bahay nina Mayra ay siya lang at ang kanyang isang anak. Ngunit siya’y sobrang naaawa sa ginagawa ni Warith kaya’t pinapayagan niyang tumuloy sa tahanan nila ngunit hindi aabot ng iilang oras baka daw ano pa ang sabihin ng makakita sa kanila. Parang nanunumbalik ang kanyang katinuan dahil sa pagwelcome sa kanya ni Mayra na wala naman silang gingawang malisya. Nang papalapit nang umuwi ang asawa na galing sa Maynila ay pinagsabihan niya na “ huwag ka ng makipagkita ulit saakin baka pagbantaan ka pa ng asawa ko.” Kaya’t napailing na lang si Warith at nasasaktan naman ang puso niya sa mga narinig niya kay Mayra. Ang naging epektong pagmamahal niya kay Mayra ay tuluyan na siyang nalulong sa mga bisyo. Dito na niya binuhos ang mga masasamang saloobin niya na hindi man niya nakuha ang buong pagmamahal niya kay Mayra. Siya’y umuuwing lasing na lasing na naman, ngunit hindi ito alam ni Naila dahil nagpaubaya na siya sa kaugalian ni Warith na hindi man niya makontrol. Kaya’t hindi parin naranasan ni Naila ang gusto niyang pagmamahal sa kanya ni Warith, ngunit hindi parin kinayanan ni Warith na mahalin ito dahil tinuturing lamang niya itong 2nd cousin. Kaya’t hindi masisisi ni Naila ang sarili sapagkat siya ang gumawa ng paraan para mapakasal siya kay Warith. Biglang nabalitaan lamang nila na dinala sa Ospital si Warith dahil matindi ang epektong dulot sa kanyang katawan ang paggamit niya ng mga kung anu-anong bisyo na sa pagkakaalam niya ay pampawala ng problema, ngunit ang naging bunga nito ay nakaramdam ng malubhang sakit dahil sobrang tumalab o dumanas sa kanyang buong katawan kaya’t ang bukang bibig lamang niya ay si love niya na si Mayra. Dahil yan ang tawagan nila nung nasa kolehiyo pa sila ngunit sila lang ang nakakaalam nito at ang ina ni Warith. “Ma, asan si love? papuntahin ninyo saakin…” mahina ang pagkasabi ni Warith. “Hindi siya makakapunta, kasi andun yung asawa niya.” Nawawalan nang pag-asa si Warith. Parang hindi na siya nakakapagsalita ng maayos sa labis na paghihintay kay love niya ngunit hindi parin dumarating. Kaya’t may nakapagsabi kay Mayra na siya lamang ang hinahanap ni Warith sa Ospital, parang nakaramdam siya ng pagka-awa kay Warith na parang napapaluha at siya’y nakita ng asawang si Hassim. Sa oras na ito ay papaalis na naman si Hassim upang pumunta ng Maynila, napatanong si Hassim kay Mayra kung bakit siya umiiyak. “May bakit ka umiiyak? Parang ngayon lang kita nakitang umiiyak na papaalis ako.” sabi ni Hassim “Wala lang namimis lang kita.” tugon ni Mayra “Ikaw talaga asawa ko, ngayon ka umiyak na tatlong araw lang ako doon, kumpara noong last three months na isang lingo ako doon na hindi kita nakitang umiyak.” “Kasi palagi kang pumupunta doon.” “Ikaw talaga May, mahal mo nga ako ng sobraa, oh! Siya punta na ako doon baka hindi ko pa maabutan ang flight ko.” “O sige, ingat ka! Ipatengka o Allah.” Hindi pinahalata ni Mayra na siya’y labis na naawa sa kalagayan ngayon ng kanyang dating kasintahan na labis silang pinaghiwalay ng tadhana dahil sa kagustuhan ng ama ni Mayra. Patuloy parin siyang umiiyak, nang papalayo na ng biyahe si Hassim ay dali-dali siyang pumunta sa Ospital. Ngunit pagdating na niya ay hindi na masyadong nakakapagsalita ng maayos si Warith dahil nawalan na siya ng lakas at unti-unti na ring lumalabo ang kanyang paningin. Napatingin si Warith sa kanyang harapan na may umiiyak na babae at hindi nagkakamali dahil nabosesan niya si Mayra, “ Love andaka miyaribon? tanto aken seka a dipnayawn.” Pabulong na sabi niya kay Mayra. Patuloy paring nag-iiyakan ang pamilya ni Warith. Nang ilang oras na pag-uusap nila ni Mayra ay nawawalan na ng hininga si Warith kaya’t ikinamatay niya dahil hindi niya kinayanan ang sobrang pananakit ng buong katawan niya dahilan sa mga pagbibisyo niya gaya ng pag-inom ng matatapang na alak at paggamit ng marihuana para pampawala ng problema dahil hindi matanggap sa puso niya ang hindi nila pagkakatuluyan ngunit naging bunga ito ng hindi na muling magkikita pang muli nila ni Mayra. Sa ganung pangyayari ay sobrang nagluluksa si Mayra sa nangyari sa kanyang dating kasintahan na patuloy pa rin pala niyang minamahal ngunit hindi man niya naipaglaban noon sa kanyang ama na mabuting tao si Warith. Nalaman na rin nila na ang may kagagawan pala sa hindi pagkakatuluyan ng kasal nila noon ay si Naila. Kaya’t hindi-hindi mapapatawad ng ina ni Warith ang kagagawan ng 2nd cousin niya na si Naila noon. “ kung bakit nangyari ito sa kaisa-isa kong anak na hindi ko gusto ang nangyari sa kanya ngayon.” sabi ni Mrs. Sauda. Patuloy paring umiiyak si Mrs. Sauda. Maraming nagsisidatingang mga kamag-anak nila sa bahay nina Mrs. Sauda upang gabayan ito. Sila’y nagserve ng konting pagkain para sa mga bisita at nilagyan ng puting tela ang kanilang geyt na sumisimbolang may namatay sa bahay na ito, iyon ay si Warith na kasintahan dati ni Mayra. Siya’y nakadungaw sa bintana na minamasdan ang pag-iyak ng mga pamilya ni Warith at lalong lalo na ang ina na nananaghoy ng lubos ang kanyang puso dahil sa pagkawala ng kanyang nag-iisang anak. Napapaluha na rin si Mayra sa kalagayan ng pamilya ng kanyang dating kasintahan na nakadungaw sa tapat ng malaking bahay nina Warith.
.……........WAKAS…………….
submitted by Daisona29 to readmywattystory [link] [comments]


2015.12.10 02:27 Daisona29 Hikbing Pagsinta

Hikbing Pagsinta 
ni Daison, Ainah S.
NAKATOON ANg isipan ni Mayra sa puting tela na nakasabit sa geyt ng malaking bahay na katapat ng kanilang bahay, marami ang taong nagsisidatingan. Ang bawat isa ay may iba’t ibang ginagawa. Ang iba ay may siryosong usapan habang may mga nagserserb ng pagkain sa mga bagong dating. Nakita niya sa isang sulok si Mrs. Sauda na umiiyak habang may mga kausap. Biglang sumikip ang kanyang dibdib at parang hindi siya makahinga sa biglang sakit na kanyang naramdaman. Kaya upang maibsan ng panandalian ang biglang pagdating ng hapdi at sakit na kanyang naramdaman pagkakita kay Mrs.Sauda minabuti niyang tumingin sa ibang dako, habang pagtingin niya sa kalsada nahagip ng kanyang mga mata ang pamilyar na sasakyan. Hilux kulay white at nagsiunahang malaglag ang kanyang mga luha. Akala niya wala na siyang iluluha pa sa nagdaang mga araw halos oras-oras siyang umiiyak. Tinitigan niya ang sasakyan at sa wari niya’y nakikita niya ang imahe ng isang taong malapit sa kanyang puso na alam niyang hindi na makikita kailanpaman si Warith “Nakilala ko si Warith habang nasa kolehiyo kami dito sa Paaralang Unibersidad sa Mindanao. Magkatapat pa ang aming bahay kaya’t sa tuwing umuuwi akong galing sa paaralan ay nagkakasabay kami sa kalsada sa tuwing uwian, ngayong kolehiyo lang kami nagkakilala dahil bagong lipat kami sa bahay na katapat ng bahay nila. Mas lalo ko pa siyang nakilala ng masinsinan sapagkat minsan siya’y nagkukuwento tungkol sa buhay niya at sa pamilya niya.” Pagkaraan ng iilang linggo ng kanilang pagkakakilala ay agad-agad magtatapat ng nararamdaman si Warith kay Mayra na may gusto siya sa kanya dahil nakitaan niya ito ng kagandahang loob at siya’y puno ng kaligayahan para kay Warith kung sakaling may pagkakataon siya na sagutin ito. Kaya’t hindi mapakali si Mayra na nagtapat na sa kanya si Warith nang pauwi na sila sa kani-kanilang bahay. Pinag-isipan na ni Mayra ang mga narinig niyang pahapyaw ni Warith sa kanya kung sasagutin ba niya o hindi? dahil natatakot siya baka malaman ng kanyang ama na nakipagrelasyon na siya dahil yan ang inuunang habilin sa kanya ng kanyang ama. Minabuti niyang pag-isipan ito kaya’t nakapagdesisyon na siya na hindi magkakamali na sagutin si Warith na nangagaling sa kanyang puso at kinayanan na ni Mayra ang sagot sa puso niya na sasagutin niya. Nang dahil sa mga pagsasamo sa kanya ni Warith ay napasagot niya si Mayra. Ngunit sila lang mismong dalawa ang nakakaalam na may relasyon sila, ngunit si Warith ay hindi man lang niya nilihim sa ina niya na may pinupusuan siyang babae, datapwa’t hiningi ni Warith sa ina na huwag ipapaalam sa kahit kanino baka malaman ng ama ni Mayra na napaka strikto sa kanya pagdating sa mga ganito. 
“Huwag kang mag-alala hindi ko ito ipapaalam basta ikaw anak ko, para din sa ikakabuti mo, pero ang huwag mong pababayaan ay ang pag-aaral mo.”sabi ni Sauda “Opo ma, hindi ko po kayo bibiguin pagdating po sa aking pag-aaral.” Sabi ni Warith Nag-iisang anak ni Mrs.Sauda si Warith kaya’t lahat na kagustuhan ng anak ay binibigay niya ng matiwasay, siya’y mapagmahal at higit sa lahat matiyaga sa mga gawain at lalong lalo na sa kanyang ina na sumasaludo siya sa kanya dahil pinalaki siya ng maayos na maypagkamaginoo at marespeto. Isang taon lang ay magtatapos na siya sa kolehiyo na kumukuha ng kursong Social Work. Tapos ang kanyang sikretong kasintahan na si Mayra ay parehas din silang magtatapos ngunit sila’y magkaiba ng kursong kinukuha si Mayra ay sa College of Law. Palihim na may relasyon parin ang dalawa, palaging sila ang magkasama sa School. Naging taga hatid sundo ni Mayra si Warith, sa sobrang ipinapakita ni Warith ang tunay na pagmamahal niya kay Mayra. “ kailanman hindi niya pinaramdam saakin ang puwede kong ikagalit minsan, ngunit siya’y mapagmatyag saaking pusong hindi man lang pinaluha kundi palaging pinapasaya sa tuwing magkasama kaming dalawa sa hirap man at ginhawa, ganyan talaga kaalaga saakin si Warith.” Bulong sa sarili ni Mayra Sa kinabukasan ng umaga ay dumating ang kanilang mga kamag-anak na nanggaling sa Maynila upang manatili muna sa tito ni Warith sa kabilang barangay na iyon. Napansin ni Warith ang kanyang 2nd cousin na naging kababata niya noon ngunit sila’y hindi medyong close ngayon dahil marami ng taon ang nakakalipas bago pa nila maalala ang mga nilalaro nila noong bata pa sila. Simula magaapat taong gulang na si Naila ay doon na sila namuhay ng kanyang mga magulang sa Maynila. Ngunit siya’y may konting hiyang nararamdan kay Warith. Sila’y nagkatamaan ng tingin sa di inaakala ni Naila na kakausapin niya ito, kaya’t sila’y nag-usap. Habang silay nag-uusap ay parang hindi masyadong nakakapagsalita ng maayos si Naila sa harap harapan ni Warith, parang nabubulol siya sa pagkakarinig niya sa kanyang mga boses. Nang sila’y matapos nang mag-usap ay inihatid siya ni Warith sa bahay ng tito niya. Parang may kakaibang naramdaman si Naila sa unang pagkikita lamang nila ng kanyang hindi masyadong kababata na si Warith. Sadyang may konting pagtingin na si Naila kay Warith na hindi niya maipaliwanag ng maayos sa kanyang sarili. Ngunit hindi siya nagpatalo sa mga hiya-hiya, nanginginig na boses pag silay nag-uusap ni Warith, kaya’t nang mga ikatatlong lingo na sila sa bayan nila Warith. Kaya’t siyay parating pumupunta sa bahay nila Warith upang kumustahin ito ngunit wala siya sa bahay sa tuwing siya’y pumupunta doon dahil pumapasok sa School si Warith. Pero ang nadadatnan lang niya doon ay ang nanay ni Warith na asawa ng pinsan ng tatay niya. Sila’y nagkakatuwaang nag-uusap tungkol sa maraming taong nakakalipas, subalit hindi na naghinayang pang sabihin ni Naila na siya’y nakapagtapos pala ng kursong BS-Management sa Maynila.“Napagpalanuhan na namin ng aking mga magulang na dito na kami titira para mas malapit na kami sa aming mga kamag-anak na hindi pa namin nakikita tulad ninyo Mrs.Sauda. kaya’t dito na rin ako magtatrabaho.”Nang patapos na ang kanilang pag-uusap ay umuwi na si Naila at paglabas lamang niya sa geyt nina Warith ay nakita niya ito na pa smile smile pa ang mukha at may halong flying kiss pa sa kapitbahay. Dali-dali siyang humanay sa kaliwang bahay nina Warith upang takbuhan ang nakitang may nililigawan na palang babae si Warith. “Ang masaklap pa doon ay kapitbahay lang nila at may posibilidad na palagi silang magkasama sa tuwing sila’y pumapasok sa paaralan, kung sakaling makikipagmabutihan ako kay Warith ay baka ikahiya pa niya ako dahil 2nd cousin ko siya na ako pa yung may gusto sa kanya.” Pabulong sa sarili Nang papauwi na si Naila ay napaisip siya ng malalim upang mapasakanya si Warith na baka pakasalan niya ang babaeng iyon, dahil nasabi sa kanya ni Mrs.Sauda na makapagtapos man ng pag-aaral si Warith ay ibibigay ang lahat sakanya ng ina niya kung ano man ang tamang desisyon niya sa buhay. Sobrang nalungkot si Naila nang malaman niya na may minamahal na pa lang iba ang 2nd cousin na agad niyang pinupusuan, ngunit siya’y hindi parin nawalan ng pag-asa na ipaglaban ang pagtingin niya kay Warith. Muli na siyang pumunta sa bahay nina Warith upang kumuha ng tunay na detalye kay Mrs. Sauda, para tuklasin ang totoong may minamahal siyang babaeng katapat ng bahay nila. Nang siya’y nakarating na sa bahay nina Warith, hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa upang itanong ito sa nanay ni Warith. “O, eha bakit napaaga ka yata?” “ Dumaan lang ako dito, papasok na rin po ako ng opisina.” “Ah, ganun ba?, magkape ka muna.” “Salamat na lang po Ante, May itatanong lang po ako sa inyo?” “Anu pala yun eha?” “Ante si Warith po ba eh, may pinupusuan ba siya?” “Eha, bakit mo naman yan naitanong?” “Wala lang po Ante, kasi po nakita ko si Warith na may kinakaway siyang babae na with all smile pa.” “Asan mo siya nakita?” “Diba po pumunta ako dito nung isang araw tapos po paglabas ko nakita ko si Warith sa labas ng bahay na may kinakaway at may kasama pang pa flying kiss sa kapitbahay.” “Eha alam mo kasi na ako lang ang nakakaalam sa relasyon nina Warith at Mayra, kasi baka daw malaman ng magulang ni Mayra na may karelasyon siya sa kahit kaninong lalaki ay papagalitan siya ng kanyang ama. “Ah Ante ganun po ba?” “Oo, ako lang ang pinagsabihan ng aking anak na huwag kung ipaalam sa iba hanggat hindi pa sila nakakapagtapos ng pag-aaral. At Alamo napaka istrikto ang ama ni Mayra sa kanya.” “Oo nga naman Ante, o sige po papasok na ako sa opisina.” “O sige!! baka malate ka pa niyan, dahil nakipag tsekahan ka pa saakin.” “Okey lang po iyon Ante, sige bye po.” Pumasok na si Naila sa kanyang opisina, kaso ang palaging nasa isip niya ay si Warith. Sobra niyang naibsan sa kanyang isipan ang nagtatangis na pusong palagi niyang inaaalintana sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan na may mahal na pa lang iba ang kanyang 2nd cousin na dali-dali niyang minahal ng mahigpit.
Pagkaraan ng isang taon ay nagtapos na ng kolehiyo si Warith bilang Social Work. Magkasabay silang naggraduate ni Mayra. Kaya’t hindi parin nagtatapat si Warith sa pamilya ni Mayra na siya ang gusto niyang mapangasawa. Hanggat sa sila’y nakakuha ng sariling trabaho ay napag-isipan o napagplanuhan na ni Warith na sabihin sa mga magulang ni Mayra na mamanhikan o manoksam sa anak. Nagka-usap sila ng magulang ni Mayra ngunit may konti siyang hindi nila napagkasunduan ng ama ng babae. Ang sabi sakanya ng ama ni Mayra ay “hindi pa sa panahon ngayon ang takdang pagpapakasal ninyo. Makakapaghintay ka ba ng ilan taon bago kayo magpakasal ng anak ko?” nakasang-ayon din naman si Warith sa mga sinabi ng ama ng kanyang sinisintang tapat. “ sabi pa ng magulang ni Mayra ay hindi puwedeng magkita kayo sa loob ng ilang buwan o taon na bago ko ipapaubaya ang anak namin sayo.” Hindi mapakali si Warith sa mga narinig na naman niya galing sa mga magulang ni Mayra. Dahil sobra talagang mahigpit sila sa kanilang anak. Sila’y nagkalayo ng saglit sapagkat si Mayra ay na promote siya sa Maynila na siya ang naatasang bilang Assistant ng Judges of lower court na ayusin ang kaso ng isang tao na wala namang kasalanan sa mga binibintang sa kanya. Natapos na ang kanyang trabaho sa madaling araw. Kaya’t siya’y nakipagkwentuhan mo na sa bagong katrabaho at may isa siyang nakilala na Attorney din, siya ay si Hassim na medyo palabiro sa mga kasama. Sila’y nagkakwentuhan tungkol sa buhay at saan sila nakatira, kaya’t si Hassim pala ay taga Mindanao rin, sinabi na rin ni Mayra kung saan siya nakatira sa Mindanao. “Kaya’t sabi ni Hassim ay malapit lang daw ang kanilang tinitirhan dahil lahat sila taga Del Sur.” Pagkatapos nilang mag-usap ay nagpaalam na si Mayra at ang sabi ni Hassim “ay magkikita rin tayo muli!!” Dumaan ng tatlong araw ay dumating na si Mayra sa Mindanao ngunit ang sumalubong sakanya ay ang kanyang ama at nakita lamang ni Mayra si Warith na sakay-sakay niya ang white Hilux niya pero hindi man niya ito pinansin man lang dahil may kasunduan sila ng kanyang ama, hanggang sa matapos ang kondisyong itinakda ng ama, ngunit gusto na talaga niyang makitang muli si Warith kahit sa durungawan lamang ng kanilang bintana sa bahay dahil magkatapat lang naman sila. Masayang-masaya ang umaga ni Warith dahil malapit nang matapos ang kondisyon ng tatay sa kanya ni Mayra. Kaya’t ang ina ni Warith ay pinaalam na niya sa mga magulang ni Naila ang malapit na kasalan ng anak niyang si Warith kay Mayra, nang marinig ni Naila ang mga katagang lumalabas sa bibig ni Mrs. Sauda ay gumawa ng paraan para hindi matuloy ang kasal nilang dalawa. Si Naila rin ay nag-iisang anak ni Mrs at Mr.Salic na hindi rin nilang nakikitang malungkot ang anak nila kaya’t nakipagtulungan si Naila sa kanyang mga magulang na huwag ipapakasal si Warith.” Ang gusto ko lang ay mapasaakin si Warith dahil hindi ko siya bibitawan kailanman kahit anong mangyari.” Sabi ni Naila
“Ngunit anak tinuturing ka lang ni Warith bing 2nd cousin, bakit mo pa sinisiksik ang sarili mo sa kanya?” sabi ng ina ni Naila “Basta Ma, kahit anong sabihin man ng ibang tao dyan wala akong pakialam.” tugon ni Naila “Hindi man yun anak, baka magsisisi ka lang sa huli.” “Basta Ma, tulunagan ninyo akong magsabi sa mga magulang ni Mayra, na huwag nilang ipapakasal sa anak nila kay Warith.” “Paano mo sasabihin eh, mahal na ni Mayra si Warith.” “Ako ang bahala Ma, basta’t nasa likod niyo lang ako ni papa.” “O, sige anak susuportahn ka namin, para sa ikasasaya mo.” “Salamat ma at pa.” Ang mag-anak na Salic ay pumunta silang palihim sa bahay nina Mayra upang sirain sa kanila si Warith. Para hindi na magustuhang muli ng magulang nina Mayra si Warith. Ang nadatnan nila sa bahay ay ang ama ni Mayra ngunit wala si Mayra dahil nasa trabaho. “Ano ang paglilingkod ko sainyo Mr. at Mrs. Salic?” sabi ng ama ni Mayra. “Diba po malapit ninyong ipapakasal ang anak ninyo kay Warith?” sabi ni Naila “Ganun na nga at bakit?” “Parang nag-aalinlangan pa yata kayo? sa ganun po huwag na ninyong ipakasal ang anak ninyo kay Warith dahil hindi niyo lang alam kung ano ang pag-uugali ng Warith na iyon.” sabi ni Naila “Ah, ano pala nag ugali niya, masama bang anak?” “Oo, ganun na nga! Hindi man niyo nakikita sa panlabas ngunit sa panloob ay sobrang napakasama niya.”tugon ni Naila Ang nasabi lang ng ama ni Mayra ay “ hindi pa pala gaganda ang buhay ng aking anak baka maging miserable pa ang buhay ng aking anak sa kamay ni Warith.” Kaya’t ng marinig iyan ni Naila ay sobrang napapalundang sa saya dahil nasigurado nila na hindi talaga papayag ang ama ni Mayra dahil alam nilang napakastrikto ito sa kanyang anak, kailangan siya ang nasusunod sa lahat.
May napapansin si Warith na parang may isang lalaki na bumibisita sa bahay nina Mayra. Ang lalaking iyon ay ang naka-usap ni Mayra sa Maynila na si Attorney Hassim. Kaya’t hindi na niya pinatagal pang kausapin muli ang ama ni Mayra ngunit siya’y parang pinagsabihan ng ama ni Mayra “ sa ngayon hindi ako tutol sa kasalan ninyong dalawa dahil sa pagkakaalam ko ay hindi gaganda ang buhay sayo ng anak ko.” Kaya’t nagdududa si Warith kung bakit ang daling mag-iba ang desisyon ng ama ni Mayra. Nang marinig niya ang mga salitang iyon ay sobrang nadurog ang puso niya dahil naghintay siya at sinunod pa niya ang kondisyon nila tapos wala palang kuwenta iyon. Wala na silang nagawa kundi ang masusunod ay ang kanilang mga magulang lalong lalo na ang ama ni Mayra na dapat niya itong sundin sa lahat na sabihin sa kanya nito. Naging sunud-sunuran siya sa kanyang ama. Patuloy parin ang pagbibisita sa kanila ni Hassim. Hindi parin mapakali si Mayra sa mga narinig sa ama na hindi rin pala maitutuloy ang pinagkasunduang kasalan ng dalawa. “Napagdesisyonan ko na si Hassim na lang ang ipapakasal ko na lang kay Mayra dahil alam ko na gaganda ang buhay ng anak ko sapagkat pareho pa kayong Abogado.” Hindi makapaniwala si Mayra dahil wala rin naman siyang pagtingin kay Hassim kundi kaibigan lamang ang turing niya dito. Palibhasa, ang lalaki din ito ay may palihim pa lang nararamdaman kay Mayra kaya pala siya’y parating pumupunta sa bahay nila upang umakyat din pala ng ligaw kay Mayra na dinadaan pala nito sa ama kaya’t walang kaalam-alam pala si Mayra sa mga usap-usapan nila pag bumibisita si Hassim sa kanila. Makalipas ng ilang araw na kagagaling lang sa mga nakuhang sermon o pagmamaliit ng ama ni Mayra kay Warith ay biglang nabalitaan lamang nila na engage na si Mayra kay Hassim at magpapakasal na sila sa darating ng ikalawang buwan. Nakaramdam ng matinding pagseselos si Warith sa mga nabalitaan gusto niyang mapag-isa man lang sa nangyayari sa pag-ibig nila ni Mayra, siya’y hindi na pumapasok sa trabaho kundi ang inatupag niya ay tumambay doon sa kanto na kasama ang mga nag-iinuman doon at siya’y nakipagsaluhan sa kanila na walang kaalam-alam ang mga magulang nito. Umuuwi siyang hatinggabi na amoy alak ang buong damit niya. Kaya’t hindi siya napapagsabihan ng ina dahil siya’y nagagalit na nagmumura kung bakit hindi siya pinayagan ng ama ni Mayra. Patuloy parin siyang ganyan ang parati niyang ginagawa sa buhay niya na noong nag-aaral siya ay hindi niya ito gawain na mag-inom. Nang sa ganung panyayari ay gumagawa na rin ng paraan ang magulang nina Naila upang makuha ang loob ni Warith na mahalin niya si Naila gaya ng pagmamahal niya kay Mayra ngunit hindi parin ito magbabago ang pagmamahal niya sa una niyang sinisinta. Kaya’t ginagabayan siya ni Naila upang makuha ang pagmamahal niya. Ang sabi sa kanya ni Naila na “kalimutan mo na si Mayra dahil may asawa na siya at sila’y nagsasama ng matiwasay. Kaya’t huwag kang mag-alala nandito lang ako. Huwag mong sirain ang buhay mo sa paraan ng iyong pagbibisyo dahil hindi yan ang magpapawala sayo ng problema.” Kaya’t inaayos na rin ng mga magulang ni Naila ang kasal nilang dalawa dahil nagkausap na silang magkakamag-anak na sila na lang dapat ipakasal upang hindi na tuluyang masira ang buhay ni Warith sabi ng ina ni Naila. Pagkaraan ng ilang buwan ay ikinasal silang dalawa ngunit hidi parin maganda ang kalagayan ni Warith dahil ang naiisip lamang niya ay si Mayra. Kahit kasal na sila ay hindi parin nilang makontrol si Warith dahil hindi siya palaging natutulog sa bahay nina Naila kundi upang daan-daanan ni Warith sa tapat ng bahay nila si Mayra na sakay-sakay niya ang kanyang white Hilux Car na nakaparking sa labas ng bahay nina Mayra. Sapagkat alam niya na wala doon ang asawa ni Mayra na si Hassim dahil na assign na naman siya sa Maynila kaya’t ang tao lang sa bahay nina Mayra ay siya lang at ang kanyang isang anak. Ngunit siya’y sobrang naaawa sa ginagawa ni Warith kaya’t pinapayagan niyang tumuloy sa tahanan nila ngunit hindi aabot ng iilang oras baka daw ano pa ang sabihin ng makakita sa kanila. Parang nanunumbalik ang kanyang katinuan dahil sa pagwelcome sa kanya ni Mayra na wala naman silang gingawang malisya. Nang papalapit nang umuwi ang asawa na galing sa Maynila ay pinagsabihan niya na “ huwag ka ng makipagkita ulit saakin baka pagbantaan ka pa ng asawa ko.” Kaya’t napailing na lang si Warith at nasasaktan naman ang puso niya sa mga narinig niya kay Mayra. Ang naging epektong pagmamahal niya kay Mayra ay tuluyan na siyang nalulong sa mga bisyo. Dito na niya binuhos ang mga masasamang saloobin niya na hindi man niya nakuha ang buong pagmamahal niya kay Mayra. Siya’y umuuwing lasing na lasing na naman, ngunit hindi ito alam ni Naila dahil nagpaubaya na siya sa kaugalian ni Warith na hindi man niya makontrol. Kaya’t hindi parin naranasan ni Naila ang gusto niyang pagmamahal sa kanya ni Warith, ngunit hindi parin kinayanan ni Warith na mahalin ito dahil tinuturing lamang niya itong 2nd cousin. Kaya’t hindi masisisi ni Naila ang sarili sapagkat siya ang gumawa ng paraan para mapakasal siya kay Warith. Biglang nabalitaan lamang nila na dinala sa Ospital si Warith dahil matindi ang epektong dulot sa kanyang katawan ang paggamit niya ng mga kung anu-anong bisyo na sa pagkakaalam niya ay pampawala ng problema, ngunit ang naging bunga nito ay nakaramdam ng malubhang sakit dahil sobrang tumalab o dumanas sa kanyang buong katawan kaya’t ang bukang bibig lamang niya ay si love niya na si Mayra. Dahil yan ang tawagan nila nung nasa kolehiyo pa sila ngunit sila lang ang nakakaalam nito at ang ina ni Warith. “Ma, asan si love? papuntahin ninyo saakin…” mahina ang pagkasabi ni Warith. “Hindi siya makakapunta, kasi andun yung asawa niya.” Nawawalan nang pag-asa si Warith. Parang hindi na siya nakakapagsalita ng maayos sa labis na paghihintay kay love niya ngunit hindi parin dumarating. Kaya’t may nakapagsabi kay Mayra na siya lamang ang hinahanap ni Warith sa Ospital, parang nakaramdam siya ng pagka-awa kay Warith na parang napapaluha at siya’y nakita ng asawang si Hassim. Sa oras na ito ay papaalis na naman si Hassim upang pumunta ng Maynila, napatanong si Hassim kay Mayra kung bakit siya umiiyak. “May bakit ka umiiyak? Parang ngayon lang kita nakitang umiiyak na papaalis ako.” sabi ni Hassim “Wala lang namimis lang kita.” tugon ni Mayra “Ikaw talaga asawa ko, ngayon ka umiyak na tatlong araw lang ako doon, kumpara noong last three months na isang lingo ako doon na hindi kita nakitang umiyak.” “Kasi palagi kang pumupunta doon.” “Ikaw talaga May, mahal mo nga ako ng sobraa, oh! Siya punta na ako doon baka hindi ko pa maabutan ang flight ko.” “O sige, ingat ka! Ipatengka o Allah.” Hindi pinahalata ni Mayra na siya’y labis na naawa sa kalagayan ngayon ng kanyang dating kasintahan na labis silang pinaghiwalay ng tadhana dahil sa kagustuhan ng ama ni Mayra. Patuloy parin siyang umiiyak, nang papalayo na ng biyahe si Hassim ay dali-dali siyang pumunta sa Ospital. Ngunit pagdating na niya ay hindi na masyadong nakakapagsalita ng maayos si Warith dahil nawalan na siya ng lakas at unti-unti na ring lumalabo ang kanyang paningin. Napatingin si Warith sa kanyang harapan na may umiiyak na babae at hindi nagkakamali dahil nabosesan niya si Mayra, “ Love andaka miyaribon? tanto aken seka a dipnayawn.” Pabulong na sabi niya kay Mayra. Patuloy paring nag-iiyakan ang pamilya ni Warith. Nang ilang oras na pag-uusap nila ni Mayra ay nawawalan na ng hininga si Warith kaya’t ikinamatay niya dahil hindi niya kinayanan ang sobrang pananakit ng buong katawan niya dahilan sa mga pagbibisyo niya gaya ng pag-inom ng matatapang na alak at paggamit ng marihuana para pampawala ng problema dahil hindi matanggap sa puso niya ang hindi nila pagkakatuluyan ngunit naging bunga ito ng hindi na muling magkikita pang muli nila ni Mayra. Sa ganung pangyayari ay sobrang nagluluksa si Mayra sa nangyari sa kanyang dating kasintahan na patuloy pa rin pala niyang minamahal ngunit hindi man niya naipaglaban noon sa kanyang ama na mabuting tao si Warith. Nalaman na rin nila na ang may kagagawan pala sa hindi pagkakatuluyan ng kasal nila noon ay si Naila. Kaya’t hindi-hindi mapapatawad ng ina ni Warith ang kagagawan ng 2nd cousin niya na si Naila noon. “ kung bakit nangyari ito sa kaisa-isa kong anak na hindi ko gusto ang nangyari sa kanya ngayon.” sabi ni Mrs. Sauda. Patuloy paring umiiyak si Mrs. Sauda. Maraming nagsisidatingang mga kamag-anak nila sa bahay nina Mrs. Sauda upang gabayan ito. Sila’y nagserve ng konting pagkain para sa mga bisita at nilagyan ng puting tela ang kanilang geyt na sumisimbolang may namatay sa bahay na ito, iyon ay si Warith na kasintahan dati ni Mayra. Siya’y nakadungaw sa bintana na minamasdan ang pag-iyak ng mga pamilya ni Warith at lalong lalo na ang ina na nananaghoy ng lubos ang kanyang puso dahil sa pagkawala ng kanyang nag-iisang anak. Napapaluha na rin si Mayra sa kalagayan ng pamilya ng kanyang dating kasintahan na nakadungaw sa tapat ng malaking bahay nina Warith.
.……........WAKAS…………….
submitted by Daisona29 to readmywattystory [link] [comments]


2015.12.08 08:48 Nhorbusran ANG MAG-INA

“ANG MAG-INA”
Hatinggabi nang magising si Angiliena dahil sa kanyang napanaginipan. Hanggang ngayon ay hindi parin niya nakakalimutan ang mga nangyari sa kanya noong sampung taon na ang nakalipas. Bumabangungot pa rin sa kanya ang nangyari sa kanyang bunsong kapatid at sa kanyangama at bumabalik sa kanyang mga alaala ang pait ng mga pangyayari sa kanyang buhay. Bumangon siya mula sa kanyang kinahihigaan at bumaba upang uminon ng tubig, pagtakatos ay bumalik siya sa kanyang silid tulugan at pinilit niyang matulog ulit. Si Angiliena na kilala rin sa tawag na anjie ay isang babaeng naulila sa kanyang mga magulang noong siya ay kasalukuyang nag aaral sa sekandarya. Maputi at makikinis ang kanyang balat, ang buhay na buhay na buhok niya ang mas lalong nagpapaganda sa kanya dahil sa kulay itim at hanggang baywang niya ang taas at bagay na bagay sa kanya at matangos ang kanyang ilong. Kung titingnan siya ay hindi mo masasabi na siya ay babaing Pilipina. Lumaki siyang mag isa at may galit sa kanyang ina dahil sa nangyari sa bunso niyang kapatid na lalaki at sa kanyang ama. Isinisisi niya sa kanyang ina ang pagkamatay ng mag-ama. Sa pagkawalay niya sa kanyang mga magulang ay nagsumikap siyang mag aral at tiniis niya ang lahat ng hirap na kanyang pinagdaanan at ngayon dahil sa pagsusumikap niyang makatapos ng pag aaral ay isa na siyang magaling na manggagamot. May sarili siyang klinika sa likod ng kanyang bahay at tuwing araw ng Linggo ay binubuksan niya ito para sa may mga kapansanan, bata man o matanda at namimigay siya ng mga libring gamot sa kung sino man ang nandoon at hindi rin siya nagpapabayad sa mga taong ginagamot niya tuwing araw ng Linggo kaya siya ay kilalang kilala sa kanilang nayon. Pagkabukas ay maaga siyang pumunta sa hospital at habang siya ay nakaupo sa kanyang klinik ay dumating ang kanyang kasamahan na isa ring manggagamot tulad niya at niyaya niya itong magkapi muna sa labas. “Magandang umaga magandang binibini,” bati ng kanyang kasamahang manggagamot “Magandang umaga rin sa iyo, anong meron at napaaga ka ata?” bati rin sa kanya ni Anjie sabay tanong sa kanya. “Wala lang naman, yayayain lang kitang magkape sa muna sa labas, ano tara?” “Ano pangaba?..alam ko naman na pagdating kay ms. Melody eh hindi ako makatanggi.” Pumunta na nga ang dalawa sa coffe shopna tapat rin ng hospital na kanilang pinapasukan. Si Melody ay matalik na kaibigan ni Angiliena, Mel ang kadalasang itinatawag niya rito. Nagkakilala sila noong sila ay nag-aaral sa kolehiyo at parehong manggagamot ang kursong kinukuha nila kaya lagi silang magkasama at naging malapit na sila sa isa’t isa. Mabait at mapagkakatiwalaan siyang kaibigan. Lagi siyang nasa tabi ni Anjie kapag siya ay malungkot at may problema, at dinadamayan niya ito palagi. Siya lang ang bukod tanging kaibigan ni anjie na napagsasabihan niya ng kanyang mga sekreto kaya alam niya ang lahat ng tungkol kay Anjie. Habang umiinom ng kapi ang dalawa ay masaya silang nag uusap pero maya maya’y napalitan ng lungkotang masayang mukha ng dalawa dahil sa kinuwento na naman ni Anjie ang kanyang napanaginipan at ang kanyang mata ay namumula na at halatang pinipigilan lang ang luha na huwag lumabas sa kanyang mga mata. Nang mapansin ito ni Melody ay agad agad itong nagsalita. “Oh iiyak kana naman ba?...hindi tayo uminom dito para umiyak kalang hah. Nandito tayo para magsaya.” “Pasinsiya kana Melkung lagi na lang ako ganito ah, hindi ko lang talaga kasi alam kung anong gagawin ko.” “Ok lang mas mabuti na yang nailalabas mo ang sama ng loob mo kaysa naman sa dibdibin mo,” wika sa kanya ni Melody, “Pero tanong ko lang ah, hanggang ngayon ba ay galit ka parin sa nanay mo at matatanggap mo ba siya at mapapatawad kung sakaling magpakita siya sayo at humingi ng tawad?” “Oo, hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa kanya at hinding hindi ko siya mapapatawad kahit lumuhod pa siya sa akin dahil siya ang dahilan kung bakit nawala ang tatay at kapatid ko.” Pagkatapos sagutin ni Anjie ang kanyang tanong ay hindi na ulit ito nagsalita at niyaya na lang niya itong bumalik na sa hospital at doon na itunuloy ang kanilang pag uusap. Pagkaraan ng ilang araw, sina Anjie at Melody ay nagkasundo na sa darating na sabado ay maligo sila sa beach kasama ang mga iba nilang mga kaibigan para naman magkasama-sama ulit sila at magkakwentuhan at kalimutan na muna ang kani-kanilang trabaho. Masaya sina Angiliena dahil pumayag ang kanilang mga kaibigan sa kolehiyo at naghanap na rin silang dalawa ng beach na kanilang pupuntahan at inihanda na rin ang lahat. Gabi noon, sa gilid ng beach ay nakaupo ang mga magkakaibigan at masaya silang nagkwentuhan, binalik balikan nila ang mga ginagawa nila noong sila ay nag aaral pa at kung ano o kung sino sila ngayon. Nagkantahan at nagsayawan rin sila. Sa gitna ng kanilang kasiyahan ay may naitanong si Merna kay Angiliena. “Hoy anjie, magkwento ka naman tungkol sa lovelife mo. Wala ka pa rin bang kasintahan ngayon?” “Haynaku, paano magkakaroon ng kasintahan yan eh puro trabaho lang ang iniisip niyan at ang pagtulong sa mga may kapansanan. Ang daming nanllilligaw pero lahat niya dinididma, parang wala na yata siyang balak na magkaroon ng asawa,” si Isabel na ang sumagot sa tanong ni Merna. Nagpatuloy ang kanilang kasiyahan at panay parin ang pagbibiro nila kay angiliena at sinasabing magiging matandang dalaga siya dahil sa pangdididma sa mga lalaking nanliligaw sa kanya. Hating gabi na nang sila ay magsitulog maliban na lang kay angiliena na nakaupo pa rin sa tabing dagat at nakita naman ito nina Isabel at Celistina, nilapitan ito ng dalawa at kinusap. Sina Celistina at Isabel ay matalik na kaibigan ni Angiliena noong sila ay nasa 2nd year high school, bagong lipat noon si Anjie sa kanilang paaralan at silang dalawa ang una niyang nakilala at naging kaibigan. Nagkahiwalay lamang sila noong magkolehiyo sila dahil sa ibang kurso ang kinuha ng dalawa pero ganon pa man nagpatuloy pa rin ang maganda nilang samahan bilang magkakaibigan. Mabait ang dalawa sa kanya at ganon rin naman si Anjie sa kanila. Sa tagal na nilang pagkakaibigan ay hindi pa nakakapagkwento si anjie sa kanila ng tungkol sa kanyang buhay dahil sa hindi sila laging nagkakasama ng matagal at ngayong araw lang sila magkakakwentuhan. Paglapit ng dalawa ay agad nila itong tinabihan at kinausap. “Ehmm ehmm,” pagpapapansin ni Isabel. “Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah?” tanong naman sakaniya ni Celistina. “Wala may naaalala lang ako,” sagot ni Anjie sa kanya. “At ano naman ang inaalala mo?... ikaw ha hindi kana nagkukwento sa amin… anong dahilan ba at inaayawan mo ang mga lalaki na nanliligaw sayo, magkwento ka naman sa amin, ngayon nga lang tayo nagkaroon ng oras para magkwentuhan kaya sulit sulitin na natin ang gabing ito.” Wika sa kanya ni Isabel. Pinilit ng dalawa si Anjie na magkwento sa kanila kaya wala na itong nagawa kundi ang ikwento sa kanila ang kanyang mapait na nakaraan. Naisip rin niya na wala namang masama kung ibabahagi sa kanila ni Anjie ang storya ng kanyang buhay dahil sa isa sila sa malalapit niyang mga kaibigan. Nagsimula na ngang magkwento si Anjie sa dalawa. “Sampong taon na ang nakalilipas,” ang simula ni Angiliena. “Magkakasama kami noon sa isang bahay at lagi kaming masaya, pero nang patagal na nang patagal ay unti-unti na ring nagbabago ang nanay ko sa amin, palagi na siyang wala sa bahay. Beyernes ng tanghali noon nang maisipan ng tatay ko na hanapin ang nanay ko dahil sa magdadalawang araw na siyang wala sa bahay. May nakapagsabi kay tatay na nikata daw niya ang nanay ko kaya hindi nahirapan ang tatay sa paghahanap sa kanya. Sa isang nakatagong bahay sa may pasikot-sikot na lugar ay natagpuan ni tatay ang nanay ko na may kasamang lalaki at sabay na kumakain sa isang maliit na lamesa. Hindi nakapagtigil ang tatay ko sa galit kaya sinugod niya ang kalaguyo ng nanay ko at pinaulanan ito ng suntok sa mukha pero lumaban ang lalaki, natigil sa pagsusuntukan ang dalawa nang pumagitna ang nanay ko sa kanila. Niyayaya ni tatay si nanay na umuwi na silang dalawa sa bahay pero hindi sumama ang nanay ko, pinili pa rin niya ang lalaki niya at hindi na siya napilit ni tatay dahil pinapaalis na na siya ng lalaking kasama ni nanay. Mahal na mahal ni tatay si nanay, kahit kailan hindi siya nagkulang sa kanya at sa aming pamilya. Nang umalis ang tatay ko sa kanila ay nakipag inuman siya sa kanyang mga kaibigan at nang umuwi na siya ay lasing na lasing at dinaanan pa niyaang bunso kong kapatid na lalaki sa paaralan, Grade 3 palang ang kapatid ko noon. Nang pauwi na sila at dahil sa wala sa sarili ang tatay ko ay nabangga sila sa malaking punong kahoy, sumabog ang kanilang sasakyan at walang nakaligtassa kanila, pareho silang binawian ng buhay. Iyak ako ng iyak noon at hindi ko alam ang gagawin ko nang itawag nila sa akin na ang tatay at kapatid ko ay nasa ospital at wala nang buhay. Wala akong alam sa mga nangyari noon at nalaman ko lang yung totoo dahil may nakapag kwento sa akin.” Napatigilsa pagkukuwento si Angiliena dahil hindi na niya napigilan ang kanyang mga luha at hindi na rin maintindihan ang kanyang pagsasalita. Sa pagkukwento ni Angiliena ay pumunta si Melody sa kanila at nakinig na rin ito sa kanya. Sa pag-iyak ni Angiliena ay hindi na ito nagawang ipagpatuloy ang kanyang pagkukwento kaya si Melody na ang nagpatuloy sa pagkukwento. Noong ilibing ang tatay at kapatid ni Anjie ay naghintay siya sa kanyang nanay na si Lolita dahil gusto niyang magpaliwanag ito sa kanya pero hindi dumating si Lolita kaya nagalit siya sa nanay niya. Isang principal ang kanyang tatay noon sa paaralang pinapapasukan ng kapaitd niyang lalaki kaya kahit papaano ay maganda ang kanilang pamumuhay pero simula nung mamatay ang kanyang tatay ay nagbago na ang lahat, nalaman niya may malaking utang noon si Lolita at dahil hindi na nila alam kung nasaan ang nanay ni Anjie ay siya ang siningil ng pinagkakautangan ni Lolita. Paubos na noon ang perang naiwan sa kanya ng kanyang tatay at wala na rin siyang pambayad sa mga sumisingil sa kanya kaya napilitan siyang ibinta ang kanilang bahay at ibinayad niya sa pinagkakautangan ng kanyang nanay at pagkatapos nun ay nilisan na rin niya ang lugar nila. Natigil ng isang taon sa pag aaral si anjie dahil sa kawalan ng pera. Ang ginawa niya sa isang taong hindi niya pag-aaral ay naghanap siya ng trabaho, tatlong bises siyang namasukan bilang katulong, taga laba at taga linis ng bahay pero malulupit ang mga naging amo niya, lagi siyang napapagalitan dahil sa hindi daw maayos ang kanyang ginagawa, palibhasa hindi siya sanay sa mga gawaing bahay pero tiniis niya lahat ng hirap na kanyang dinanas at lahat ng sweldo niya ay inipon niya para sa susunod na pasukan ay makapag aral na ulit siya. Sa pangatlong bises na nawalan siya ng trabaho ay naghanap ulit siya hanggang sa may nakita siyang restaurant na naghahanap ng isang tao na magtatrabaho sa kanila, agad niyang kinausap ang may ari ng restaurant. Mabait ang may ari ng restaurantna si Melinda kaya agad siyang natanggap at doon na rin siya pinatuloy dahil sa nakiusap si Angiliena sa kanya. Sa pagpasok niya sa restaurant ay naging masipag siya at marami ang nagkakagusto sa kanya dahil lagi siyang nakangiti sa lahat ng mga costomers nila at napansin iyun sa kanya ni Melinda at mabait din si Anjie sa kanya kaya hindi na siya pinaalis sa restaurant. Pagkatapos ng anim na buwan ng pagtatrabaho ni Anjie sa restaurant na kanyang pinapasukan ay sinubukan niyang kausapin si Melinda upang ipaalam sa kanya na mag aaral na ulit siya. “Tao po, ah ma’am pwede ko po ba kayong makausap?” wika sa kanya ni Angiliena at dahil bukas ang pinto ng kwarto ni Melinda ay tumayo na lang siya sa tabi ng pinto at naghintay siya ng isasagot sa kanya ni Melinda. “Oh Anjie ikaw pala yan, umupo ka at tungkol saan naman ang pag uusapan natin?” tanong ni Melinda sa kanya “Ah ma’am gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na sa darating na pasukan ay babalik na rin po ako ng pag aaral, gusto ko pong ituloy ang pag aaral ko, 2nd year high school na po ako sa susunod na pasukan at sayang naman po kung hindi ko itutuloy…. Magpapaalam na rin po ako sa inyo dahil balak ko na rin pong umalis na dito… Napag isipan ko po kasing magrent na lang ako ng cottege o dormitory sa paaralang papasukan ko.” Mahinahong pagpapaliwanag ni Angiliena kay Melinda. “Sigurado kana ba sa disisyon mo Anjie, Sa pagkakataong ito maari ba kitang pigilan, nalulungkot ako na pati ikaw nagpapaalam na rin sa akin. Parang kaIlan lang nung nagpaalam sa akin ang dalawa kong anak dahil sa gusto nilang mangibang bansa at doon na rin magtrabaho, sa pag alis nila ay nalungkot ako pero nung dumating ka nawala ang lungkot ko dahil sayo, sa maikling panahon na nakasama kita nakalimotan kong maging malungkot dahil lagi kang nandiyan para sa akin, para na kitang anak at ngayon na aalis ka na rin at iiwan na rin ako, hindi ko na alam kung magiging masaya pa ba ako ulit. Kaya kung maaari sana ay dumito ka na lang at ipinapangako ko sayo na tutulungan kita sa pag aaral mo hanggang sa makatapos ka.” Pakikiusap sa kanya ni Melinda. Nagpatuloy ang kanilang pag uusap, hindi sana pumayag si Angiliena sa gusto ng kanyang amo pero sa huli napapayag rin siya ni Melinda dahil sa pagpipilit nito sa kanya at umiyak rin ang matanda sa harapan niya. Naisip rin ni Angilina na wala namang masama kung pumayag siya sa gusto ni Melinda dahil napamahal na rin siya sa matanda at masakit din para sa kanya ang iwan si Melinda dahil nakita niya kung paano siya ituring ni Melinda sa sarili niyang pamamahay at naramdaman niya ang kabaitan at pagmamahal sa kanya ni Melinda. Hindi rin maipagkakaila ni Anjie na napamahal na rin sa kanya ang matanda at itinuring na rin niya itong parang tunay na ina, kay Melinda niya naramdaman ang pagmamahal ng isang ina na hinahanap-hanap niya kay Lolita. Pagkatapos nilang mag usap ay nanatili na nga si Angiliena sa bahay ni Melinda at tinupad rin ni Melinda ang pangako niya sa dalaga, sinuportahan niya ang kanyang pag aaral hanggang sa makatapos siya pero sayang nga lang dahil bago naging isang mabuti at magaling na manggagamot si Angiliena ay pumanaw na rin si Melinda dahil sa sakit niya sa puso. Ngayon ay may sarili nang bahay si Anjie at may sariling klinika rin ito sa tabi ng kanyang bahay at tumutulong sa mga may sakit tuwing araw ng Linggo. Masaya siya sa kanyang pagtulong dahil alam niya na iyun ang gusto ni Melinda para sa kanya at naniniwala siya na para saan pa ang natapos niya kung wala rin naman siyang matutulungan. Sa ngayon iisang tao lang ang kinakagalitan niya at iyon ay ang kanyang ina at kaya inaayawan ni Anjie ang mga lalaking nanliligaw sa kanya ay dahil ayaw na niyang masaktan at maiwan ng taong kanyang minamahal tulad ng kanyang mga magulang. Pagkatapos magkwento ni Melody ay agad namang nagsalita si Isabel habang si Angiliena ay umiiyak pa. “Grabi pala talaga ang pinagdaanan mo noh, pero ang swerte mo pa rin dahil kung naghirap kaman sa simula ay naging maganda naman sa huli at ang dami mo pang natulungan.” “Oo nga naman Anjie, pero matanong nga kita, wala ka bang balak patawarin ang nanay mo kung sakaling magpakita at humingi siya ng tawad sayo?” tanong sa kanya ni Celistina. “Sila ng lalaki niya ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang tatay at kapatid ko at ang nanay ko rin ang dahilan kung bakit ako naghirap, kaya hanggat hindi ko nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng tatay at kapatid ko ay hinding hindi ko siya mapapatawad.” Sagot ni Anjie kay Celistina Sa kanilang pag-uusap ay nakwento rin ni Angiliena sa kanila na lagi niyang napapanaginipan ang mga nangyari noon kaya hindi ni magawa- gawang kalimutan na lamang ang mga nagyari sa noon. Ngayon ay araw ng Linggo at marami ng tao sa klinika ni Angiliena pero dahil wala pa siya ay ang mga kasamahan na muna niya ang nag- asikaso sa mga may sakit. Maya maya’y dumating na rin si Anjie at agad na rin itong nag-ayos, nang papunta na siya sa klinika ay napatigil siya dahil may nakita siyang babae na nakatayo sa tabi ng kanyang gate. Hindi niya namukhaan ang babae kaya lumapit siya rito, paglapit niya ay nagulat siya sa kanyang nakita at ang naibulong na lamang niya sa kanyang sarili ay ang salitang “nanay.” Sa galit niya sa pagkakita sa kanyang nanay ay napag-utusan niya ang kanyang mga guard na isara ang pinto at huwag magpapapasok nang kahit sino at hindi na rin niya pinansin ang pakiusap ng kanyang ina dahil tinalikuran na niya ito. “Anak kausapin mo naman ako, hayaan mo akong magpaliwag sa iyo.” Ang sigaw sa kanya ng kanyang ina habang ang kanyang luha ay pamapatak na. Nang nasa klinika na si Anjie ay nandon rin ang kanyang ina at nagbabakasaling makausap ang kanyang anak. Hinintay na muna niyang lumiit ang mga tao sa klinika. Inabutan nang gabi si Lolita sa paghihintay at hindi na rin niya naisip na kumain ng pantanghali at kumain sa gabi dahil ayaw niya na mawala sa mga mata niya ang kanyang anak. Pagkaraan ng ilang minuto ay nagkaroon na rin siya ng oras na malapitan si Angiliena. “Anak maari ba tayong mag usap kahit sandali lang?” pakiusap ni Lolita sa kanyang anak. “Ang kapal naman po ng mukha niyo para sabihin yan!.. Sampung taon po kayong nawala ni hindi man lang kayo nagpakita sa libing ng anak at asawa mo tapos ngayon ang lakas nang loob mong magpakita sa akin at sabihing magpapaliwanag kayo! Sa tingin po ba ninyo’y ganon lang kadali na pakinggan at pagkatapos patawarin kayo, eh ang akala ko nga patay na kayo eh!” galit na wika ni Angiliena sa kanyang ina. “Anak alam kong matindi ang galit mo sa akin at tanggap ko yun dahil kasalan ko naman talaga ang lahat dahil naduwag ako noon, pakinggan mo lang ang paliwanag ko at nasa sa iyo na rin kung paniniwalaan mo ako o hindi ang importante maipaliwanag ko sayo kung ano ang totoong dahilan kung bakit hindi na ako nagpakita sa iyo at sa libing ng ama at kapatid mo. Nangangako ako na pagkatapos nito ay hindi na ako magpapakita pa sa iyo.” Kahit na ayaw ni Angiliena na makipag usap sa kanyang ina ay hindi na niya nagawang talikuran ito dahil para siyang inuutusan ng kanyang sarili na pakinggan ang kanyang ina at hindi rin niya magawang igalaw ang kanyang mga paa kaya nanahimik na lamang siya at nakinig sa kanyang ina na noon ay napapaiyak na. Nagpatuloy si Lolita sa pagpapaliwanag sa kanyang anak at ito ang kanyang mga sinabi. Noong araw napumunta ang asawa ni Lolita sa kanyang kinaroroonan ay gustong-gusto na niyang umuwi o sumama sa kanyang asawa pero binalaan siya ng kasama niyang lalaki na papatayin niya ang buo niyang pamilya kapag sumama siya sa kanyang asawa. Nong umalis na ang ama ni Angiliena ay sinubukan itong habulin ni Lolita pero nahuli siya ng lalaki at sinaktan at binugbog pa niya ito, hindi nakapagpigil si Lolita at napalaban siya, nakita niya ang kutsilyo at kinuha niya ito pagkatapos ay isinaksak niya sa lalaking kinakasama niya, tinamaan ang lalaki sa dibdib kaya agad siyang namatay. Nawala sa sarili si Lolita at hindi niya alam ang kanyang gagawin, naisipan niyang umalis na doon pero huli na ang lahat dahil may dumating na pulis at isinama siya sa prisento. Ipinaliwag niya ang totoong nangyari pero hindi siya pinaniwalaan at ikinulong siya. Nalaman rin ng mga magulang ng lalaki ang nangyari sa kanilang anak kaya hindi sila pumayag na basta na lamang palayain si Lolita. Sa pagkakulong ni Lolita ay nalaman rin niya ang nangyari sa mag-ama niya. Nakiusap siya sa mga pulis na baka pwedeng pumunta siya sa libing ng mag-ama pero hindi siya pinayagan, noong mga araw na iyon ay wala siyang ibang nagawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nanatili si Lolita sa kulungan ng pitong taon, nakalaya lamang siya dahil may humawak sa kanyang kaso. Paglabas ni Lolita sa kulungan ay umuwi siya agad sa kanilang bahay pero iba na ang nakitara roon, ipinagtanong-tanong niya kung sino ang may alam kung nasaan ang anak niyang si Angiliena pero wala ni isa sa mga napagtanungan niya ang may alam. Nagpalaboy-laboy si Lolita sa paghahanap sa kanya at kung saan siya gabihin ay doon na rin siya natutulog at namamalimos rin siya para lang makakain, sa panahong iyon nawawalan na rin siya ng pag asa na mahanap si Angielina. Doon na lamang tumigil sa pagkukwento si Lolita habang pinupunas ang mga luha sa kanyang mga mata. Si Angiliena naman ang nagsalita na papunas punas rin ng kanyang mga luha. “Sa tingin po ba ninyo ay naniniwala ako sa mga paliwanag mo at kung totoo man yan paano po ninyo ako nahanap ngayon na ayon sa paliwanag mo ay nawalan kana ng pag asa, di ibig sabihin nun ay sumuko na rin kayo sa paghahanap sa akin!” panunumbat ni Angiliena sa kanyang ina. “Oo, nawawalan na nga ako ng pag asa pero hindi ibig sabihin na tumugil na ako sa paghahanap sa iyo. Palakad lakad ako nun hanggang sa mapatingin ako sa restaurant at doon ay nakita kita na nakangiti, lalapitan na sana kita pero nawalan ako ng lakas para magpakita sayo dahil ayaw kong sirain ang masayang araw mo,” pagpapaliwanag ulit ng kanyang ina. “Bakit ngayon lang kayo nagpakita at bakit hindi noon nay?... Kung noon pa po siguro kayo nagpakita at nagpaliwanag, baka mapatawad ko pa po kayo pero itong ngayon parang ang hirap paniwalaan eh, ang hirap hirap dito sa puso ko ang patawarin kayo!” wika ni Angiliena na noon ay itinuturo ng kamay niya ang kinaruruunan ng kanyang puso at umiiyak. “Hindi ako makalapit sayo noon dahil wala akong mukhang maihaharap sayo ay at naisip ko na kung magpapakita ako sayo at magpaliwanag sayo pagkatapos ay sasama kana sa akin, paano kita bubuhayin ni wala nga akong nauuwian na bahay. Kaya ang ginawa ko na lang simula nung mahanap kita ay namasukan na rin ako bilang katulong sa isang bahay na malapit sa restaurant na tinutuluyan mo upang masigurado na hindi ka na mawawalay sa paningin ko, minanmanan kita noon pati ang paggraduate mo sa Kolehiyo. Patawarin mo ako kung ngayon lang ako naglakas ng loob na harapin ka at sana matanggap mo pa ako sa buhay mo pero kung hindi maiintindihan kita at tulad ng sinabi ko hindi na kita guguluhin pa kung iyon ang gusto mo,” Wika ni Lolita. “Oo hindi ko na ho kayo mapapatawad kaya umalis na po kayo kung ayaw niyung tawagin ko pa ang guard at ipalabas kayo. Huwag na rin po kayong tutungo sa pamamahay ko at huwag na rin kayong magpapakita sa akin,” pagtataboy ni Angiliena sa kanyang ina. Walang nagawa si Lolita kung hindi ang umalis na lamang kahit ayaw niya, habang siya’y naglalakad na umiiyak ay tinitingnan naman siya ni Angiliena na umiiyak rin. Nang papalayo na si Lolita ay naisip ni Angiliena na maling hindi niya pinatawad ang kanyang ina, mali na hindi niya ito binigyan ng isa pang pagkakataon para magkasama sila. Naisip rin niya na matatahimik na siya dahil nabigyan nang kasagutan ang mga katanungang gumugulo sa kanyang isipan at sa mga paliwanag ng kanyang ina ay nabigyan na rin niya ng hustisya ang pagkamatay ng kanyang ama’t bunsong kapatid. Hindi matitiis niAngiliena na makitang naghihirap ang kanyang ina samantalang siya may marangyang buhay kaya hinabol niya ito at nang malapit na siya sa kanyang ina ay tinawag niya ito. Napaharap si Lolita sa kanya at dahil sa tuwa ay hindi niya napigilan ang kanyang sarili na umiyak ng umiyak at patakbo siyang lumapit kay Angiliena at niyakap ng mahigpit at ganon rin ang kanyang anak. “Nanay patawarin po ninyo ako kung hindi ko kayo agad pinaniwalaan at pinatawad at patawarin po ninyo ako kung naipagtabuyan ko po kayo,” paghihingi ng tawad ni Angiliena sa kanyang ina. “Hindi anak, ako ang patawarin mo sa lahat ng mga kasalanan at pagkukulang ko sa inyo, patawarin mo ako anak,” sabi ni Lolita. “Pinapatawad na po kita at mula ngayon hindi kana mag iisa at maghihirap, magkakasama na rin po tayo araw-araw,” wika ni Angiliena habang nakayap pa sa kanyang ina. “Salamat anak, salamat dahil binigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon na makasama at maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal at pangako hindi na kita iiwan at babawi ako sa lahat ng mga pagkukulang ko sa iyo.” Mula noon ay nagkasama na ang mag ina at naging masaya na rin sila, palagi na rin nilang dinadalaw ang puntod ng yumao nilang mag ama. At sabay na nagsisimba tuwing Linggo.Sa kabila ng kalungkutan dinarama ng mag-ina ay napalitan naman ito ng walang humpay na ligaya, saya nga lang at wala na ang kanyang ama’t kapatid.
submitted by Nhorbusran to Wattpad [link] [comments]


2015.10.09 01:24 aimee1993 unexpected love

Ambisyusa, ilusyunada at kung anu-ano pa; ganyan kung tawagin si Inie ng lahat ng taong nakakaalam pag-ibig nya sa isang taong napakaimposible yatang ibigin sya. Sometimes pinagsasabihan na siyang baliw but she always ignore it. Sa halip ay pinagpatuloy niya ang pag-iilusyon at ginawa niya itong inspiration.
Chapter One Unexpected Love
We are five good friends. Familyz ang name ng group namin dahil sa para na kaming magkapamilya kung magturingan sa isa’t isa. Palaging masaya at nagkakatuwaan. Sa school kapag nag-iingay kami ay talagang napakaingay namin pero kapag inabot naman kami ng pagiging mababait na mga bata ay…naman, talagang tahimik. Nakakatuwa ano? Bago ko simulan ang kwentong ito ay ipapakilala ko muna ang mga tinutukoy kong magkakaibigan: si Charmaine isa sa kanila, matangkad, morena, sexy, wavy hair at pinakamatalino sa kanila. Si Mara ay kakaiba rin. Talagang may gandang itinatago sa likod ng kanyang pagkaslight dark girl. Matangkad sya kaysa kay Charmaine. Siguro kung maputi lang sya ay siguradong kaiinggitan sya ng mga kababaihan sa school namin. Bilib din ako sa kanya kasi naman kahit papundoy-pundoy sa ibang subjects, aba! Pag math naman ang pinag-uusapan ay talagang nangunguna ang peg. Si Maricel naman ay isang dalagang Pilipina …kung ilalaban ng pabilisan sa pagong eh, siguradong panalo na ang pagong. Hehehe! Joke…maganda rin sya, pinakamaputi sa amin, long hair at tama lang ang tangkad. Pero wag ka kahit mahinhin sya kapag kiniliti mo naman ay kasing bilis ng kiti-kiti kung umiktad. Si April naman ay matangkad din kaya lang para ng ting-ting sa kapayatan. Pero ha, kahit ganun lang yun para naman siyang barbie doll. Tigasin…kahit payat, aba! Kung lumakad at kumilos para bang wala ng makakatinag pa na kahit na sino. Minsan ang sarap nyang kasama, minsan naman tupakin. Sometimes nga may mga activities ang f5 (group name namin) na wala sya. Madalas kasing nasa pugad nya. Hahaha!

Ako naman si Inie. Wala naman akong masabi sa sarili ko. Syempre alam ko namang hindi talaga ako kagandahan but of course hindi ko din naman sasabihing pangit ako dahil sa nakikita ko sa mundo ay wala naman yatang ginawang pangit si God. Medyo chubby, waivy long hair, medyo kulang sa tangkad kasi naman di na yata ako naabunuhan…hahaha! Medyo may pagkabopols pero syempre trying hard pa din.

“Mas gwapo yung crush ko.” pagyayabang ni Mara habang busy kami magtsismisan nung hapong yun. Tawanan at payabangan. Syempre hindi rin ako nagpapatalo, “ows? Wala nga sa kuko ng crush ko yung crush mo eh. Bukod sa gwapo na, mabait pa” pagyayabang ko. “Naku Inie, paano mo naman nasisiguro na mabait yun? Hindi mo ba natatandaan ang kasabihan na ang taong may matamis na dila ay may itinatagong kapaitan sa puso? ” pambabara naman agad sa akin ni Charmaine. “Natutuwa talaga ako sa inyo. Pinagtatalunan nyo pa ang mga crush nyo. Akala mo naman ang popogi” awat ni April sa amin na may halong pang-aasar. “Aba! Bakit ikaw? Pogi ba ang crush mo? Kung di pa namin alam si ano lang din ang crush mo eh..” sabat ni Maricel ang tagapagtanggol namin minsan. “Oo nga.” Sabay-sabay na sabi naming tatlo. “Sino? Yun? Hindi yun no…yung young Cholo yata ang crush ko. Artista na, gwapo pa.” Hay…ibinida na naman ni April yung crush nyang hanggang sa t.v. lang naman nya makikita. Si Mara, Maricel at Charmaine ay ganun din. Baliw na baliw sa F4 ng boys over flower. Ewan ko ba sa kanila, alam naman nilang napakaimposibleng makita nila ang mga yun at maging bf pagdating ng araw. Hehe! Ako naman ay may pinagmamalaki din kapag nagpapayabangan na sila sa mga crush nilang yun. Sya si Nicky Byerne ng Westlife pero idol ko lang naman sya. Ang gusto ko kasi kapag nagkacrush ako ay dun na sa posible kong maabot. Mahirap kasing mangarap na hanggang pangarap ka na lang. Ganun lang kasi ako kasimple dati. Mababa kung lumipad. Semestral break na namin. Sayang 1 week lang. Pero masaya rin kasama ko ang pamilya ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang manood ng t.v. kaya lang minsan boring din kasi naman ang papangit din minsan ng palabas. Isang hapon ng dumating ang ate ko na may dalang cd. Asian teleserye kaya pinanood ko agad. Yun kasi ang mga kinahihiligan kong panoorin. Pinanood namin ng pinanood. Dahil sa mahaba ang kwento kaya matagal naming pinanood hanggang sa umabot ng ikalawang araw. Doon na banda sa part na maglalaban na ng laro ang mga bida sa basketball ay ipinakita na ang mga kalaban nito. Lumitaw ang isang lalaking may matikas na katawan, maputi, kissable lips at matangkad at – basta! Ang gwapo nya talaga! Napakagwapo! Simula nang isilang ako sa mundong ito ay sya pa lang ang pinakagwapong nakita ko. Kaya lang… sa t.v. ko lang sya nakikita at makikita. Nang gabing yun ay hindi ko pa rin makalimutan ang gwapong mukha ng lalaking yun na napanood ko sa t.v. “ang gwapo-gwapo nya talaga!” tuwang-tuwa at kilig na kilig na sabi ko sa aking sarili. “ako ba ‘to?” tanong ko sa natigilan at tulala kong diwa. Hindi ko na yata nakikilala ang sarili ko dahil kapag ang mga friends ko ang nagrereact ng ganito ay pinagtatawanan ko lamang sila. Pero ngayon, ano ito? Katulad na rin nila ako. Para na rin akong baliw. Napapatili at natutuwa kapag naaalala ko ang mukha ni Zhun; ang taiwanese actor na nainlove na yata ako sa kanya. Oo nga, love na ito kasi di na mabura sa aking isipan ang napakagwapo nyang mukha. Sa kanyang physical appearance ko nakita ang mga hinahanap ko sa isang lalaki.
Back to school again. Tapos na kasi ang sem. break. Isang matamis na ngiti ang nakasungaw sa aking mga labi habang papasok ng silid-aralan. Pagdating ko ay nakatingin sa akin ang mga friends ko. “Oh, Inie smiling face ka yata ngayon ah, anong nakain mo?” agad na tanong sa kin ni April. “Wala lang…” sagot ko sabay hagikhik. Nagtatakang nakitawa na rin sila sa ‘kin. Tawanan na naman kami sabay tahimik at sinabi kong “ang gwapo gwapo nya talaga…” napatingin sila sa akin at sabay-sabay na nagtanong “sino?” “Sino pa eh di si Zhun,” sagot ko. Natigilan silang lahat pagkatapos ay nagtawanan. “Hayan, eh di natulad ka na rin sa amin na nababaliw sa mga artistang imposible nating makita sa personal at napakaimposibleng patulan tayo.” Pangangantiyaw sa akin ni Mara. “Oo nga, kumbaga sa mga garapata lisa lang tayo” dagdag pa ni April. “Eh, bakit? Parepareho lang naman tayo ah. Kayo rin naman ganun din naman.” Naiinis kong sabi sa kanila. “At least sa amin crush lang, eh sayo, tingin namin inlove ka na dun eh…”panunudyo ni Maricel sa akin. “Ah, basta walang pakialamanan.” may pagtataray na sabi ko. “Wala…ganti-gantihan lang. Kung dati kami ang pinagtatawanan mo, ngayon ikaw na naman ang pagtatawanan naming,” ang hindi pagpapatalong sabad ni Charmaine.
CHAPTER 2 Unexpected Love
Simula nang ako’y isinilang ay ngayon ko lang naranasan ang ganito. Ngayon ko lang naexperience na mahirap pa lang magmahal. You know why? Dahil pati baon kong pera ay iniipon ko na, kung dati ay napakagastusera ko, ngayon ay halos hindi na ako bumibili kahit na ng candy. Para lang maipon ko at maibili ng cd na romantic princess kung saan si Zhun ang leading man. Hindi pa ako nakuntento sa pag-iipon lang ng pera. Nang medyo lumaki na ang ipon ko ay ibinili ko na ng paninda para lalong bumilis ang paglaki ng pera ko. 
“Negosyante ka na ngayon Inie, ah.” pansin ni Charmaine sa akin habang nagtitinda ako. “Oo nga. May mahalaga kasi akong bibilhin,eh” patago kong sagot. Alam ko kasi na kapag si Zhun na naman ang dahilan ay naku…kantiyaw na naman ang abot ko nito. “Mahalaga? Gaano kahalaga? Kasing halaga ba ni Zhun mo?” heto na naman…inaasar na naman ako ni April. “Hindi no!” agad kong deny sa kanila. “Hindi lang naman kasing halaga nya…cd nya lang naman ang bibilhin ko.” Dugtong ni Mara. Wala akong pakialam kahit na lagi nila akong inaasar. Isa lang ang mahalaga sa akin, yun ay ang makabili ng cd ni Zhun. Sa pamamagitan ng cd nya ay nakikita ko palagi ang lalaking dahilan ng bigla kong pagbabago. Oo, nagbago na nga ako. Kung dati ay lagi akong mainisin at tinutupak, ngayon ay hindi na. palagi na lang akong nakangiti. Ganito pala kapag inlove. Nakakapagpabago ng buhay. Nakaugalian ko na, na bago matulog ay nagmumunimuni muna ako. Nangangarap at iniisip ko ang future life ko. Dati rati ang pinipangarap ko lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral, maging isang NBI agent at ang makatulong sa aking mga magulang. Ganun lang kasimple. Mga pangarap na may posibilidad naman na aking maabot. Pero nung makita ko si Zhun ay nadagdagan na ang mga pangarap kong iyon. Alam nyo ba kung ano ang nadagdag? Isang pangarap na isinumpa ko sa aking sarili na hahanapin ko sya upang makita ng personal, mayakap at masabi ko sa kanya na siya lang ang lalaking minahal at pinangarap ko sa loob ng mahabang panahon. Siya ang pinangarap ko na maging future husband ko, iyon bang kakainggitan ako ng lahat dahil kahit ganito lang ako ay isang napakagwapo, at kilala ng buong mundo ang asawa ko. Diba, kakaiba? Gusto kong mangyari sa lovelife ko yung mga nababasa at napapanood kong malafairy tale na story. Kaya lang sabi nila isang ambisyusa, ilusyunada at nahihibang lang daw sa pag-ibig ang gumagawa ng ganun. Pero ako, wala akong pakialam sa kahit na anong sabihin nila. Bakit? Wala namang masama sa mangarap ah. At sa akin hindi lang basta pangarap na hanggang dun na lang dahil gusto kong makamtan ang lahat na mga pangarap ko. Kahit na sabihin pa nilang napakaimposibleng maabot ko yun. Ibang-iba na talaga ako. Kahit ako ay naninibago na rin sa aking sarili. Masayang masaya talaga ako nang magkaroon na ako ng collection sa mga cd ni Zhun. Bukod dun di pa talaga ako nakuntento, nagpaprint pa ako ng mga pictures nya. Alam nyo ba, iyon palagi ang pinagpapantasyahan ko at bago ako matulog ay kinikiss ko muna, oh diba? Haha! Baliw na nga yata ako. Pero, basta! Siya lang ang Mr. dreamboy ko and I want him to be my husband. Oo, may mga nanliligaw sa kin, sabihin na nating mga naduling sa pagmumukha ko. Nang minsang nakatambay kaming magkakaibigan sa isang bench ay may lalaking naglakas-loob na lumapit sa amin. “Hi Inie, pwede bang manligaw? Tutal naman malapit na ang graduation natin siguro naman okay lang yun sayo. ” walang pag-aatubili nya iyong sinabi sa harap ko at sa harap ng mga friends ko. “Aba! Lakas ng loob nito manligaw ah…kapal ng apog. Sa harap pa mismo ng maraming tao.” Pabulong kong sabi sa aking mga kaibigan. Napatingin sya sa amin na tila may gustong itanong. Maya-maya ay nagsalita sya. “Ah, Inie may problema ba? May masama ba akong nasabi sayo?” “Ha? Ah, eh wala naman. Pero dun sa sinabi mo kanina…” wala akong maisagot na maayos sa kanya. Ayaw ko namang ipahiya sya sa ilang mga students na naroon at sa mga friends ko kaya nag-isip ako ng paraan upang hindi sya mapahiya. “Ah, halika may ipapakita ako sayo.” Baling ko sa kanya agad naman syang lumapit sa akin. Mula sa aking wallet ay inilabas ko ang picture ni Zhun. “Nakikita mo ito?” tanong ko sa kanya. “Ano yan? Ang gwapo ng lalaki na yan ah. Parang hindi pinoy. Wag mo sabihing bf mo yan?” “Talagang hindi pinoy yan. Hindi mo ba sya kilala? Hindi ka ba nanonood ng mga asianobela? Artista yan, isang sikat na taiwanese actor. Siya si Wu Chun.” Taas noong pagpapakilala ko sa picture ni Zhun sa lalaking namamaalam manligaw na tila may pagkahambog. “Oh, bakit natatawa ka? ” inis na tanong ko sa kanya ng makita kong tatawa-tawa. “Eh, ano namang connection nya sa pamamaalam kong manligaw?” natatawa pang tanong nya. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko sa nakikita kong expression ng mukong na yun sa sinabi ko tungkol kay Zhun. Mabilis akong tumayo sa aking kinauupuan at hinarap ko sya. “Alam mo, ayaw ko sanang ipahiya ka eh. Kaya lang hindi pa nga ako tapos magexplain about sa picture na yan pinagtatawanan mo na agad ako. Sayang…babastedin pa naman sana kita sa maayos na paraan kaya lang ang yabang mo! ” singhal ko sa kanya na galit na galit at sa lakas yata ng pagkakasigaw ko ay napatingin sa amin ang mga students na naroroon. Kitang kita sa mukha ng lalaking yun ang pagkagulat. Di pa ako nakuntento muli akong nagsalita upang ipamukha sa kanya kung gaano kahalaga sa akin ang picture na pinagtatawanan nya. “Bakit ka tumatawa? Bakit kasing gwapo mo ba ito? Kung makatawa ka feeling mo ang gwapo mo. Eh wala ka pa nga sa kuko nito eh. Kung makaasta ka akala mo kung sino ka, hmp! ” sabay snub ko sa kanya at walang lingon-likod na iniwan namin syang napahiya. “Aruy…binasted na nga, napahiya pa. Ang yabang mo kasi eh.” Narinig naming pangangantiyaw sa kanya ng isang student na naroon. Masakit rin para sa kin ang ginawa kong yun pero ang yabang nya kasi eh. “Inie, bakit naman ginanun mo na rin yun? Diba sabi natin wag tayong magpapahiya ng mga lalaki, mamaya makarma ka nun eh” sabi ni Charmaine na nag-aalala. Di agad ako nakasagot kaya biglang sumingit si Mara, “tama lang yung ginawa ni Inie, ang hambog-hambog ng lalaking yun eh…” “Oo nga naman Cha. Saka siguradong di makakarma si Inie dahil hindi na yan maiinlove sa iba. Nakabote na yata ang puso nyan, kung baga nakareserve na para ka Wu Chun,” sabad naman ni April. “Oo nga naman…” nakisabad na rin si Maricel. Napangiti na lang ako sa kanila at naisip kong sana lagi na lang silang nasa tabi ko.
CHAPTER 3 Unexpected Love
“Hi familyz…what’s up girls?” Masayang bati ko sa aking mga kaibigan. Happy together na naman ang familyz kaya lang ay medyo serious na ang bawat isa pagdating sa campus. Nasa college na kasi kami kaya kailangan ng seryusuhin ang pag-aaral. Pero ang masaya ay magkakasama pa rin kami sa school. Di pa rin kami naghihiwahiwalay. Magkakaiba nga lang kami ng course na kinuha. Criminology ang kinuha kong course tulad ng pangarap ko. Si Mara ay Entrep. Tulad ng pangarap nyang maging isang sikat na negosyante. Si Charmaine naman ay HRM ang kinuha kasi pangarap nyang magmanage ng sariling hotel and restaurant. Si April naman ay Civil engineering samantalang si Maricel ay Education ang kinuha. “Hay…ang hirap talagang magcollege.” Kamot sa ulong reklamo ni April. “Sinabi mo pa. kulang na nga lang eh malagas na ang buhok ko sa kakaisip sa mga babayaran namin. Every OJT libu-libo ang ginagastos namin.” Reklamo rin ni Charmaine. “Eh ako nga inaanay na ang utak ko kakareview. Ang hirap pala mag educ. nakakabaliw.” Naiinis ding reklamo ni Maricel. “Bakit nga ako eh-” “Tama na Mara.” Putol ko sa irereklamo din sana ni Mara. “maawa na kayo sa akin. Nakukuliling na ang tainga ko sa kakareklamo ninyo. Parepareho lang naman tayong nahihirapan. Baka nga mas mahirap pa ang pinagdadaanan kong hirap kaysa sa inyo. Pero diba highschool pa lang tayo inaasahan na natin to? Kaya pagtiisan na lang natin. Kung dati ang motto natin ay study first before anything else ngayon naman kapag may tiyaga, may nilaga at nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa.” Mahabang seremonyas ko para lang mapawi ang kanilang kalungkutang nadarama ng mga oras na yun. Pagkatapos ay nagtawanan na sila. “Aba okay ah.” Natatawang sabi ni April. “Oo nga, kunting tiyaga at tiis lang pagkatapos naman ay magpapakasaya na rin naman tayo sa mga buhay natin eh.” Dagdag pang sabi ni Mara. Nagkatinginan ang familyz at sabay na nagpatungan ng kamay sa gitna at binigkas ang bagong motto “kapag may tiyaga, may nilaga. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa!” pagkatapos ay sabay na nagtawanan.
Four years later after we graduated in college…
“Grabe…bilib na talaga ako sa galing ni Lt. Quiamco, ah, I mean Captain Quiamco. Dati kasi lieutenant lang ngayon ang bilis tumaas ng ranggo, Captain na…lupit. ” narinig kong sabi ng isa kong kasamahan. Aba…at talagang ako pa ang topic nila ng umagang yun. Maging ako man ay nabigla din ng iannounce ng boss namin na isa na akong Captain. Boss ang tawag namin sa head ng agency namin kasi naman may pagkasenyorito sya. Napakahilig mang utos, kahit tubig na lang na inumin nya ay ipag-uutos pa. “Captain Quiamco, pinapatawag po kayo ni bossing.” Sabi sa akin ng nagmamadaling tauhan ko. Kinabahan ako kasi baka sinumpong na naman yun at ako na naman ang napagtripan. Mabilis akong kumatok sa opisina nya. “Come in.” may pagkasuplado at tipid nitong wika. Pumasok agad ako at nagbigay pugay. “Ipinatawag nyo daw po ako, sir?” matigas at buo ang aking boses. Nanatili pa din akong nakatayo ng tuwid sa harap nya. “Oo. Dahil may panibago akong mission na ibibigay sayo. Ito ay napakalaki, napakahalaga at napakaimportanteng magawa mo sa mas madaling panahon.” Seryosong sabi nito. “Eh, sir-” “Hindi pa ako tapos Captain Quiamco!” singhal nya sa akin sabay pukpok ng kanyang table. Nagulat ako sa ginawa nito. Pero balewala na lang yun sa akin. Lahat naman kaming mga NBI agent ay sanay na sa kanya. Palibhasa kasi tumanda na lang sa trabaho kaya masyadong sineryoso ang bawat galaw nya. “I apologize, sir.” Hingi ko sa kanya ng paumanhin. “Okay, on the next day na ang flight mo to Taiwan.” “What?! Sir, sa Taiwan?” gulat na gulat ako sa sinabi ni bossing. Di ko akalaing ang layo pala ng pupuntahan kong mission at sa Taiwan pa. Agad na pumasok sa isip ko si Zhun ang lalaking highschool pa lang ako ay kinabaliwan ko na at sya ang dahilan kung kaya’t naabot ko ang aking pangarap na maging isang NBI agent. Bigla akong nagising sa isiping iyon ng makita ko ang mga matang nanlalaki sa kakatitig sa akin ni bossing. “Ah, eh..sir, I apologize again.” Mahinahon at nahihintakutan kong sabi. Bago ko lang narealize na nasigawan ko pala sya kaya pala ganun na lang ang reaction ng mukha nya. “Captain Quiamco, I warn you. Ulitin mo pa yan, susungangain ko na ng dulo ng baril yang nguso mo.” Nanggigigil na sabi nya sa akin. Agad naman akong tumalima. “Sir, yes sir!” pagkatapos ay minabuti ko na lang ang manahimik. “Ang mission mo ay ang hanapin, sundan at manmanan ang isang pinoy drug lord na nagtatago sa Taiwan ngunit patuloy na nagpapalaganap ng matataas na klase ng droga dito sa Pinas, siya si Vienbenido Monsour. I will give you one month to do your mission.” Saglit akong nag-isip, one month, napakaiksi naman nun. Paano kung hindi ko agad makita yung taong pinapahanap nya? “Captain, may iniiisip ka ba? Kung iniisip mo ang gagastusin sa pagpunta dun ay wala ka ng poproblemahin. Agency na ang bahala dun.” Paliwanag ni bossing ng mapansin nyang may iniisip ako. “Hindi po yun, sir.” Tanggi ko sa kanya. “Eh, ano?” nakakunot ang noong tanong nya. “Ah, sir can I say something?” paalam ko sa kanya dahil baka singhalan na naman ako. “Sure, go ahead.” “Dun po kasi sa one month na ibinigay nyo sa kin, parang kukulangin pa yata ako sa time, sir. Biruin nyo po pagdating ko dun hahanapin ko pa sya tapos-”, “Ok, ok…2 months. You may go out now.” Kakamot-kamot ng kanyang panot na ulo na ipinagtutulakan na ako palabas ng kanyang office. Nakukulitan na sa akin. “Ok, sir. Permission to leave, sir!” nangingiti kong sabi sabay salute at lumabas na ako. Gamit ang aking laptop ay kinontak ko ang familyz. Kelangan kong magpaparty sa familyz bago ako umalis patungong Taiwan. Nagpahanda ako ng marami at masasarap na pagkain sa resort ko sa El Nido. Party for the familyz only. Before lunch time ay sabay na dumating sina Mara, Maricel, Charmaine at April. Tulad ko ay natupad na rin nila ang kanilang mga pangarap. Bongga na rin ang mga gaga, haha! Nakakotse na rin ang bawat isa. Tuwang tuwa sila ng malaman nilang sa Taiwan pa pala ang pupuntahan ko. Sabi nila ang swerte ko daw kasi may possibility raw na makita ko dun si Zhun at matupad na rin ang pinapangarap kong love story.
CHAPTER FOUR Unexpected Love
Ayon sa file information na nabasa ko about kay Monsour ay nagpalit na sya ng name kaya mahihirapan akong hanapin sya. Pero bukod sa picture na ibinigay sa akin ay may palatandaan ding sinabi sa akin ang isa nyang tauhan na tumiwalag na sa kanya. Sinabi rin nito na nasa Taipei si Monsour. May sarili daw itong hotel dun na minamanage. Ito daw ang nagmamay-ari ng Shahala hotel. Kakaiba talaga ang Monsour na yun. Siguradong katas ng illegal na droga ang ininvest nya dito. “Miss, are you a Filipino?” tanong ko sa isang staff dun na mukhang pinay. “Yes, ma’am. Are you Filipino too?” nakangiting balik tanong sa akin nito. Matangkad at mukha namang mabait ang babae. “Oo, halata naman sa itsura ko diba? Sabi ko na nga bang magkalahi tayo, eh.” Pabiro kong sabi sa kanya. Agad ko syang nakagaanan ng loob at tingin ko ay ganun din sya sa akin. “Clara, matagal ka na bang nagwowork sa hotel na ito?” tanong ko sa kanya. Clara pala ang pangalan ng babaeng ito. “2 years na rin. Ikaw, pumunta ka ba dito para magwork din? Kung gusto mo ipapasok din kita dito tulad ng work ko.” Pag-aalok nya sa akin. Hindi ko sinabi sa kanya ang talagang pakay ko kaya agad akong nagpalusot. “Naku, di na lang bale…thanks for your concern. Ang totoo kasi nyan ay nagbakasyon lang talaga ako dito.” Pagsisinungaling ko sa kanya. “Bakasyon? So, mayaman ka pala? Kasi mayayaman lang nakakapagbakasyon sa ibang bansa eh. Tapos nakakapagcheck-in pa sa mga sikat na hotel.” Nagniningning ang mga matang sabi niya. “Naku, hindi naman sa ganun. Nakapag-asawa kasi yung ate ko ng Taiwanese kaya pinagbakasyon nya ako dito.” Pagsisinungaling ko. “Ah, ganun ba?” sabi nito na mukhang napaniwala ko naman. “Ganun na nga…”sabi ko na napipilitang nakangiti. Hinatid nya ako sa room ko. Nagshower agad ako, kumain at pagkatapos ay agad kong inilatag ang pagod kong katawan sa malambot at mabangong kama. “Good morning Inie…oh, ano? Kamusta ang buhay mo dyan sa Taiwan?” masayang tanong sa akin ni Mara habang kausap ko ang familyz sa skype. Magkakasama silang apat sa mga oras na yun. Nasa rest house sila ng familyz sa Baguio. Naiinggit ako sa kanila kasi magkakasama sila samantalang ako ay nasa malayo. “You know, familyz ok lang ako dito pero syempre lagi pa rin akong alert sa bawat kilos ko.” “Oh, ano may alam ka na bang salita dyan ng Taiwanese?” pagbibiro sa akin ni Maricel. “Oo naman, ako pa.” pagyayabang ko ding pabiro. Natawa sila at nagtanong sa akin si April. “Ows, ano naman yun?” “Ano pa, eh di…ha-la!” tawanan na naman. Ang saya pa rin namin kahit na nasa malayo ako. Solid pa rin ang aming samahan. “Patawa ka talaga, Inie…eh, si Wu Chun mo nakita mo na ba?” pangungutyang tanong ni Charmaine. Natawa ako at saglit na nag-isip. “Sa tingin ko Cha…kailangan ko munang kalimutan si Zhun within 2 months na ipamamalagi ko dito sa Taiwan. Kakaiba itong mission na binigay sa kin ni boss eh. Baka sesantihin ako nun pag di ko nagawa.” “Eh, paano na ang malafairy tale lovestory mong pinapangarap?” malungkot na tanong ni Mara. “Siguro nga imposible na yung mangyari. Noon 16 years old pa lang ako nang magsimula akong maniwala sa fairy tale lovestory pero ngayon 26 years old na ako. At parang ayaw ko ng paniwalaan pa yun. ” “Ok, ikaw ang bahala.” Sabi ni April. Pagkatapos kong magbreakfast ay nagshower ako. Isinuot ko ang isang maganda at mamahaling pants at isang fashion long dress na bagay sa akin. Bago ako lumabas ng room ay isinuksok ko sa bandang bewang ko ang aking maladaliring Indian knife at sa maliit kong shoulder bag ang maliit kong baril. Bumaba ako sa 2nd floor kung saan may minimall dun at restaurant. Habang palihim kong hinahanap si monsour ay tumitingin ako sa mga appliances na naroon. Palipat lipat ang aking tingin sa mga paninda at mga Taiwanese na busy sa pag-iikot sa mall. Nang mapalinga ako sa bandang kaliwa ay napatitig ako sa isang lalaking nakasuot ng sun glass. May makapal na bigote at simple lang ang sout na damit. Biglang pumasok sa aking isipan ang sinabi ng dating tauhan ni Monsour. “magaling magtago si Monsour, lahat ng damit na sinusuot nya ay inaayon nya sa pinupuntahan nyang lugar. Hindi rin sya nagsasama ng mga bodyguards nya. Hindi mo mahahalata sa kilos nya ang pagiging masamang tao nya.” Binuksan ko ang aking bag at tiningnan sa loob nito ang picture ni Monsour. Kamukha nga nya, kaya lang ay hindi ko Makita ang kanyang mga mata dahil natatakpan yun ng kanyang salamin. May sumagi pa sa aking isip. “at higit sa lahat, si Monsour ay may tattoo sa kaliwang pisngi pero hindi mo ito basta-basta makikita kung di ka magsusuot ng sunglass. ” iyon ang huling information na sinabi ng tao nya sa kin. Lumapit ako sa isang Taiwanese vendor na nagtitinda ng mga sunglasses habang pasulyap-sulyap akong nakatingin sa lalaking pinagdududahan kong si Monsour nga iyon. Hindi pa rin sya umaalis sa mga sapatos na nakadisplay na tila pumipili ng bibilhin. “hi! Can I have one of your sunglasses?” tanong ko sa vendor sabay kuha ng salamin. “Sure, ma’am.” Sagot nito at abot sa akin ng isa. Pasimple akong lumakad sa bandang kaliwa ng lalaking yun. Limang metro ang layo ko sa kanya. Pumwesto ako sa mga nakahanger na bestida. Doon ko isinuot ang sunglass na binili ko. Nagulat ako sa aking nakita. Isang dragon ang nakatattoo sa kanyang kaliwang pisngi. Totoo nga ang ibinigay na information sa akin. Confirm na si Monsour na nga iyon. Palakad-lakad akong pumipili ng damit habang papalapit sa kinaroroonan nya. Aba! Napayuko lang ako saglit at ng iangat ko ang aking ulo ay wala na sya. Nagpalinga-linga ako pero hindi ko na talaga sya makita. Naglakad-lakad ako sa bandang prutasan at nang mapatingin ako sa isang mansanas ay laking gulat ko ng may nakapatong na dulo ng baril. Tatakbo na sana ako ng may isang lalaking humarang sa harapan ko kung saan doon ang direction ng bala ng baril ng magpaputok si Monsour. Hinablot ko ang lalaki at mabilis na hinila hanggang sa makatago kami sa pader na malapit sa kinaroroonan namin bago ko pa sya hilain. Laking pasalamat ko dahil nailigtas ko ang lalaking customer dun. Patuloy pa rin ang putok ng baril sa pinagtataguan namin. Habang kinukuha ko ang baril sa aking bag ay gulat na gulat ako ng kinorner ako ng lalaking sinagip ko at ikinover nya sa akin ang malaki nyang katawan. Nagpupumiglas ako sa sobra kong inis. Gusto ko na sana syang itulak ng mga oras na yun kaya lang baka tamaan sya ng sunod-sunod na bala. “Mukhang siraulo yata ang lalaking ito. Nagkamali yata ako ng iniligtas”, bulong ko sa aking sarili. Mabuti na lang nakawala ang isang kamay ko na may hawak na baril. Kahit na hindi ko nakikita si Monsour dahil sa lalaking ito na halos nakayakap na sa akin ay nagpaputok pa din ako sa kinaroroonan ng kalaban. Tumigil ang pagpapaputok ni Monsour, naisip kong tumalilis na siguro ng takbo. Ubod lakas kong itinulak ang lalaking iniligtas ko na nga, sinira pa ang trabaho ko. Napaupo ito sa sahig. Laking gulat ko pa ng Makita at mapatitig ako sa mukha nya. “What a miracle moment! I think it’s a destiny.” Bulong ko sa aking sarili. Nanatili lang itong nakaupo sa sahig habang nakikipaglaban ng titigan sa akin.
At that moment para akong nasa ibang universe kung saan dalawa lang kami ng lalaking yun ang nabubuhay doon. Ang lalaking matagal ko ng pinangarap at inasam-asam na Makita at makasama in real life. Wish granted at dream come true na nga ba talaga yun? Si Wu Chun nga ba itong kaharap ko? Oh my gosh! Hindi pa rin ako makapaniwala. Ilang sandali lang ay marami ng dumating na mga Taiwanese reporter. Agad na akong pumuslit sa mall habang pinagtutumpukan ng mga reporter ang lalaking hindi ko inaasahang makikita sa ganong sitwasyon. Inis na inis at puno ng panghihinayang akong bumalik sa room ko. Mahuhuli ko na sana sa mga pagkakataong yun si Monsour. Talagang matinik nga ang taong yun. Ang talas ng pakiramdam nya dahil nalaman nya agad na sya ang target ko. Biglang pumasok sa aking isipan ang mukhang matagal ko ng gustong makita sa personal. “Bakit kaya nandun si Zhun?” tanong ko sa aking sarili. Ang hindi ko alam ay mahilig rin pala syang maglakad ng nag-iisa. Pero teka, bakit parang balewala na lang sa akin ang pagkikita naming yun? Samantalang dati ang pangarap ko ay kapag nakita ko sya ay yayakapin ko sya at sasabihing mahal ko sya. Maya-maya ay bumalik sa aking isipan ang pangyayari kung saan mabilis ko syang hinablot at tumago kami sa pader at ng kukunin ko na ang aking baril ay—“oh no, niyakap nya ako at ikinover nya ang kanyang katawan sa akin..” tuwang tuwa at kilig na kilig ako sa aking alaala. Ngunit ng maisip ko si Monsour, ang pagtakas nito ay agad na kumulo ang aking dugo. “niyakap ako ng Zhun na yun para makatakas si Monsour! Teka, hindi kaya si Zhun ay isa sa mga galamay ni Monsour? Pero bakit ko naman pag-iisipan ng ganun si Zhun samantalang noon ay di ako pumapayag kapag sinasabi nilang masama ang ugali nito. Kaya lang, I need to protect myself. Trabaho muna bago yang love na yan dahil baka yan pa ang pumatay sa akin.”
submitted by aimee1993 to Kwaderno [link] [comments]


2015.09.27 05:19 pwil10 The talumpati that I personally made for my project tomorrow. What do you think?

Hello! I previously posted two lazy threads to get help for finding a good topic for my talumpati project. Now I got one thanks to the news, hence this I created:
Marahil ay karamihan sa atin ay nakapanood na ng isang epikong pelikulang Pinoy na pinamagatang "Heneral Luna". Ang pelikulang nabanggit ay tungkol sa isang magagalitin pero mapusok na bayaning heneral na may paninindigan para sa kalayaan ng ating Inang Bayan laban sa mga itim na mga balak ng mga dayuhang Amerikano. Dahil sa maganda nitong pagkakagawa, nakatanggap ito ng maraming mga positibong marka at isang qualipikasyon para sa Best Foreign Film sa Oscars 2016. Maraming mga nagagalak at mausisang mga mag-aaral at mga kabataan ay patuloy na sumusuporta at nanonood nito, hindi lang dahil may diskwento sa panonood ng mga estudyante, ngunit dahil nakakapulot ito ng kaalaman tungkol sa ating kasaysayan at ang pagiging makabayan, at pagmamahal sa ating tinubuang lupa.
Nakakadismaya lang malaman na may ibang mga kabataan na ignorante sa mga pinagdanaanan ng ating mga bayani. Napatunayan ito nang nagtanong ang ilang mga estudyanteng manonood kay Epy Quizon, artista na role ni Apolinario Mabini, ang dakilang paralitiko, kung bakit siya lang ang palaging nakaupo sa buong pelikula. Tamad lang daw siya at pagod, ilan nagsabi na nanunuod lang daw ng AlDub, sabi ng ilang nagkumento sa kanyang Facebook page. Ang masaklap pa, may iba ding nagkakalat ng impormasyong nakita ko sa social media na ang nagpinta ng Spolarium ay si Heneral Antonio Luna, imbis ang kanyang kapatid na si Juan Luna. Sabi ni Epi sa kanyang panayam na nakakalungkot lang na karamihan sa mga kabataan ay nananatiling mga mangmang pagdating sa ating kasaysayan. Ang tanong ko lang, ikaw din ba?
Napakahalaga sa atin na malaman ang kinagisnan ng Pilipinas, mula sa panahon ng ating mga datu at katutubong etniko, hanggang sa kasalukuyan para malaman natin kung anong mga pangyayari ang naghubog sa atin sa pagiging Pilipino, kung paano tayo umunlad bilang isang Pilipino. Kung alam natin ang kasaysayan, malaman natin kung ano ang nagawa ng ating mga bayani para sa kalayaan at autonomiya ng ating bansa. Nakikinig din tayo sa kasaysayan para maenganyo at maaliw, parang nakikinig ka ng kwento ng iyong mga magulang kung paano sila nagkita at umiibig sa isa’t-isa, o paano nakaligtas ang lolo’t lola mo sa pagiging marahas ng mga Hapon noon. Higit sa lahat, ang kaalaman sa kasaysayan ay nagiging gabay sa atin para sa kaunlaran ng ating bansa; inilalahad nito ang mga kamalian ng ating mga kababayan noon para ayusin ang ating sarili para sa ating pambansang kaunlaran. “History repeats itself”, sabi nga nila.
Sa kasamaang palad, hindi isinasapuso ng ating mga mamamayan ang kanilang nalalaman hinggil sa kasaysayan ng Pilipinas. Inimbak lang ang mga impormasyong nalikom sandali para sa isang pagsusulit, tapos bigla na lang itong nawala na parang bula. Ganon kasi tayo mag-isip. Hindi natin pinapalagahan ang mga napakikinggan istoryang puno ng sakripisyo at pagpapasakit para makatayo tayo sa ating sariling mga paa. Binabalewala lang natin ito dahil may mga bagay na mas pinapalagahan pa natin kaysa sa ating kasaysayan, ngunit ang mga bagay na ito, maniwala ka man o hindi, ay higit pang walang halaga. May iba namang mga guro na hindi masyadong sinisiryo ang pagtuturo ng HeKasi sa elementarya, katulad ng aking guro noon na palagi na lang absent at binigyan na lang kami ng pasulit kahit walang isang katingting na pagtuturo sa kasysayan. Kaya sadyang hindi interesadong matuto ang mga kabataan kahit sa mga simpleng kaalaman man lamang pagka’t may ibang mga guro na walang ganang mag-enganyo sa atin na malaman ang mga pangyayari’t mga kaganapan na naghulma sa estado ng ating bansa.
Ganunpaman, nakakaalarma na ito, sapagkat sa simpleng kamangmangan natin sa ating kasaysayan ay magdudulot ng puwang kung ano tayo bilang isang mamamayan ng sarili nating bansa. Kahit na hihikayatin ang ating sarili na mahal natin ang pagiging Pilipino, ay wala pa rin itong saysay kung mangmang din tayo sa ating kasaysayan. Sana walang nang mga igoranteng mga kababayan na nananatiling tanga sa sariling atin. Sana tulungan natin ang ating sarili na maging mausisa kahit paminsan-minsan sa ating kasayayan; sa mga panahong nakipaglaban ang ating mga kapawang Pilipino noon sa mga dayuhang mananakop, sa pargtatag ng ating pansariling pamahalaan, at paano tayo nagkaisa para sa kaunlaran ng ating bansa. Kaya kumuha na tayo ng aklat, mag browse sa internet, at magbasa tayo ng mga kwentong nagmolde sa atin bilang mamamayang Pilipino.
I'm not really an expert when it comes to Filipino, though I am a Filipino, so I may have a little difficulty in constructing every sentence. But I made it tho. So what do you think? Is iT good? Or is it........bleh. Any help would be greatly appreciated. Thanks guys!
EDIT: Edited
submitted by pwil10 to Philippines [link] [comments]


PAGDATING NANG PANAHON....BY AIZA..... - YouTube Noel Cabangon - Pagdating Ng Panahon - YouTube Pagdating ng Panahon - Sharon Cuneta - YouTube Pagdating ng Panahon Full Movie 2001 Sharon Cuneta and ... pagdating nang panahon - YouTube Pagdating ng panahon - ( LoiShua ) Aiza Seguerra-Pagdating Ng Panahon (With Lyrics) - YouTube Pagdating Ng Panahon - Aiza Seguerra (KARAOKE VERSION ...

Pagdating ng panahon in English with contextual examples

  1. PAGDATING NANG PANAHON....BY AIZA..... - YouTube
  2. Noel Cabangon - Pagdating Ng Panahon - YouTube
  3. Pagdating ng Panahon - Sharon Cuneta - YouTube
  4. Pagdating ng Panahon Full Movie 2001 Sharon Cuneta and ...
  5. pagdating nang panahon - YouTube
  6. Pagdating ng panahon - ( LoiShua )
  7. Aiza Seguerra-Pagdating Ng Panahon (With Lyrics) - YouTube
  8. Pagdating Ng Panahon - Aiza Seguerra (KARAOKE VERSION ...
  9. -Pagdating Nang Panahon-

I published a song on StarMaker, check out my singing now! starmaker https://go.onelink.me/2172530114?pid=share Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube. Wow! 300,000+ views! Thank You all for the nice comments. A lot of people are asking me to translate this song into English, I had a hard time doing it so I ... From the 2001 movie of the same title starring the Megastar Sharon Cuneta opposite Robin Padilla. This song was first sang by Aiza Seguerra and instantly bec... For all the pepol na naiinlove! wag kayo mawala nang pagasa! =D. ... Pagdating Ng Panahon - M. Ortiz (arr. Jose Valdez) Solo Classical Guitar - Duration: 3:12. Raffy Lata 29,454 views. Kindly Like, Share and Subscribe Thanks! All materials (Pictures, Music, Video) used on this video goes to all respective owners. If you want to request a ly... Enjoy the videos and music you love, upload original content, and share it all with friends, family, and the world on YouTube. Nasaan Ka Nang Kailangan Kita, 3:15 PM sa Kapamilya Gold. #KaraokeHits #KaraokeCovers #KaraokeVersions Here's a certified hit by Aiza Seguerra from the album 'Pagdating Ng Panahon'. Proudly OPM. 'In love, patience i...